May mga bagay na di mo inaasahang dadating sa buhay mo may mga bagay din na kahit imposibleng mangyare ay nagiging posible :)
Sabi nila wala daw nagtatagal sa LDR kasi dahil sa distansya may isa na magloloko at kadalasan ay yung mga lalaki.. maghahanap ng iba kasi di nila kaya na wala yung minamahal nila sa tabi nila kaya naghanap. Meron din yung magsasawa na kasi palagi nalang yung routine nyo CHAT, TXT at CALL. Pero kung totoo kayong pareho at kung seryuso kayo sa isat isa kahit ilang taon pa yan yung aabutin makakaya nyo at walang pagsasawang mangyayare kasi mahal mo sya. Sabi panga nila "Distance doesn't matter if two hearts are loyal for each other..."
------
I'm Honeylyn Amarta a 3rd year Marketing student at St. Mary's College I'm 18 years old I am also a scholar student by Sisters.
~~~~~~~~~~~~
" Hahahaha ang seryuso mo naman ata kuya ni di nga kita kilala makabanat ka wagas.."
Tawa ko habang nirereplyan yung kachatmate ko, eh pano ang korni nya haha di ako sanay.Ilang araw na din tong chokoy nagchachat sakin iniisnob ko lang haha sorry sya di naman kasi ako mahilig makipagchat sa mga diko kilala.
"Di ako nagbibiro, sa lahat kasi ng kachat ko ikaw yung kakaiba sa lahat" seryusong pagkasabi nya sakin.
" weeee?! Seryuso kuya? Anong klaseng kakaiba ba yan? Alien? Hayop? Bagay? O di kaya monggoloid?"
Pilosopong sabi ko sa kanya sabay tawa.eh parang pinaglololoko lang ako nito akala naman nya madadala nya ako haha NEVER! Suss mga lalaki pa naman ngayon nakooo di nalang ako magsasalita basta yun na.
"Hindi! , may iba lang ako naramdaman sayo simula nung inadd kita ewan ko ba sa sarili ko at ang maldita mo pa pag nagchachat ako sayo siniseen mo lang.." sagot nya na mukhang seryuso yung pagkasabi.
" di naman po kasi ako mahilig makipagchat sa iba kuya eh lalo na sa mga tulad mo na medyo korni. Haha sorry realtalk" sarcastic na sabi ko sa kanya tsaka totoo naman korni nya.
" Hmm pwede bako manligaw sayo honey ?" Tanong nya sakin na kinagulat ko.
Ligaw agad? Eh ilang araw palang sya nagchachat tapos manliligaw na? Ano ako? Tss mga lalaki talaga.
" Oopss anong honey ka dyan at anong ligaw?? Ikaw manliligaw? Sakin? Sa Facebook? Hmmm.." reply ko sa kanya at may biglang sumagi sa isipan ko.
Hmm sarap pag tripan ng chokoy na to haha may itsura din naman *smirked* wala ding magawa ang boring ng account ko.
" Ok sige , Pero waittttt bago moko matawag na honey may ipapagawa muna ako sayo" Pagsang ayon ko sa kanya sabay ngisi ng pagkalaki laki may naisip ako hmm papahirapan ko to. Haha
" sige ano yun? Gagawin ko kahit ano pa yan" pursigidong tanong nya na nakapag patawa sakin, Kapal nya ah hmm kala nya ah.
" Hmm ito itranslate mo sa Tagalog... 'PAG INAGOL NIM BOTOY!' Ayan ha? Sagutin mo yan para matawag mo nakong honey ^_^" habang nagpipigil sa tawa na alam kong mahihirapan sya.
" Pag inagol nim..? Parang mahirap to ah at diba honeylyn naman pangalan mo? Pero sige para sayo gagawin ko" reply nya na parang seryuso.
" Oo may clue ako sayo, Haha Waray dialect yan " Sabay tawa ko hmm tingnan lang natin. Wehehe
"(Patay ako nito...) ahh hmm, hehe waray ka pala? " Sabi nya na parang kabado.
" Oo bakit?? May angal ka? "
Sarkastikong pagtanong ko sa kanya.Ano problema kung waray ako? Parang natakot yung chokoy, haha aahhhh Oo sabi kasi nila na yung mga waray ay matatapang at mahilig daw sa away, Di naman lahat nako at kaya sinabing mahilig sa away siguro kasi yung the way na i express namin yung dialect ay parang pagalit at ganun talaga mga waray mga matitigas magsalita. Haha
" Ahh wala, hehe gagawin ko nanga oh para naman official na yung pagtawag ko sayo ng honey at para sagutin mo na din ako before mag pasko." Reply nya, tingin ko pinagpapawisan nato sa kaba.
" Good! , Pero waiiiiittt theres more .. hehehe " nakangising sabi ko sa kanya ng may sumagi nanaman sa isipan ko.
" ( ano nanaman kaya to..) Ahh hehe sure sige ano yun? Kinakabahang tanong niya.
" Sasagutin kita sa December 24... ^_^" nagpipigil na tawa ko sa kanya.
Sabi nya kasi before mag pasko dapat masagot ko na sya. edi sa December 24 hahaha para pagkinabukasan pasko na. Oh diba? Astig tapos sa 11:00 pm ko sya sasagutin. Haha
"Ha???? December 24?? Eh ano palang petsa ngayon?? September 20 palang" ----------
YOU ARE READING
Love Online
Short StoryNag umpisa sa lahat ng dahil lang sa facebook, at kahit dyan lang kami nagkakilala hindi yun naging hadlang samin bagkos ay naging matatag pa kami pareho LDR kami at umabot ng dalawang taon bago kami magkita Oo dalawang taon maniwala man kayo o sa h...