Chapter 14 ( Unity )
( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key of Fortune )
Written by: Sab_kitty
= Third Person's Pov =
Napakagat labi nalang si Zyres habang tinitiis yung hapdi sa braso niya. Kasalukuyan siyang ginagamot ngayon samantalang si Hatered naman ay nakacrossed arm lang habang tinitingnan si Zyres.
" Anong napala mo? " tanong ni Hatered.
Hindi nagsalita si Zyres at binato niya yung cellphone kay Hatered at buti nalang ay nasalo niya ito.
" Anong gagawin ko dito? " nagtatakang tanong ni Hatered habang tinitingnan ang hawak nitong cellphone.
" Tingnan mo kung anong laman ng cellphone na yan sabihan mo na lang ako pag may nalaman ka. "
" Tsk! I think wala rin namang kwenta to. Sinong bobo ba naman ang mag iiwan ng kung anong ebidensiya pero susubukan ko pa rin. "
Napapikit nalang si Zyres at isinandal yung ulo niya sa sandalan ng sofa.
" Ito lang ba yung napala mo dun Zyres? I know my iba p-- "
" Auction. " tanging sambit ni Zyres kaya napakunot noo si Hatered habang tinitingnan niya itong naguguluhan.
" Anong sabi mo? " tanong ni Hatered at idinilat ni Zyres yung mata niya saka tiningnan si Hatered.
" They want me to find her during Auction. "
" Bakit? "
Nagkibit balikat si Zyres. " I don't know. "
" Alam mo nakakapagtataka rin. Bakit gusto nilang gawin mo yun sa ganong araw? Sigurado akong may mas malalim pa silang balak doon kung bakit nila yun sinasabi sayo. "
" I am thinking the same way too pero hindi ko alam kung ano yun. "
" Ewan ko ba pero parang may mali. " naguguluhang sabi ni Hatered na animo'y parang ang lalim nang iniisip nito.
" I know.. Mukhang may mali nga. " Zyres at muling pumikit.
----
Kinabukasan ay nagpunta agad si Zyres sa bahay ng magkapatid na Deyn maaga pa lang kaya walang masiyadong taong nagsisidaanan.
Nasa harap na ng bahay si Zyres ng maramdaman niyang may biglang nagsalita sa earset niya.
" Tumayo ka sa gitna ng harapan ng gate. " napakunot noo si Zyres nang marinig niya na ibang boses na pala yung nasa kabilang linya at boses lalaki pa ito.
" Sino ka? " tanong nito at hinahanap ni Zyres kung nasan si Hatered kung bakit hindi ito nagsasalita.
" Your looking for us right? Kaya sumunod ka nalang sa sinabi ko. "
Napaismid nalang si Zyres dahil sa sinabi ng lalaki na sa tingin niya ay si Bran. Ang panganay sa magkapatid pero nahinto si Zyres nang magsalita pa ito.
" I see it. "
Hindi na pinansin ni Zyres yung sinabi nito at nagtungo sa gitna ng harap ng gate at nabigla nalang ito nang bumukas yung gate ng bahay at bumungad sakanya ang isang babae na pamilyar sakanya at yun ay yung bunso ni Bran na si Kyrie. Sa nakikita ni Zyres ay mukhang masayahin ito dahil nakikita niya ito sa ngiti.
" Welcome to our house Ms. Xanth tara sundan mo ko. "
" Zyres, ano? Nakapasok ka na? " sa naririnig ni Zyres ay boses na iyon ni Hatered
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
ActionBook 2 of In Behalf Of the Mafia