TINAGA NI KUYA ANG BOYFRIND KO

24.9K 90 11
                                    


CHAPTER 10
Kinabukasan ang tinanghali ng gising si Francis, di kasi ito nakatulog nang maaga kagabi sa kaiisip sa kanyang problema. Kung uuwi ba siya sa bahay o hindi. Kung paano niya haharapin ang Kuya niya at ang boyfriend niya.
Paglabas niya sa kwarto ay siya namang paglabas ni Lester sa kwarto nito.
Morning pre, morning din sagot ni Lester.
O, ito tshirt, boxer at pantalon, pinabili ko yan kahapon kay Mila. Maligo kana at babalik na tayo sa city.
Agad namang pumasok si Francis sa kwarto nito at naligo. Suot niya ang damit na binili ni Lester para sa kanya.
Habang nasa taxi na sila ay tahimik lang ang dalawa. Para bang may malaking nakaharang sa kanila. Di sila nag-uusap.
Si Francis na ang unang nagbasag ng katahimikan.
Pre, bakit ang tahimik mo ngayon, di ka naman ganyan kahapon ah.
Di may iniisip lang ako, sagot ni Lester.
Ano naman iyon pre, si Faye na naman. Di ba kasasabi mo lang kahapon na hahayaan mo ang kaligayahan niya.
Pero kagabi lang napanaginipan ko kasi siya pre, humihingi siya ng tulong sa akin. Natatakot ako para sa kanya pre.
Natatakot ako na baka may masamang nangyari sa kanya sa States.
Eh isa lang ang masasabi ko diyan, sundan mo siya doon para makasigurado ka. Malay mo may problema siya, malay natin mahal ka din niya pero may mga bagay lang siguro na naging dahilan para gawin niya iyon.
Napag-isip din si Francis sa kanyang ibinigay na payo kay Lester. Sumagi sa isip niya na baka may dahilan din si Joseph kung bakit niya ito ginawa.
Tama ka pre, alam kung mahal ako ni Faye, minsan ko nang napatunayan yan noong nangangabayo kami. Pero dahil sa kagustuhan ng kanyang Lola ay pumayag na lang si Faye na magpakasal sa amerikanong di naman niya mahal.
Salamat pre, binigyan mo ako ng lakas ng loob na sundan si Faye sa States.
Nang makaratin na sila sa highway ay kumain muna sila sa Jollibee.
Ikaw pre, anong balak mo kay Joseph at sa Kuya mo. Malay din natin napipilitan lang din si Joseph na gawin iyon.
Di ba nasabi mo rin sa akin kahapon na minsan mo nang narinig ang Kuya mo na may binabantaan ito. Malay natin bina-block-mail siya ng Kuya mo.
Kaya pre, huwag mong hayaan na mawala sa iyo ang taong mahal mo. Ipaglaban mo siya, pakinggan mo ang mga paliwanag niya.
Di ba sabi mo din sa akin kahapon na ang kwentas na ito ay ibingay niya. Di lahat ng lalaki ay totoo sa mga tulad ninyong bisexual. Pero siya tanggap ka niya, at sa iyo pa niya ibinigay ang kalahati ng puso niya. At tandaan mo ang sinabi niya na sa taong mahal lang niya ibibigay ang kalahati ng puso niya, at ito yon, ikaw ang binigyan niya kaya ikaw ang mahal niya.
Salamat pre ha, tama ka, manhid naman ako kung sasabihin kung di ko na mahal si Joseph. Nabigla lang ako sa nakita ko.
Pagdating ni Francis sa bahay nila ay napakatahimik dito. Doorbell siya ng doorbell pero walang tao.
Di naman niya mabuksan ang gate dahil naiwan niya yung bag niya kahapon.
Franz, kumusta na ang Kuya mo, tanung ng isang kapitbahay sa kanya.
Ha, bakit ano bang nangyari sa Kuya ko. May pagaalalang tanong niya.
Huwag mong sabihing di mopa alam, nagbitay ang Kuya mo noong isang araw. Buti na lang at naabutan siya ni Manang at nadala agad ito sa ospital.
Ano,sigaw ni Francis. Saang ospital daw nila dinala ang Kuya may pagka-crack na boses niya.
Ewan ko, di ko alam. Sige na, may bibilhin pa ako sa tindahan, paalam ng kapitbahay.
Iho, san kaba galing, ano bang nangyari sa iyo. Di mo ba nabalitaan ang nangyari sa Kuya mo, na siya namang pagbaba ni Manang sa isang jeep.
Manang kumusta na ang Kuya, nakokonsensiya ako Manang. Alam kung ako ang dahilan ng lahat.
Bakit ikaw ang dahilan, nag-away ba kayo ng Kuya mo. Manang halika na, puntahan na natin si Kuya.
