Shar's POV
"SHARRR!!!ANONG ORAS NA!!! BAKA MALATE TAYO!!!!" kilala nyo na kung sino yan. Binuksan ko na yung pintuan ko.
"Ano bayan. Maaga pa Wacky. Sinisira mo ba yung pintuan ng kwarto ko?"
"Hehehe.. sorry Shar. Excited na kong pumasok eh."
"Bakit naman?"
"Ngayon na natin kasi makikilala yung mga transferee."
"Bakit naman?"
"Balita ko kasi maganda yung transferee."
"Kanino mo naman nalaman?"
"Sa GC natin. Hindi ka ba nagonline kahapon?"
"Hindi." Umakbay na sya sakin at bumaba na kami. Nagpaalam na kami kila mama. Paglabas namin ng bahay sakto naman lumabas na din yung bagong lipat. Jairus ba yun? Tumingin sya sakin at ngumiti. Suot nya yung uniform namin. Nginitian ko din sya pabalik. Isa siguro sya sa transferee. Nagulat ako ng nagmadali syang lumakad papunta samin.
"Hi Sharlene." Jairus
"Hi din Jairus." Ako.
"Sa school ko pala ikaw nagaaral?" Dagdag ko pa.
"Hindi. Transferee lang ako."
"Ahh" Nakaakbay parin sakin si Joaquin.
"Sabay ka na samin sa pagpasok Jai." Aya ko kay Jai. Tumingin muna sya kay Joaquin.
"Sige."
"Oo nga pala Jai eto na pala si Joaquin Best Friend ko."
"Hi" Jai
"Joaquin eto nga pala si Jai sila yung bagong lipat sa tabi namin."
"Hi." Joaquin. Nagbrofist naman sila. At nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa school.
"Ano nga pala grade and section mo Jai?"
"9-Love" kaklase pala namin sya.
"Kaklase ka pala namin." Joaquin. Nginitian lang sya ni Jai. Maya maya ay nandito na kami sa school. Dumiretso agad kami sa room. Nagulat naman sila ng makita nila kaming 3 nila Joaquin.
"Dun ka nalang muna umupo sa likod ko Jai. Vacant naman yun eh." Ako.
"Saan ka ba nakaupo?"
"Doon oh. Halika." Pumunta na kami sa upuan ko. Nilapag ko na yung gamit ko.
"Jan ka muna umupo."
"Salamat Sharlene. :)"
"Shar nalang."
"Sige Shar. Jai nalang din tawag mo sakin."
"Sige." Hala nasan si Joaquin?! Baka nagtampo yun. Nilibot ko buong paningin ko sa classroom. Wala sya. Wala din dito yung barkada. Baka magkakasama sila. Hahanapin ko na sana sila kaso biglang nagbell.
*ringgg*
Pumasok na yung mga kaklase ko pati yung barkada. Pumasok na din yung teacher namin.
"Goodmorning Class."
"Goodmorning din maam."
"Okay so nandito na pala yung isa nating transferee. Ijo halika dito at magpakilala ka." Halatang kinakabahan si Jai.
"Kaya mo yan." Bulong ko sakanya.
"Salamat" sabi nya sakin ng nakangiti. Pumunta na sya sa harap. Magsasalita na sana sya ng may kumatok sa pintuan.