Chapter 2: Pass

8 1 0
                                    

Margo's POV

Sa sobrang taranta ay eto ako ngayon, naka-upo sa sasakyan ng ex ko. Habang ako ay hindi mapakali, sya naman ay seryoso lang na nagmamaneho. Nagtataka nga ako kung paano nya nagagawang maging komportable ng kasama ako. I mean, last week lang kami nag-break and hell! I admit na I still have feelings for him. That's why nagulat ako kanina, siguro dahil sa taranta at takot ko ay hindi ko napansin na nandun ang kotse nya.

Binabalot ng katahimikan ang sasakyan, habang ako ay nanonood lang ng tanawin sa bintana. Wala paring nagsasalita saamin, pero mas okay na rin siguro 'to para naman wala na ako masabi na pagsisihan ko lang. Nagmistulang malayo ang bahay namin, parang sobrang tagal ng byahe at pag sinu-swerte ka nga naman ay na-stock pa kami sa traffic. Arrrrgh! Gusto ko sanang gawing libangan ang cellphone ko pero dahil swerte ako ay lowbat ito dahil sa pag soundtrip ko kanina. Just great!

"Do you want something to eat?" napatalon ako sa gulat ng bigla syang magsalita out of no where. "Ow, sorry. Gulat na gulat ka ata?" sabi nya na sinabayan ng tawa. Is he crazy? Sino ba namang hindi magugulat kung bigla na lang syang magsasalita, at take note na manly yung boses nya. He's kinda playful type of guy, but the voice sobrang manly. Kaya pag natawa sya ang sexy. Wooah! What am I thinking? Margo, forget his voice! Damn!

"Still in shock?" bumalik naman ako sa katinuan at tinignan sya sabay iling. I don't want to have a conversation with him, b'coz I don't want to hear his voice. Kung hindi lang talaga ako naipit kanina ay hindi talaga ako sasakay dito, sana naman naiintindahan nya na ayaw ko syang kausapin kaya hindi ko sya sinasagot. Aish. This man!

"Yeah, I get it. You hate me" bagsak ang balikat na sabi nya at pinagpatuloy ang pamamaneho ng nag-greenlight. Mabuti naman at marunong syang makiramdam and oh, magaling din manghula. Who wouldn't hate him? After he cheat on me?! Sino ba naman ang hindi magagali, right?

"I'm sorry. Plea--"

"Stop it" bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay pinutol ko na sya. I don't want to hear his stupid explanation! Cheating is a choice! His choice! Kung mahal nya ako ay hindi nya ako lolokohin.

"I still love you" tumigil ulit ang sasakyan ng mag-stop light. That's why I don't want to talk to him. Ayokong na-o-open 'to. Ang galing lang, after weeks? After everything ng kagaguhan nya. Ngayon pa nya naisipang mag-sorry? Wow hah!

"But you cheated on me" matigas na sabi ko. Ayokong magsalita ng magsalita dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng mata. Ayokong makita nya akong umiiyak, umiiyak dahil sakanya. He don't deserve my precious tears, hindi ang isang gago na katulad nya ang iiyakan ko. Pero bakit tina-traydor ako ng mga mata ko?

"Baby, stop crying" nagtuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko. Stop crying? You have no idea how much I stopping myself to cry in front of a jerk like you! Tangina, nahihirapan akong magsalita. "Baby" narinig ko tawag nya muli, pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Umaasang sa pamamagitan non ay maubos ang mga luha saaking mata. Gusto kong sabihin sakanya na tigilan nya ang pagtawag sakin ng baby, dahil wala na kami. Sinayang nya! After 3years together, hindi ko matanggap na niloko nya ako. I fucking love him. He's my first in all, except my V. Pero anong ginawa nya?

"I'm so sorry" pagtapos nya sabihin yon ay hindi na muli sya nagsalita. Hindi ko maintindihan kung bakit nasaktan ako, umasa kase ako na this time sasabihin na nya yung rason nya why he cheated. Pero wala, nakarating na kami sa bahay ay wala na akong narinig mula sakanya.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyang without a word. Ang sakit, pero alam kong dadating yung panahon na wala na syang magiging epekto sakin. Pagsisihan nya ang pang-gagago nya. Dadating yung araw na sya ang iiyak sakin, begging to bring back the past. I swear.

"Goodevening, Ma'am Margo" bati ng mga kasambahay namin, tinanguhan ko lang sila at dumiretso sa taas sa kwarto ko para mag-palit. Nang matapos at bumaba ako para kumain, ako lang mag-isa. Workaholic ang parents ko kaya sanay na ako na mag-isang kumakain. Mga katulong lang ang kasama sa bahay. Kung uuwi man sila ay madalas gabing gabi at paggising ko ay nakaalis na. Hindi ko na nga saulo mga mukha nila, I don't know if my parents have white hairs or wrinkles or what. Siguro mas kilala na sila ng secretary nila kesa saakin na anak nila.

After dinner ay tumaas na ako sa kwarto para mag-ayos. I'm going to the party, I texted Sara hoping na pupunta sya. Pero sure naman ako na pupunta yon dahil isa syang nerd na mahilig sa party! Diba ang galing? Feeling ko nga get up nya lang ang manang na pananamit nya. Dahil pag sinasamahan nya ako mag-shopping ay nakakapili sya ng magaganda. Or lahat lang talaga ay bagay sakin? Char.

To: Bff  Sara,

Are you going?

From: Bff Sara,

Yeah. I'm already here. What's taking you so long?

See? Nauna pa saken. I check my watch and it's already 8:30 pm kaya naman pala nandon na sila. Late na nga ako. Nagpagatid ako sa driver namin, eto yung extra driver namin. May kotse naman kase ako kaya hindi ko kailangan ng driver pero si Mom and Dad may driver at etong si Kuya Sunny ang kapalitan nila. Wala akong number nya si Mang Carlito lang ang may number saken dahil sya naman ang madalas na nagmamaneho saken.

Nang marating ko ang bar ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa may dulong parte. There's a lot of boys at partner partner sila, pero mas marami ang walang partner. Hindi naman ako nahirapan makalapit dahil kusang tumatabi ang nga tao. Paano ba naman sila hindi tatabi? Catherine Margo ang dadaan! And this is our place, si Jenny (one of my friends) ang mag ari neto.

"Heeey, Margo!" bati nila ng makalapit ako.

"You're late!" sabi ni Sara at tumayo para makipag beso. Tinignan ko ang outfit nito at, parang unti-unti atang nagta-transform ang babaeng 'to. Hindi sya manang ngayon.

"Always on time" sabi ki at umupo. "So, how is it going, guys?" tanong ko sakanila at kumuha ng nga inumin na nakahanda sa mesa.

"Just fine. I heard about you and Johnny" napatingin ako kay Mark na naka-ngiti at kinindatan pa ako.

"Oh, yes" na lang ang nasabi ko.

"So finally, you're available now!" sigaw naman ng isa sa tropa at naghiyawan, at kaming mga gurls ay nagtawanan lang. Napa-iling na lang ako at tumingin sa paligid. The party is fine, ganito naman lagi. Better place to forget, ininom ko ng diretso ang shot na nahawakan ko. Napapikit ako ng maramdaman ang alak na gumuhit sa lalamunan ko.

Habang nagmamasid sa paligid ay tumigil ang paningin ko sa lalaking titig na titig sakin. Staring at me, cold as ice, napaka-misteryoso ng mga mata, habang tinutungga ang hawak na alak pagkatapos ay sinusupa ang sigarilyong hawak. ....



Charles Serrano don't look at me like that!

Taming the DevilWhere stories live. Discover now