"Vincent..Bumitaw kana..''
"Hindi!!Kumapit kalang Marina!Tatawagan ko si ate!"
"Vincent,salamat kasi nakilala kita.."
"Wag kang magsalita nang ganyan!!Wag kang bibitaw!!"
"Pero paghindi ka bumitaw..Mahuhulog ka din..Ayaw kong nahihirapan ka dahil saakin.."
"Marina wag kang bibitaw!!"
"Sana..maging masaya ka kahit wala na ako..At sana naging tunay na kaibigan na ako sayo.."
"MARINA!!"Sa huli..Bumitaw sya nang may ngiti sa kanyang labi..
"Bakit nakangiti ka pa na alam mo na mamamatay ka?Bakit mo sinugal buhay mo para saakin?"
Nangako kaming dalawa proprotektahan ang isa't isa..
Pero..Hindi ko siya nagawang iligtas at protektahan..
Unti-unti nang nagdidilim ang lahat..
Naglalaho..
Unti-unting naglalaho.."Marina!!"
"Vincent,gumising ka!!Nananaginip ka!!"sabi nang pamilyar na boses.
"A..ate!"sabi ni Vincent sabay yumakap sa nakakatandang kapatid.Niyapos din sya nang ate niya na medyo nagaalala.
"Napanaginipan mo nanaman si Marina no.."sabi nito nang mahinahon ang boses habang nakatingin sa kanyang kapatid.
"Ako kasi may kasalanan..Hindi ko siya nagawang iligtas pero kahit papano niligtas niya ako."umiiyak na sabi nito habang hinahaplos nang ate nya ang kanyang likod.
4 na taon ang nakalipas nang mamatay ang kaibigan niyang si Marina.Pero hindi parin niya kayang tanggapin ang nangyari.Ngayon ay 3rd year na siya pero bumabalik padin ang alaala niya sa nangyaring trahedya..Kahit ganoon,Ang ate nyang si Lilith ay sinusuportahan padin siya dahil wala ang kanilang mga magulang.Kaya masaya padin sila kahit dalawa nalang sila.Pero may mga bagay lang talagang mahirap malimutan..."Ano..gusto mo bang pumasok ngayon?"Tanong nang ate Lilith nya na kumuha nang isang baso nang tubig.
"Papasok ako ate.."mahinang tugon ni Vincent habang nakatingin sa isang larawan sa drawer.
"Edi maghanda na tayo!Sa ginagawa mong yan malalate ka at siguradong mababatukan ka nang teacher mo dahil nagiging pala absent kana!Alam mo ayaw ni Marina na nagkakaganyan ka kaya kumilos kana!" mabilis na sabi nang ate nya sabay pisil sa pisngi ng kapatid.
"Oo nah!"kumamot sa ulo si Vincent at ngumiti nang onti saka binuksan ang pintuan."Nagluto ako nang sausage at omelette..Yan hindi na masyado mainit kasi tagal mong bumangon ehh."malumanay na sinabi nang ate Lilith nya habang nag hahanda nang plato.
Agad na umupo si Vincent at nagsimula na silang mag agahan.
"Mm..Medyo sunog.." sambit nito habang nakatingin sa kanyang ate.
"Hay..Ikaw pa may ganang magreklamo eh ako na nga nagluto!"agad naman na sagot ni Lilith sa kapatid habang nagsasandok nang kanin.
"Sunog nga ung sausage"ulit na sabi ni Vincent pagkatapos ilapag ang baso nang tubig."Well,at least masarap naman."
"Hay ikaw lang nakakaapreciate sa sunog na sausage..By the way,Bilisan mo na kaya kung gusto mong hindi ma late!"
paalala nito ulit habang humihigop nang kape.*Clank*
"Sige una na ako ate!"pagpapaalam na sabi ni Vincent matapos buksan ang gate.
"Ingat ka ha!Umuwi ka din nang maaga!"kumakaway na sabi nang ate nyang si Lilith habang nilalabas ang labahan.Habang naglalakad,nadaanan ulit ni Vincent ang park kung saan sila nagkakilala ni Marina.Nalungkot siya at lumingon nalang ulit.Nagpatuloy siya sa paglalakad.Hindi na niya napansin ang oras.Nagulat na lamang siya na nasa school na siya.
"Uy broo!!Ang tagal mong di pumasok ahh!!"bati sa kanya nang kanyang kaibigang si Harry sabay akbay sa kanya."So Vince,anong nangyari sayo this week?Bakit ka nagaabsent?"
Hindi sumagot si Vincent at nagpatuloy na tumingin sa sahig.
"Ah..Well,I understand..Nalulungkot ka padin dahil sa pagkawala ni Marina.."
mahinahong sagot ni Harry habang nakatingin kay Vincent.*Kriiingg*
"Halika na sa room..Bell na."walang emosyon na sinabi ni Vincent sabay bitbit ulit sa bag.Tumango naman si Harry at sabay na umakyat na sa kanilang classroom.
Pag upo nila kanya kanyang silya,napansin niya na may katabi na siyang babae na hindi niya pa nakikita dati."Vincent!!"
masiglang sabi ni Harry at tumakbo papalapit kay Vincent.
"Bakit?"mahinang sagot nito at tumingin kay Harry.
"Sabay tayong kumain."sagot niya na medyo masigla ang boses.
Tumango si Vincent at sabay silang naglakad patungo sa rooftop.
"Sino yung babaeng katabi ko kanina?"
mahinang tanong ni Vincent habang sumusubo nang kanin.
"Ah..Yung transferee ba?"
"Oo.."
"Ay..Nagtransfer lang siya last week nung thursday."
"Sino siya?"
"Hindi niya sinasabi eh..Parang shy type na may pagkamaldita..Hindi ko lang alam.Pero cute siya no?"
"Oo..Medyo cute nga siya.."sabi ni Vincent at ngumiti nang kaunti.*Kringgg*
Ilang oras na ang nakalipas at natapos din ang klase.Tumunog ang last bell na hudyat nang pagtatapos nang araw.Sabay na lumabas ang dalawa at agad na naglakad papunta sa kanya kanyang bahay.6:00 na noon at dumaan muna sa isang convenience store si Vincent upang bumili nang midnight snack.Medyo madilim na noon,Malamig ang simoy nang hangin kaya nagdesisyon siya na magpahangin na muna.Hindi na niya napansin na 7:30 na pala.Maganda ang kalangitan nang gabing iyon..Maliwanag ang kislap nang mga bituin at itim na itim ang langit.Kahit sino ay mapapatingin sa kagandahan nito..
Ngunit may ingay na nagmula sa malapit ang bumasag sa katahimikan.."Si..Sino yan?"mabilis na tanong ni Vincent na nanginginig ang boses.
"Si..no ka??"tanong din nang tinig na boses babae na hindi nakikita dahil sa dilim nang gabi..Sino kaya siya?
~To be continued~
First time ko lang po mag post nang story sa wattpad~Sana po nagustuhan nyo pong lahat~
Thanks~ :)
YOU ARE READING
Gears of Time
RomanceSa buhay natin,Lahat ay di inaasahan..Lahat ay parang panaginip na pwede tayong magising kahit anong oras.Parehas lang yun sa pagkakaibigan at pagibig.Kahit anong oras pwede kayong maghiwalay,pero kahit ganoon,pinagtatagpo padin nang tadhana.Story i...