Nang makarating sila sa ospital ay andoon ang Mama at Papa nila. Nagbabantay sa kanyang Kuya.
Maraming nakakabit sa katawan ng kanyang Kuya. Awang-awa siya dito.
Mama, yakap ni Francis sa ina. Kung di dahil sa akin di sana mangyayari ito sa Kuya ko. Mama, patawarin niyo ako.
Iho, alam na namin ang lahat, bago siya nagbitay ay tumawag muna siya sa amin.
Pina-alam niya na nakagawa siya nang kasalanan sa iyo. Hiyang-hiya siya dahil napaka-sakim niya daw na Kuya.
Sinabi niya sa amin anak ang tunay mong pagkatao at ang relasyon niyo ni Joseph. Nagalit kasi siya noong nakita niya daw kayo noong birthday niya kaya si Joseph ang pinagtuunan niya ng galit.
Bina-Blackmail niya ang boyfriend mo anak. Pinagagawa niya dito ang isang bagay tulad ng nakita mo para lang layuan ka niya. Para magsawa ito sa pinagagawa niya at iwan ka.
Pero nagkamali siya anak, sinabi niya sa amin ng Daddy mo na imbes na kaligayahan ang kanyang ibigay ay hapdi ng puso ang kanyang dinulot.
Sinabi niya sa amin anank na kung may mangyari sa iyo ay di niya mapapatawad ang sarili niya.
Mahal na mahal ka daw niya anak, bilang Kuya ayaw niya daw na maging bakla ka, pero iyan ang kaligayahan mo. Kaya hiniling niya sa amin na tanggapin ka namin. Sana daw ay mapatawad mo siya anak.
Kuya! Sigaw ni Francis nang nagiimpit sa sakit ang kanyang Kuya. May ininum din pala itong lason.
Kuya, wag mo naman akong iwan, di naman ako galit eh. Nabigla lang ako. Kuya!! Sigaw niya.
Ako na po ang bahala sir, maam,sabi ng doctor. Sinubukan pang irevive pero huli na. Binawian ng buhay ang kanyang Kuya.
Kuya!! Anak!! Sabay nilang niyakap si Edward.
Kuya, bakit mo ako iniwan, diba ang sabi mo sa akin non ay proprotektahan mo ako. Sino na ang magtatanggol sa akin. Kuya gumising ka. Kuya! Kuya!
Naging masaklap ang inabot ng kanyang Kuya. Di na muna siya pumasok sa opisina nila. Nagluluksa siya sa pagkwala nang kanyang Kuya.
Franz, condolence. Sabi ni Jane at Anne, di na nila nakasama si Jordan at Philip kasi may duty ito.
Salamat! Pero di pa rin napigilan ni Francis ang ma-iyak.
Bakit umabot sa ganito ang lahat, bakit kailangan pang iwan ako ni Kuya. Kung nakinig lang sana ako sa paliwanag niya, kung di ako nagpadala sa selos at galit ko, di sana buhay pa ang Kuya ko.
Franz, naiintindihan ka namin, si Joseph din ay ganyan ang nararamdaman. Hiyang-hiya siya sa iyo. Palagi na nga siyang pinagagalit an ng supervisor natin kasi laging wala sa isip.
Franz, inamin na sa amin ni Joseph na siya ang dahilan kung bakit nag-away kayo ng Kuya mo. Sinisisi nga niya ang sarili niya.
Gosto ka nga niyang maka-usap pero di mo sinasagot ang tawag niya at nahihiya siyang pumunta dito kasi baka magalit ka, at ang pamilya mo.
Pero nagbilin siya sa amin Franz, na mahal na mahal ka niya. At ikamamatay niya kung di mo siya mapapatawad.
Wala na akong panahon sa pag-ibig Jane, dahil diyan nawala ang Kuya ko. Ayaw ko muna, gosto kung hanapin ang sarili ko. Kung tama ba itong relasyong pinasukan ko.
Umabot ang araw ng libing ng kanyang Kuya. Marami ang nagsipaghatid sa huling hantungan ni Edward. Ang Mama at Papa niya ay medyo natanggap na ang sinapit ng anak pero si Francis ay talagang hindi pa. Tuloy pa rin ang pagluluksa at pag-iyak niya.
Kuya!! Nang tabunan na ito ng lupa ng dalawang lalaki. Anak! Hayaan na natin ang Kuya mo, di ba ayaw niyang nakikita kang umiiyak. Tahan na anak, sabi ng kanyang ina.
Di pa rin makapaniwala si Francis na wala na talaga ang kanyang Kuya. Pakiramdam niya ay malaking kawalan sa kanyang pagkatao ang kanyang Kuya.
Nang biglang nagring ang kanyang cellphone. Nandoon galing ang tunog sa kwarto ng kanyang Kuya.

TINAGA NI KUYA ANG BOYFRIEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon