DOCE (REVISED)

12.4K 286 77
                                    

Lumipas ang oras at nanatili akong nakahiga. Pinapakiramdaman ko ang paligid ko, hindi ko maiwasan ang kabahan dahil walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ako.


Pumikit ako nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto

"Mrs. Lozado, wake up" bulong niya


"Doc?! Anong-"



"Ssshh! Wag ka maingay, tatakas tayo!" Aligaga na sabi niya


Parang sasabog ang puso ko sa tuwa, hindi ko akalain na tutulungan niya ako dahil tinanggihan niya ako nung una.


"Doc, ano pong nangyayari?!" Hindi ko pa rin maiwasan ang magtaka at tanungin siya


"Mga traydor sila! Narinig ko silang nag-uusap sa telepono kanina, papatayin din pala nila ako dahil natatakot sila na baka magsumbong ako sa mga pulis. Testigo ako sa pagkakapatay nila kay Mayor Acosta!" Galit nitong sabi.

Mas lalo akong natakot para sa buhay ko at at kay Doc. Wala lang sa kanila ang pagpatay, mas masahol pa sila sa hayop!



"Doc, natatakot ako, paano kung hindi tayo makaalis dito?!" nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kaba at takot. Ang tanging tumaktabo sa isip ko ngayon ay ang makatakas kami.


"Maski ako din iha, but we need to set aside our fear. Kailangan nating makatakas dito kundi papatayin niya tayo!"


Inalalayan niya akong bumangon at tinulungang tanggalin ang mga aparato.

"Doc, pano po ang kasama ni Gavin?! Hindi po ba tayo pwedeng tumawag sa mga pulis?!" Tanong ko.

"Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin niya kanina, pero wag pa rin tayong maging kampante. Hindi ganun kalakas ang epekto ng gamot, magigising pa rin siya sa ingay! Kinuha nila ang mga gadgets ko pati ang sasakyan ko, i've been here for almost three days!" Bulalas nito.


Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso at dahan-dahan kaming lumabas mula sa kwartong iyon.

Maingat naming tinatahak ang daan palabas ng bahay. Sinisigurado naming hindi kami makakalikha ng ingay na siyang makakapagising sa kasama ni Gavin.

Nadaanan namin ang isang kwarto, may siwang ang pinto nito kung kaya't medyo nakita ko ang loob.


"Doc, sandali!" Nilapitan ko ang kwartong iyon at sinilip

Napatakip ako ng bibig at unti-unting nangilid ang luha ko.


Ang kwartong iyon ay punong-punong ng litrato ko. Mula sanggol ako hanggang ngayon.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang makita ko ang litrato na kung saan ay naliligo ako at nagbibihis. Napadako naman ang tingin ko sa laptop, may nagpeplay na video dito at galing ito sa cctv camera.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa napapanood ko ngayon.

Pumasok siya sa kwarto ko habang natutulog ako, tumabi siya sakin at ibinaba ang kumot na nakabalot sa aking katawan. May kung anong tinurok siya sa aking balikat. Bumangon siya at nagtanggal ng damit. Muli siyang humiga sa tabi ko at tinanggal ang lahat ng saplot ko, nagsimulang gumapang ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko. Hinila niya ang kaliwa kong kamay at nilagay sa pagkalalaki niya.

"Oh fuck!" Sigaw niya habang kinokontrol ang paghawak sa aking kamay

Hindi ko na nakayanan, hinila ko ang cable ng laptop na iyon. Napasalampak na lang ako sa sahig at umiyak. Kaya naman pala kapag nagigising ako sa umaga ay sobrang sakit ng ulo ko dahil sa gamot na tinuturok niya sa akin.

Napakababoy mo Gavin! Hinding-hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo sakin!

Nilapitan ako ni doc at hinagod hagod ako sa likod

"Wag ka mag-alala iha, makakatakas tayo dito. Makukulong din ang hayop na yan!" May determinasyon na sa kanyang boses na nagpalakas ng loob ko.

Tinatagan ko ang sarili ko kahit na nanginginig ang mga tuhod ko mula sa nasaksihan ko.


Natauhan ako nang maramdaman ko ng malamig na hangin indikasyon na nakalabas na kaming tuluyan sa bahay. Inilibot ko ang aking mga mata, na sa masukal na gubat kami at  ang bahay na ito ang tanging nakatayo.

"Bilisan natin ang paglalakad iha, may posibilidad na magising na si Dennis ngayon!"

Ilang oras kaming nagpalakad takbo hanggang sa makita namin ang highway. Abot langit ang ngiti ko dahil sa wakas ay makakaalis na kami. Namataan din namin ang sasakyan na paparating, paparahin ko na sana ito nang bigla akong hilahin ni doc.

"Iha, magtago muna tayo! Iba ang kutob ko sa paparating na sasakyan!" Mabilis na lumayo kami at nagtago sa talahiban.

Hindi nga siya nagkamali matapos bumaba ang mga nakasakay doon.

"Pre, nakita mo na ba iyon? May tatawid ata kanina kaso bigla--" natahimik ito nang tutukan siya ng baril

"Shut your fucking mouth! Let's find them!" Galit na ibinalik nito ang baril at nagsimulang suyurin ang talahiban.

"Find the doctor and kill him! Ako ang maghahanap sa asawa ko!" 

Takot akong tumingin kay doc, sa bawat paghakbang ni Gavin ay siya namang pagpigil ng hininga ko.

"Listen to me iha, kailangan nating maghiwalay. Masyadong delikado kapag nahanap nila tayo parehas, maghanap ka ng matataguan mo." suhestyon ng doktor sa kanya.

"Doc ayoko! Ayoko pong mag-isa!" Naghy-hysterical na siya

"Kayanin mo iha, pilitin mong makatakas!"

"Pero doc paano po kayo?!"

"I can handle them, kapag nakahanap ka ng tiyempo, tumakbo ka lang. Keep on running and never look back!" Mataman ako nitong tinitigan at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay.

"Go, now!" Sigaw ng doctor. Tumayo ako agad at mabilis na tumakbo.

"Mahal ko, makakasama na din kita" tumingin sa langit ang doktor at napangiti.

--

Nakahanap naman siya nang matataguan, lumusot siya sa may butas ng puno. Pagod at gutom ang nararamdam niya ngayon. Saglit siyang napapikit ngunit wala pang ilang segundo nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang gulat. Mas lalo siyang sumiksik nang makarinig ng mga yabag papalapit sa pwesto niya. Hindi siya mapakali, dahil na rin  sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Nanginginig na ang buong katawan nya dahil matinding lamig.

Alam niya sa sarili na anytime ay mahihimatay siya dahil unti-unti na siyang kinakapos ng hininga.

"Kaya ko to, lalabanan ko to!" Bulong niya sa sarili.

"Come out my sweet angel" napamulagat siya.  napakalamig ng boses nito na animoy yelo. Binalot ng takot at kilabot ang buo niyang pagkatao. Ito na ang kinatatakutan niya, ang mahanap siya.

"Come out now my sweet angel, i can hear and smell you"

Tinakpan niya ang kanyang bibig dahil  sa takot na baka marinig nito ang mga hikbi niya. Patuloy lang ang pag agos ng luha niya. Ang pinagdarasal niya ngayon ay sana hindi siya makita at makatakas na siya.

"You love to play hide and seek, huh?. Pag nahanap kita, i won't be gentle my love"

----

Hanggang dito na lang muna tayo mga bebe hahahhahaa. Wala nang maproduce ang aking brain cells hahaha. Comment naman kayo guys kung may suggestion kayo or pwedeng maidagdag dito. Thanks! Enjoy 😘

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon