D'Vlad 16

1.4K 60 10
                                    

Kharis' POV

I don't know what's up with Draven.... Bakit nandito siya sa gubat na to? I can only smell him at nararamdaman ko ang aura niya bukod dun wala na akong iba pang nararamdaman siguro naman walang nangyayaring masama sa kanya right? Hayyyst! I hope so.

Maya maya.....

"Ano yun?" Tanong ni Astrid sakin ng bigla nalang may narinig kaming parang bumagsak na puno.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog habang nakakapit sa braso ko si Astrid. Malamang natatakot siya.

Habang naglalakad ako at lamalapit sa pinanggagalingan ng tunog mas nararamdaman ko si Draven.

"Walang duda! Draven is here" napatingin naman kaagad si Astrid sakin.

"Okay lang ba siya?" Tanong niya, I don't know why she'd asked me a question na alam niya namang di ko masasagot.

"I don't know" sabi ko saka pinagpatuloy ang paglalakad.

May nangyayari kaya kay Draven? Kung meron nga? Dapat siguro Hindi ko na dinala si Astrid dito. Baka mapahamak siya.

"Waahhhh!" Napasigaw si Astrid.

"Kharis! Anong ginagawa nyu dito?" Bigla nalang bumungad si Draven sa harap namin.

"Sinundan ka namin... Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Tss.... Umalis na muna tayo rito." Sabi niya.

Napansin kong nakaT-shirt nalang si Draven. Kanina lang suot niya yung grey hoodie niya. At saka..... May punit yung kanang sleeve nya.

Draven realized na tinitignan ko ang punit nyang sleeve kaya tinakpan niya to ng kamay niya.

I looked directly to his eyes. Tapos tinignan niya lang ako na para bang sinasabi niyang 'never mind me just get going'

I immediately hold Astrid's hand and.....

Nilisan namin ang gubat na yun at nasa loob na kami ng classroom namin ngayon.
Wala pang ibang tao rito, kaming tatlo palang.

I wonder what happened to Draven. I'm pretty sure may nangyari sa gubat.




Draven/Hunter's POV

"For God's sake! What's wrong with her?!" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad palayo sa classroom namin.

Tss! Kali's pretty insane. Ano na naman ba ang pinaplano niya? Bakit kailangan niyang magpanggap na teacher namin? Is she planning to devour us all?

Tss! Anong binabalak niya.

Habang naglalakad ako palayo. Naamoy ko ang amoy ni Kali na para bang sumusunod ito sakin.

Kaasar!

Nagmadali ako at piniling magtungo sa gubat.

Gusto kong iligaw siya. Alam ko namang hindi ko kaya pero susubukan ko.

Nasa pusod ng gubat na ako ngayon. I can still smell her.

Shit!

Wala akong laban sa kanya kung sakaling maglaban kaming dalawa.

I need to trick her this time.

"Hello Draven!" Bungad ni Kali sakin.

Shit!

"Tsk! Do i supposed to say 'HI'?"

"Polosopo ka." Lumapit siya sakin at hinawakan ang kaliwang balikat ko at saka inikutan ako.
Hanggang sa humarap na siya sakin habang nasa leeg ko ang mga kamay niya. Nakapulupot ang mga braso niya sa leeg ko habang nakatingin sa mga mata ko.

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon