"Good morning Mom and Dad!" Bati ko kay mommy at daddy nung pababa na ako papuntang dining area.
"Mukhang excited na excited na ang baby namin ah?! Bihis na bihis na agad." Sabi ni mommy papalapit sa akin.
Excited na kasi talaga ako lalo na't first day of school. Kinakabahan talaga ako kanina pa dahil senior high shool student na ako. Hindi ako makapaniwala. Parang ang bilis lang ng panahon. Dati rati ay naglalaro pa ako ng mga iba't ibang laro tulad ng tagu-taguan. Ngayon ay binata na ako.
"Ang gwapo talaga ng anak ko. Bagay na bagay sa iyo ang bago mong uniform baby." Namamangha na talaga si mommy sa kagwapuhan ko.
"Syempre naman mommy. Mana kaya ako kay daddy." Pagmamayabang ko.
"Naku naman anak masyado mo atang pinapalaki ang atay ng daddy mo." Nagbibirong sagot sa akin.
"Honey naman! Totoo naman ang sinasabi ng anak natin ah. Diba Manang?" Nalulungkot pero binawi agad ni daddy ng ngiti iyon nung tanongin na niya si manang.
Natutuwa talaga ako kay mommy at daddy parang hindi kumukupas ang pagkasweet nila eh. Hanga ako sa pagmamahalan nila.
"Naku sir Oo naman. Nagmana talaga ang anak mo sa iyo. Tulad ng mga mata at ilong mo. Pero kay Madame naman ang labi hehe." Nakangiting sagot ni manang. At nagtawanan kami lahat.
"Madame, Sir, Iho Kumain na po kayo. Hindi na po masarap ang pagkain kapag lumamig na ito." Paalala ni manang
Kumain na rin kami at hindi ko maiwasan ang matawa sa ginagawa ni mommy at daddy. Ang sweet sweet talaga nila. Parang naiinggit ako sa ginawa ni mommy kay daddy. Parang gusto ko na rin magkaroon ng karelasyon. Hayst ano ba itong naiisip ko? Ang bata bata ko pa para diyan. Mas magandang mag-aral na lang ako ng mabuti.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang magsalita nang dahil sa nakikita ko.
"Mommy Daddy!! Urgh nasusuka na ako. Pwede bang mamaya niyo na lang iyan ipagpatuloy? Ang sweet niyo na masyado. Nagseselos ako mom! Ako rin dapat!" biro ko at Nalulungkot na sigaw ko kay daddy at mommy.
Tumawa na lang kami at hindi na nagsalita pa. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako agad. Ayokong malate hehe.
"Mommy Daddy, mauna na po ako." Paalam ko sa kanila. "Bye Mom Dad. Manang babye po!" Dagdag ko pa habang kumakaway paalis.
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at pinaandar. At Pinaharurut ko na ito bago pa ako maabutan ng traffic.
Hindi tumagal ng 15 minutes ay dumating na ako sa paaralang papasukan ko.~~~School
'INDIERRAH UNIVERSITY' pagbabasa ko bago pa man ako makapasok sa loob. Hello IU! Welcome back! Be good to me!
Hinanap ko agad kung saan ako dati nagpapark. At sa wakas walang nag-isip na magpark doon, humanda siya sa akin kapag naisipan nila yun.
Pinark ko na agad ang sasakyan ko at nag ayos sa loob. Inayos ko ang uniporme ko at tumingin sa salamin. Ang gwapo ko talaga shet. Hahahahaha! Natawa ako sa naisip ko.
Bumaba na ako at naglakad papunta sa building ng senior high. Hindi naman gaanong malaki ang pinagbago ng Paaralan na ito. Pero gumanda ito sa paningin ko. Hindi tulad nung dati na medyo boring sa paningin. Bumango ang paligid. Marami ng bulaklak sa gilid ng pathway. May mga poste na bago dito. Kung hindi ako nagkakamali ay may ilaw ito. Obvious naman eh.
Hindi pa naman ako nagtatagal sa paglalakad ng marinig ko na naman ang mga tili ng mga babae. Hayst ang laki ng pinagbago. Mas maingay pa sila kumpara sa dati. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa kagwapuhan kong ito. Marami talagang mga babae na nagkakagusto sa akin dito pero mas dumami pa ata ngayon. Ganito ba talaga ako kagwapo? Ang hangin ko talaga. Hahaha sa bagay sa isip ko lang naman eh hindi ko tulad yung iba na sinasabi talaga nila. Ako sa isip lang.
BINABASA MO ANG
The Chosen One
Teen FictionDo I really need to choose? Then who will I choose? The one who always making me happy or the one that I loved before? That Joker or That Weird? I love them both. But I need to choose wisely. It's so hard to choose but... Abangan... ~~~ This is m...