Zeo's POV
Paulit-ulit kong binabasa yung text ni Raze kahapon baka sakaling magbago yung nakalagay sa text...
From: Raze ko
Zeo di na ko pupunta dyan, tuturuan daw ako ni Luke sa physics, kita na lang tayo sa monday :))
*sigh*
Magkasama si Raze at yung panget na yun kahapon...
Biglang nagvibrate yung phone ko tas galing kay Raze yung text
Inopen ko yung text niya...
Peste! gm lang pala =.=
May narinig akong doorbell, manliligaw na naman siguro yun ni ate Zyril, yung kapatid kong nurse..
Pero nagulat na lang ako nung may biglang pumasok sa kwarto ko tas sakto pang ang suot ko lang ay sando at boxers...
"Ano namang ginagawa mo dito?"
Bat nandito toh? Bat nandito si Selene Lee??
"Let's talk" Selene
*sigh* tinatamad pa naman akong makipag-usap...
"Sige, dun tayo sa library" Ako
Yung library kasi pinakasuitable na lugar dito sa bahay namin para mag-usap...
"Anong paguusapan natin??" Ako
Ang seryoso ng mukha niya, wala naman akong maisip na bagay na pwede naming pag-usapan...
"Alam mo ba kung nasan yung girlfriend mo kahapon??" Selene
Wala naman talaga kong girlfriend pero obvious naman na si Raze ang tinutukoy niya...
"Di ko girlfriend si Raze pero oo alam ko kung nasan siya kahapon, nasa bahay ng boyfriend mo di ba??" Ako
Napataas yung kilay niya...
"Nandun nga siya kahapon anyway may gusto ka sa kanya di ba?? why don't you try courting her?" Selene
Sumeryoso na din ang mukha ko, basta si Raze ang pinaguusapan nagkakaganto ako
"Bestfriend ako ni Raze, and besides wala siyang gusto sakin" Ako
Yun ang totoo, magkakilala kami ever since grade 1 at alam kong hanggang bestfriends lang kami, sa totoo lang never pa kong nagkaroon ng girlfriend, si Raze kasi ang gusto kong maging first girlfriend ko pero si Raze, lagpas sampu na ata naging boyfriend nun eh....
"Duh! kaya nga liligawan para magkagusto sayo, besides there is no such thing as hanggang bestfriend lang kung parehas kayong may gusto sa isa't isa"
*sigh* Kanina pa ko nagbubuntong hininga =.=
"Wala nga siyang gusto sakin" Ako
Ang kulit naman ng babaeng toh...
"Kaya mo nga liligawan, I'll even help you" Selene
Tinignan ko siya, ano naman ang makukuha niya sa pagtulong sakin?
"Bakit mo ko gustong tulungan?"
Tumingin siya derecho sa mga mata ko...
"Simple lang, ayokong lumapit siya kay Luke, babae ako kaya alam ko rin kung may nagkakagustong babae sa BOYFRIEND ko, ayokong maagaw si Luke sakin, mahal ko yun eh kahit ganun siya" Selene
Tas nginitian niya ko, yung malungkot na ngiti...
"Anyway magplano na tayo, by tomorrow magconfess ka na" Siya