December 20,20xx
"Bestfriend! Huy nakikinig ka ba?" naiinis na tanong ni Chad
"Aano nga ulit yun?"
"Tinatanong kita kung ano magandang iregalo kay Steph"
Si Steph. Si Steph nanaman. Lagi na lang si Steph. Sa bagay, bakit naman hindi eh siya ang girlfriend. At ako? Isa lang hamak na ex-girlfriend-slash-best-friend
"Ah ano.. Kahit ano na lang, sigurado namang magugustuhan niya yun kasi galing sayo"
"Naks! The best ka talaga! Kaya mahal kita eh..bespren" sabi nito sabay yakap saakin. Napatawa na lang ako ng mapakla. Mahal niya ako bilang kaibigan, samantalang ako, higit pa dun ang pagmamahal ko sakanya.
"Tara kain tayo!" aya niya saakin. Tatayo na sana ako kaso may umeksena. YUNG GIRLFRIEND NIYA.
"Hon! samahan mo naman ako sa library oh!" sabi ni Steph. Napatingin silang dalawa saakin.
"Hi Hailey! nandito ka pala" bati saakin ni Steph
"Uhmm.. Bes, sa susunod na lang pala tayo kumain. Samahan ko muna si Steph"
"Okay. Bye" sabi ko na lang sabay lakad palayo. Oo aaminin ko masakit. SOBRA. dati kasi ako yung nasa posisyon ni Steph eh. Kami yung halos lagi magkasama. Pero ngayon iba na. Kasi nandiyan na si Steph. Kasi bestfriends na lang kami.
December 24,20xx
"Hailey anong tingin mo dito? Maganda ba?" tanong ng kaibigan kong si Che. Ngayon pa lang kasi kami bibili ng mga panregalo at kasalukuyan kaming nasa mall.
"Huh? Ah oo okay na yan. Tara na" sagot ko sabay lakad papunta sa cashier
Habang naglalakad, napatigil ako nang may nakita akong shirt. Nilapitan ko ito at hinawakan. 'Bagay na bagay to kay Chad.' sabi ko sa isip ko
"Oh bakit mo tinitignan yan? May rregaluhan ka ba niyan?" sita sakin ni Che
Dun lang ako natauhan. Bakit ko nga ba to tinitignan? Eh kahit naman bilhin ko to hindi ko na to maibibigay sakanya? Nanlumo ako bigla saka ko ito binitawan.
Pagkatapos magbayad nagpaalam ako kay Che na pupunta muna ako sa cr
*bogsh* Tadhana nga naman. Si Chad pa talaga yung nakabunggo ko
"Hi bespren!" bati niya saakin. Pero imbis na batiin siya. Tinignan ko lang siya sabay lakad palayo. Bakit? Kasi gusto ko ng umiwas.
Hindi dahil pagod na akong mahalin siya.
Hindi dahil sumusuko na ako.
Gusto ko ng umiwas kasi alam kong ito yung tama.
December 31,20xx
Pagkatapos ng insidenteng yun sa mall. Hindi na kami muling nagkausap ni Chad. Sinungaling na lang ako kung sasabihin kong hindi ko siya namimiss. Kasi ang totoo niyan sobrang miss ko na siya.
"One..Two..Three.." bilang ko sa mga bituwin.
"Ang lamig dito. Bakit nasa labas ka?" napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Chad. Nakatayo na pala siya sa likod ko, hindi ko man lang napasin.
"Hailey can we talk?"
"Wala akong gustong sabihin sayo" sabi ko sabay tayo. Aalis na sana ako pero nahablot niya yung kamay ko
"Hailey ano bang problema natin?"
"Chad walang problema sayo. Ako lang ang meron"
"Kung ganun ano yun?"
"Gusto mo talagang malaman? O sige sasabihin ko sayo. Naiinis ako sa sarili ko kasi tuwing magkasama kayo ni Steph kasi naiinggit ako. Nasasaktan ako kapag iniiwan mo ako para lang sakanya. Nasasaktan ako kasi siya na lang lagi. Alam ko Chad wala naman akong karapatang magselos kasi bestfriend mo lang ako pero Chad mahal kita eh. Di ba ganun naman yun? Kahit wala kang karapatan, kung may nararamdaman ka para sa isang tao magseselos at magseselos ka pa rin."
"Aano?"
"Chad sana hindi na lang tayo nagbreak no? Sana hindi na lang kita naging bestfriend. Edi sana ako yung nasa posisyon ni Steph ngayon."
"Chad ako na lang kasi.. ako na lang ulit please?" bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Nanatili lang akong nakatingin kay Chad ineexpect na sabihin niyang mahal niya din ako pero..
"Hailey im sorry.. Buntis si Steph at ako ang ama. Kailangan niya ako." Nabigla ako sa sinabi ni Chad. Biglang nanlambot ang tuhod ko. Gusto kong magwala pero wala rin namang mangyayari.
napatawa na lang ako ng mapakla "Haha. C-congrats! Mahalin mo yung magiging pamilya mo ha? Lalo na yung magiging anak niyo. Wag kang magalala hindi ako manggugulo. Hindi na ako magpapakita sainyo. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. Sige Chad. Goodbye"
Pagkatapos kong magsalita pinunasan ko ang luha ko at agad na akong umalis. Iniwan ko si Chad doon na nakatayo. Siguro nga yun na ang aming huling pagkikita.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa..
*Beeeeeeep! Screeeeech*
Nasagasaan ako ng isang van.
"Hailey!" tawag saakin ni Chad habang papalit sa kinaroroonan ko
Patuloy parin sa pagagos ang luha ko hindi dahil sa sakit ng katawan ko. Kung tutuusin mas ramdam ko pa yung sakit ng puso ko.
"Hailey hold on wag kang pipikit."
"Chad hindi ko na kaya."
"No Hailey please! Wag kang pipikit dadalhin ka namin sa ospital"
Napangiti na lang ako ng pilit
"Goodbye Chad.."
Hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari dahil nawalan na ako ng malay.