Chapter Fifteen

1 0 0
                                    

👑👑👑

Heather's View

Napapalibutan na naman ako nung apat dito sa hideout nila habang tinitignan ako. Suot suot ko kasi yung isa sa mga pinamili namin ni Dawren which is para kay Fraline sana.

Me: Stop looking at me. I know what you guys thinking!

Tumayo ako at lumabas na duon. Naisip kong pumunta sa class ko ngayon na Social Science at pinagtitinginan nila ako. Inipitan din kasi ako ni Haino ng parang kay Fraline. Sa pagkairita ay ginulo ko yung pagkakaayos ng buhok ko at nakalugay na to.

Redisya: Just get out of the way bitches!!

Napatingin ako sa sumigaw na yun at mukhang galit na galit si Redisya. Sinisigawan niya yung mga bawat magtatanong sakanya at haharangan siya. Dumaan na siya sa harap ko at sinundan ko siya ng tingin. Sa gym ata siya pupunta. Ano na naman kayang nangyare sakanya.

Nagtuloy na ako sa paglalakad at nakarating nga ako sa klase ng walang nanggugulo sakin.

Classmate 1: Shhh, speaking of the devil.

Classmate 2: Quiet nga.

Classmate 3: Narinig na kayo, mga chismosa!

Classmate 4: Oo nga.

Pinuntahan ko yung dalawang pinagchichismisan ako at chineck sila. Far from my standard.

Classmate 3: Ah hello Heather!

Classmate 4: Hi Heather.

Me: Nakakatuwa naman at alam niyo pang maghello at hi. Hindi naman siguro kaplastikan yan.

Tinignan ko naman yung dalawa at nakaiwas sila ng tingin. Syempre, natatakot mainsulto.

Me: And you two, bakit hindi niyo iparinig sakin kung gaano kademonyo ang ugali ko para naman iparealize ko sa inyo kung gaano nakakademonyo yang pagmumukha ninyo.

Bigla silang napatingin sakin ng masama pero bigla din lang nila itong binawi ng tinaasan ko sila ng kilay. Did I frighten them? Oh ghad, such a losers.

Classmate 3: Heather hayaan mo na sila.

Me: Am I talking to you? Gusto mo rin bang ipamukha ko sayo kung gaano kapanget yang polish mo!

Classmate 3: Ha?

Me: Bakit akala mo bagay mo yung kulay? Sinabi mo sanang gusto mong makipagsabayan sa araw. Orange and yellow green? Nagshine ka! Gustong maging star?

Classmate 4: Heather sorry kung naoffend ka namin.

Me: Hindi ako naoffend dear. Konti lang, dahil sa mga itsura niyo. Ang lalakas kasi ng loob ninyong pag usapan ako pero bumabaluktot naman kayo pag nasa harap niyo na ako. Tsk!

Tinalikuran ko na sila at umupo na ako sa kung saan ako komportable. Sumubsob ako sa table at iidlip palang ako ng may maingay na sa tabi.

Chismosa 1: Pumasok daw siya.

Chismosa 2: The who?

Chismosa 3: Sino pang minsan lang pumasok? Eh di si Heather.

Chismosa 4: Tahimik nalang tayo pag nanjan siya. Nasaan ba siya?

Chismosa 5: Aba malay, kararating lang kaya natin!

Chismosa 2: Ay nga pala, next week na daw ang dating niya.

Chismosa 1: Eh? Nakakaexcite na siyang makita.

Chismosa 4: Ano kayang mangyayare pag nagkita sila ni Heather?

Chismosa 3: What to expect? Ngingiti si Fraline tapos iirap si Heather.

Bakit kaya hindi nalang inihiwalay sa totoong tao ang mga chismosa. Walang ibang ginawa kundi magsalita ng magsalita ng wala namang koneksyon sa buhay nila.

Iniangat ko yung ulo ko tsaka ko tinignan yung limang chismosa. Nagulat naman ang mga bwisit pwera nalang duon sa dumadada pa rin.

Chismosa 3: Pero hindi naman ganun kaganda si Heather. Bakit kaya ganun ugali nun. Ipinares niya sa mukha niya.

Sinisiko na siya ng mga kasama niya pero hindi parin siguro niya napapansin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit.

Me: Excuse me! Ang ugali ko, nakadepende sa mga mukha ninyo. At nakikita palang kita, naiisip ko na baka nga totoo na galing sa unggoy ang tao. Itsura mo palang.

Chismosa 3: Sorry Heather.

Me: At kung panget ako? Ano ka nalang? Tae?

Chismosa 5: Sumosobra ka na!

Me: Hindi yun sobra, matuwa nga siya kasi tae ang ikinumpara ko sakanya at hindi yang mukha mo!

Chismosa 4: Hayaan niyo na siya.

Me: Bakit ba naman punong puno ang mundo ng mga panget at duwag? Tsk!

Chismosa 1: Ano ba Heather! Ayaw na nga namin diba!

Me: Talaga? Eh sa nakikita ko, gusto niyo na akong patayin eh. Mga duwag lang talaga kayo.

Chismosa 2: Ano ba!

Bigla siyang tumayo sa harap ko at parang nanghahamon. Tumayo din ako at tinaasan siya ng kilay. Gusto niya ng gulo? Pwede ko namang ibaba yung level ko sakanya eh.

Me: What? Tatayo ka lang jan?

Chismosa 2: Wag mo akong subukan Heather ah!

Me: What will you do? Slap me? If you can.

Bigla kong nakita yung papalipad na sapatos na ewan ko kung kanino galing at sakin papunta to. Hinila ko yung chismosang nakatayo sa harap ko na nagulat din naman at pinangharang ko sa sarili ko kaya siya ang tinamaan nung sapatos.

Me: Sapatos palang hindi mo na magawang ilagan, ang sampalin pa kaya ako? Dream on~!

Itinulak ko na yung babae at bumalik na ako sa pagkakaupo. Bakit ba naman kasi ganyan ang mga yan. Ayaw nilang insultuhin ko sila pero sobra naman kung pagchismisan ako. What a life!

Nilapitan nung apat yung kaibigan nila. Syempre umiral ang kaartehan nila kaya sa clinic sila pupunta.

👑👑👑

Thank you for reading!!!

01/13/17

Kainsultuhan overload! I want your reactions.

Queen Of AttitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon