PROLOGUE

13.1K 103 3
                                    

"I am really sorry, Emerald.." napalunok ako nang magsalita ang doctor sa harap ko. Kumabog ng mabilis ang puso habang naghihintay sa susunod n'yang sasabihin.

"Cardiomyopathy." panimula ng doctor. Huminga ko nang malalim nang mailapag n'ya ang kanina ko pang hinihintay na result.

"It is a disease of the heart muscle that makes it harder for your heart to pump blood to the rest of your body." mabagal ang kanyang pagsasalita. "Cardiomyopathy can lead to heart failure, Emerald." sunod sunod ang paglunok ko.

Tila nanuyo ang aking lalamunan dahil sa narinig kong hindi ko naintindihan.

"A-Ano pong ibig s-sabihin non, Dra. Santos?" kumapit ako ng mahigpit sa upuan na kinauupuan ko.

Hindi ko naintindihan ang sinasabi n'ya kaya't minabuti ko nang itanong. English kasi eh.

"It means.. Pwede mong ikamatay ang sakit na iyon. You only have a year to live. I am really sorry. But you still have a chance, Emerald. Pwede kang pumunta sa States at magpagamot doon." sabi n'ya.

Napahawak ako sa aking dibdib. M-mamamatay na ko? Napasinghap muna ko bago tumingin ng diretso sa mata ng ginang.

"Hindi na po kailangan doctora. Okay lang na mamatay ako. Wala naman na kong magulang, kamag anak, kaibigan at love life. So, bakit pa ko gagastos? Haha. Sige, M-mauna na po ko, Doctora." tumayo ako at nanginginig na naglakad. Pilit kong pinigilan ang pagbuhos ng luha.

Dahan dahan lang ang aking paglalakad. Pinipigilan kong maiyak. Hindi ako iiyak.
Hinding hindi. Naging masaya naman ang life ko kahit papano. Sa 25 years kong pananatili sa earth, may mga magagandang ala ala naman na nabuo. Pilit akong ngumiti kahit na mabigat ang aking kalooban.

Pipihitin ko palang ang door knob nang mag salita si Dra. Santos.

"Emerald.." tawag n'ya saakin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi at humarap sakanya. Pinigilan ko ang aking pag iyak at pilit na ngiting humarap sakanya.

"B-bakit po?" tanong ko.


"Yung...yung bayad mo, Emerald."

Ay, shit! Akala ko libre na eh! Mamamatay na nga lang sisingilin pa!




StupidiciousPink

A Deal With The PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon