Before I Turn 18...

658 19 19
  • Dedicated kay Wiroe Rivera
                                    

Before I Turn 18…

(If I die young by The Band Perry)

If I die young, bury me in satin

Lay me down on a bed of roses

Sink me in the river at dawn

Send me away with the words of a love song

“Happy birthday to you

Happy birthday to you

Happy birthday happy birthday

Happy birthday to you”

“Blow the candle Harper!”

“Wait lang mag-wiwish muna ako.”

Pinikit ko ang aking mga mata at humiling. Ano nga ba ang hihilingin ko? Sandali lang… Medyo nahihilo yata ako. Eh kung idilat ko na kaya ang mga mata ko?

“Harper? Harper?”

(Blag!)

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

Dinilat ko ang aking mga mata at nakahiga na ako bigla sa isang kama. Nasa ospital yata ako. Ano bang nangyari sa akin? Bakit wala akong maalala? Ahhhh… 17th birthday ko nun tapos…

“Harper? Gising ka na pala…”

“Uhhmm… Ano po bang nangyari sa akin?”

“Ano… ganito kasi…”

Hindi na natapos ni Mama ang kanyang sinasabi at bigla na lang siyang umiyak. Bumukas ang pinto at pumasok si Papa. Niyakap niya si Mama habang ako’y nagugulumihanan pa rin sa mga pangyayari. Hindi pa rin tumatahan si Mama nang lapitan ako ni Papa. Umupo siya sa tabi ko at pilit na ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin ni Papa.

“Anak… May dapat kang malaman. May brain tumor ka pero humahanap na kami ng paraan para maalis ito. Naghahanap na kami ng doktor na gagamot sa’yo. Basta… Basta maging matatag ka lang anak…”

Humigpit ang pagka-hawak ni Papa sa aking kamay. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya siya’y umiyak. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha mula sa aking mga mata…

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

Mga ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos kong ma-confine sa ospital. Nasa bahay lang ako, nakahiga sa aking kama. Ayaw akong pakilusin ni Mama, mag-pahinga na lang daw ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pag-trato nila sa akin eh hindi pa naman ako mamamatay. Isang taon pa daw ang ilalagi ko dito sabi nung doktor.

Ganito kasi ang nangyari noong nasa ospital pa ako. Wala daw mahanap sina Papa na doktor na gustong mag-opera sa akin upang tanggalin ang tumor sa aking utak. Masyado daw kasing malaki at natatakot sila na kapag ginalaw nila eh baka madisgrasya ako. Kapag nangyari yun, baka makasuhan pa ang doktor na nag-opera sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang pagkakaroon ng taning ang aking buhay. Umiiyak na lang ako sa tuwing naiisip ko na ang dami kong maiiwan kung sakaling lumisan na ako sa mundong ito. Paano na lang ang aking mga magulang? Buti kung may kapatid pa ako kaso wala eh. Walang maiiwan sa kanila. Paano na lang ang barkada ko? Ang dami ko pang gustong gawin. Gusto ko pang grumaduate…

Umiiyak na naman ako… May biglang kumatok sa aking pinto. Ako naman, punas agad sa aking mga luha. Kailangan kong maging matatag. Kung hindi para sa akin, kahit para sa kanila man lang.

Before I Turn 18...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon