Shar's POV
"SHAR BILISAN MO! MALALATE NA TAYO!" Kalabog sa pintuan ng kwarto ko.
"Oo eto na. Tapos na. Easy lang." Binuksan ko na ang pintuan.
"BAT ANG TAGAL MO LAGI?!" Inis nyang sabi.
"Sorry naman ha. Marami kasing gawain yung mga babae. Tss."
"Okay okay sorry na. Tara na nga baba na tayo." Inakbayan nya ko at naglakad na kami pababa. Kinikilig ako.. OMG... aaminin ko na. Matagal ko ng gusto i mean mahal yung bestfriend ko kaso napakamanhid naman. Kailan ka mo ba mapapansin ang pagtingin ko sayo Wacky? Hayy..
"Tita My alis na po kami ni Shar"
"Osige. Ingatan mo yang anak ko ha."
"Opo"
"Bye ma" nagkiss na ko kay mama.
"Bye anak."
Pumasok na kami sa school. Naglalakad lang kami. Tutal malapit lang naman yung school samin.
"Ngayon na pala malalaman ang achievers satin noh?"
"Oo nga Shar. Panigurado ikaw nanaman ang top 1."
"Hindi ah. Baka si Nash pa ang mag top 1 satin."
"Kayo lang naman lagi naglalaban ni Nash sa pagiging top 1 eh"
"Okay lang sakin kahit hindi top 1 basta pasok pa rin ako sa Top 10"
"Panigurado namang pasok ka"
"Sana nga Wacky, sana."
"Pero para sakin ikaw ang top 1" sana pati sa puso mo ako din ang Top 1.. hahahaha... charing lang..
"Salamat Wacky.""Youre always welcome Shar."
Nandito na kami sa school namin. Pumasok na kami sa classroom namin. Nandito na din pala yung mga kaibigan namin. Nagbatian kami at umupo na sakanya kanya namin upuan. Magkakahiwalay kami. Hindi kami pinagsama sama dahil magulo daw at maingay daw kami. Yung mga boys lang naman yung maingay at magulo eh.
*ringgg ringgg*
(Poor ang sounds effect hahahaha..)
"Goodmorning Class"
"Goodmorning Mrs. G"
"Okay so alam nyo naman na third quarter na tayo ngayon? May dalawang transferee na dito nakaasign sa room nyo. Sana maging mabait kayo sa kanila ha. Tyaka bukas nyo pa sila makilala."
"Maam boy po ba?"
"Nope. Boy and Girl."
"Okay po."
"Gusto nyo na ba malaman yung mga nasa top 10?"
"Opo" parang bata lang eh noh? Hahaha..
"Panigurado ikaw nanaman ang top 1" Wacky. Nakalimutan ko palang sabihin sainyo na katabi ko lang si Joaquin.
"Hindi nga. Kulit nito."
"Okay so eto na ang top 10 class.
10- Joaquin
9- Alexa
8- Mika
7- Brace
6- Andre
5- Grae
4- JohnOkay eto yung mga nasa top 3 puro tie kasi eh.
3- Darren&Allean
2- Angel&Jk
1- Nash&SharleneCongrats sa mga nakapasok sa Top!!" Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin ng malaman nila ang top 10. Pinakita din samin ang buong ranking.
"Okay class gusto ko lang ipaalala sa inyo yung kuhanan ng card bukas. Dapat parents ang kukuha okay?"