"Diane! Get the fcking papers I need to sign! I'm in a hurry!"
"HETO NA PO!"
Bwisit! Kung hindi lang talaga mahirap maghanap ng trabaho eh matagal na ako nagresign dito. Magka-boss ka ba naman na ubod ng yabang, sama, suplado at babaero eh hindi ka mainis.
William Jonathan Roswell. Anak ng mag-asawang Jonas & Willa Roswell. Mabait naman ang magasawa kaya nagtataka ako kung saan nakuha nitong boss ko ang ugali niyang yan.
Araw-araw iba't ibang babae ang hinaharap ko para sabihin na, "He is currently out of the country for a month."
Oh diba walanghiya! Ginagawa pa akong sinungaling.
Lord hindi sa akin kasinungalingan yun ah, napaguutusan lang po.
"Ang kupad kupad mo kumilos. Nagmama-" Naputol ang sasabihin ng hayuuuuup kong Boss nang may narinig kaming iyak ng sanggol.
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung iyak at natagpuan ko yun sa loob ng closet sa office niya.
"Ano yang bagay na yan?" tanong ni William habang tinuturo yung sanggol na nasa basket.
"Sir nagaral ka ba? Baby yan! Sanggol sa tagalog! Tanga la-"
POK!
"Aray hah! Mambatok ba naman! Sinasag-"
"Ayusin mo pagsagot mo Miss Diane del Rosario ah!"
"Ayusin mo rin kasi pagtatanong mo Sir William Jonathan Roswell!"
"Aish! Kanino bang baby yan nakakainis ah! Tama ba namang iwanan dito yan! Nag-iinit ang ulo ko. Itapon mo nga yan!"
Itapon? Aba siraulong nilalang na ito? Sanggol? BABY? Itatapon? Wow!