Chapter 11

86 5 0
                                    

Chapter 11:

“Uy Tammy hindi ka pa ba uuwi?” Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Jen. Lumapit sya sa akin. “Kanina ko pa napapansin, parang wala ka sa sarili mo. Okey ka lang ba?”

“Oo. Okey lang ako.”

“Sigurado ka ba? Hindi ka naman dating ganyan eh. Buong maghapon kang tahimik. May nangyari ba?”

“Wala naman. Medyo masama lang ang pakiramdam ko.”

Dinama ni Jen ang noo ko.

“Wala ka namang lagnat. Ang mabuti pa dumaan tayo sa botika at bumili ng gamot. Baka mamaya magkasakit ka nga. Mahirap na.”

Bigla  akong nakonsensya sa pinakitang concern ni Jen. Ang totoo nyan, hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Sinabi ko lang yon.

Dahil mapilit si Jen, dumaan kami sa mercury at bumili ng gamot.

“Nga pala, bakit absent si Jason kanina?”

“Ha?” Nagtatakang nakatingin sa akin si Jen.

“Sabi ko bakit hindi pumasok si Jason sa trabaho?”

“Hindi ko alam eh.”

“Di ba magkapitbahay kayo. Wala ba syang nasabi sayo?”

“Wala naman.”

“Ano kayang nangyari sa lokong yon? Ngayon lang sya umabsent sa trabaho.”

“Nag-aalala ka?” tinitigan ko si Jen. Wala naman akong makitang iba sa hitsura nya.

“Hindi naman sa ganon. Nagtataka lang ako. Kaw naman, ‘wag ka nang magselos dyan.”

“Ako? Nagseselos?”

“Ohh--huwag defensive. Mamaya iisipin ko na talagang nagseselos ka dahil concern ako kay Manong Jason.”

“Hindi naman ah!”

“Papunta ka pa lang, pabalik na ako.”

Hindi na ako nagkomento sa sinabi ni Jen. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng mall.

“SAAM!”

Naglalakad palapit sa amin ang nakangiting si Jason. Napansin kong palipat-lipat ang tingin ni Jen sa aming dalawa. Bigla nya akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ni Jen.

“JD teka--”

“Sam thank  you!”

“Teka--”

“Thank you talaga.”

“Hi—ndi ako makahinga.” Grabe! Ang higpit ng yakap nya.

“Ay sorry! Natuwa lang ako.”

Unti-unti akong binitawan ni JD. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Si Jen, nakatingin lang sa aming dalawa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

“Ano bang meron? Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Saka bakit hindi ka pumasok sa trabaho?”

“Ehheeem!” Tumingin ako kay Jen.

“Ganito kase yon. Sinunod ko yong sinabi mo. Kaya thank you talaga. Thank you sayo. Nagkausap na kami ng Dad ko, and guess what?”

“What?”

“Okey na kami.”

“TALAGA?”

“Oo! Kaya thank you talaga sa’yo.”

Hindi na ako nagreact ng muli nya akong yakapin. Masaya ako para kay Jason. Mabuti naman nagkausap na sila ng Daddy nya.

Ako kaya kelan?

“Hintayin nyo ko dito. Kailangan nating magcelebrate.” Bago pa may magsalita sa amin, mabilis ng nakaalis si Jason. Pumasok sya sa loob ng mall.

“Uy Tam-Tam umamin ka nga. May gusto ka kay Jason noh?”

“Ha?”

“Hindi mo na pala kailangang umamin dahil alam ko na, at kitang kita ng magaganda kong mga mata na may gusto kang talaga sa kapitbahay mo.”

“Wala no!”

“Deny ka pa dyan. Eh kung hilahin ko kaya dila mo? Kanina para kang namatayan, ngayong nakita mo si Jason para ka namang nabuhayan. Lande mo rin.”

Mabilis na nabura ang ngiti ko.

“Nong wala pa si Jason, para kang tv na black and white. Pero nong dumating sya, at niyakap ka,aba neng, bigla kang nagkakulay. LCD ka na ngayon hindi na tv. Hindi lang pala LCD, LED ka na. ‘Yung touch screen pa. Landee! Infairness, bagay kayo. Ako ang number one supporter ng loveteam nyo. Manang and Manong. Anong say mo?”

Tinalikuran ko bigla si Jen. Nakakahiya!

Ganon ba talaga ako kanina?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon