Una

34 5 1
                                    

Araw ng miyerkules kya walang masyadong estudyante na masasalubong sa hallway dahil NSTP day at kadalasan ay mga 1st year at 2nd year lang ang may klase. Mayroon naman sa higher years pero pili lang.

Kampante akong naglakad sa hallway nang bigla akong nakaramdam na parang sumabog ang puson ko.

Takbo - lakad ang ginawa ko para makarating agad sa cr at dahil wala naman akong choice eh sa engineering na cr nalang ako pumasok.

Dali- dali akong pumasok sa bakanteng cubicle. Umupo ako ng pang prinsesa habang nakatingala sa kisame. Kinikilig ako! Shocks! Hays sarap talaga sa pakiramdam!

Palabas na ako sa may pinto ng cr nang may dumaan na lalaki sa harapan ko. Woaaah! Gwapo! Napukaw ang atensyon ko dahil kakaiba siya. Nakasuot siya ng engineering shirt at faded blue jeans.

Kapansin-pansin ang makinis niyang pisngi at matangos na ilong.
Sheyt! Memeng! At nakadagdag pa sa appeal ang suot niyang earphone. Ayos! Mukhang maiinspired ako sa sem na ito. At bago pa ako makaisip ng anong kalandian ay biglang may narinig ako na --

Ano iyon??

Kutsara?

Na nahulog?

Napailing nalang ako at kibit balikat akong naglakad paglabas sa cr ngunit maya-maya pa ay napahinto ako dahil di talaga ako mapakali eh. Tsk tsk

Dahil sa kuryosidad ay para akong luka luka na naghahanap sa nawawalang kutsara.

Lingon. Yuko.
Lingon. Yuko.

Hala! Namulto na ata ako . Sheyt! Ano bang----

" Niki? Anong hinahanap mo?"

Memang!Dahil sa gulat ay napahawak ako sa boobs ko, ay chest lang pala. Hahaha

Lumingon ako bigla sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang seatmate kong naglakad papalapit na may pagtataka habang nakatingin sa akin. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahilan para magising ang mga balakubak .Hahaha

"Eh iyong kutsara". Alanganing Sabi ko. Baka kase pag-isipan pang baliw.

Lumaki ang dalawa niyang mata at nagsalubong and mga kilay na tila nagsasabing baliw na nga talaga ako. Di ko nalang siya pinansin at nabigla ako nang may inaabot siyang susi sa akin.

"Ha? Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko. Ngumiti siya saka sinabing ang wierdo ko daw dahil ang kutsara ko raw ay susi. Iniaabot nya sa akin at tumalikod na. Naiwan akong napaisip.
Ay! Teka, teka . wait. Wait. Baka naman......gosh...ito iyong nalaglag.... kanina???! Nah! Naluko na! Nakakabingi pala ang kagwapohan ni kuya--teka, teka.. Sa kanya ito dahil wala namang ibang tao kanina na dumaan dito.

Pero bakit di niya napansin?

Dali-dali akong naglakad para hanapin so Kuyang Susi. Oo. Ito nalang itawag ni sa kanya. Hinalughog ko na ang rooms sa first floor ngunit nabigo akong hanapin siya. Paano naman eh bakante lahat ng rooms dahil walang klase iyong sa higher years.

Para akong nirayuma habang paakyat ng hagdan papuntang second floor. Sorry na. Mahirap lang iyong school ko, walang elevator.

Dumaan ako sa mini library nagbabasakaling andoon siya pero nabigo na naman ako. Grabe ha. Daming kabiguan ko sa - .

Napatigil ako nag nag-ingay ang de antenna kong cellphone. Hahaha biro lang. Napatingin ako sa screen. Ay si Rica lang pala. Nagtext kung saan na naman daw ako naligaw. Nag quiz daw ang professor namin. Nereplayan ko nalang na sa mini library ako, na sa pagkakaalam ko ay di iyon maniniwala. Ako? Tumatambay sa library?? Hahaha not in a thousand years.

Hays! Napabuga ako ng hangin habang nakahilig malapit sa pintuan ng isang bakanteng classroom .
Saan na kaya iyong taong iyon?

Sinipat sipat ko ang susi. Baka naman importante ito. Baka susi sa kotse, motor, aparador, tokador, door. Ay baka sa pintuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Key (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon