Boyfriend kong POGAY(One Shot Story)

85 1 0
                                    

Ang unfair ng buhay. Bakit ba may ibang tao na bigla ka nalang iiwanan ng walang dahilan? Pagsasabihin na nila kung anong dahilan, matatawa ka nalang bigla.

Marjorie's POV

Busy ako sa paggawa ng aking project sa Filipino. Kinakailangan kong matapos iyon kasi susunduin ako ng aking fake boyfriend na si Joven.

Oo. FAKE BOYFRIEND. Ganito kasi yun.

Si Joven ang first love ko. Siya din ang KISA (Knight in Shining Armor) ko dati nung elementary kasi inaapi ako dati na taba, pero nagpaslim ako pagkatungtong ko ng highschool. Siya ang laging nandyan in happy times at in sad times ko. Pinapatawa niya ako kapag malungkot ako, nilalambing pa niya ako. Ang sweet niya, halos araw-araw ay may surpresa siya sakin. Naging kami since highschool hanggang nag college kami. Siya ang naging insperasyon ko para makapagtapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Masasabi ko na nga nga ang perfect lang ng relasyon namin. Akala ko siya na eh. Akala ko kami na forever sa fairytale na to. Pero bigla kong naalala, fairytale pala, di pala totoo yung mga fairy tales. Ang tanga ko lang. Dumating ang time na bigla siyang nagbago. Halos hindi na niya ako kilala. Nawala ang dating siya na mahal na mahal ako at yung taong mahal na mahal ko. Bigla nalang akong iniwan ng hindi ko alam ang dahilan.

Dahil nga sa SOBRAng pagmamahal ko sa kanya, na hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay nung iniwan nya ako, nagmakaawa ako sa kanyang maging boyfriend ko ulit siya. Kahit FAKE lang. Hanggang 4th year college lang maging kami. At ayun, pumayag. YES! Ang saya ko lang. masaya kahit peke lang.

"HOY! Marj! ok ka lang? kanina ka pa nag dedaydream dyan! Akala ko ba nagmamadali kang matapos yan para mataas yung time mo para sa peke mong syota!?" ayan nanaman! Naiiyak ako tuwing sasabihin ng bestfriend kong matulis pa sa barbeque stick ang dila.

"Oo na po! lapit na nga oh! Tsaka pwede ba? Wag mo ng ulit ulitin yung sinasabi mong peke, nakakahurt ka eh." sabi ko. "Eh kasi naman bakit kasi pinagpipilitan mo sarili mo sa kumag na yun eh ayaw naman niya sa'yo? Tanga ka ba? Ang daming lalake sa mundo girl! Speaking of kumag, andyan na siya palapit sa atin. >_<".

OMG! papalapit na siya! Natatae ako. Help!

"Tapos ka na? Tara uwi na kita."

Ang cold ng pagkasabi niya nun. Nakakaiyak, pero ok lang. Sweet pa din kasi ihahatid niya ako pauwi :"">

"Bye girl, bukas ulit." paalam ni Jo sakin. Nag beso kami. "Cge girl. Ingat ka."

"Tara na mahal ko." sabi ko kay Joven.

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi sa bahay. Pagkatapos noon, nagpaalam na din siya na umuwi na siya sa kanila, pero bago yun nagsalita ako "Hindi mo na ba talaga ako mahal? Hindi na ba talaga pwedeng ibalik yung dati?"

"Ano ba ang naiintindihan mo sa sinabi kong ayoko na sayo. Pwede tayo maging kaibigan pero hindi na talaga pwede maging tayo. Sige aalis na ako." at lumakad na siya pauwi sa kanila. Tulo nanaman luha ko at tsaka sipon. Hay, buhay talaga nakaka inis.

Dumating ang araw ng GRADUATION namin. Ang bilis lang ng panahon.

Nakapagtapos ako ng pag aaral sa kurso kong Culinary Arts at ako ang Summa Cum Laude. Siya naman ang Cum Laude. Pagkatapos ng Graduation Ceremony namin ay nakipag usap ako sakanya sa lugar na kami lang dalawa.

"Apat na taon na naging peke lang ang relasyon natin pero para namang tayo. Hindi pa rin ba bumalik yung pagmamahal mo sakin gaya ng dati?" silence.

"Kung pwede ko lang ibalik Marj, gagawin ko. Pero matagal na yun eh. Ayaw ng tumibok ng puso ko sayo."

Aaminin ko, ang sakit sobra. Napahagulgol ako ng iyak. Niyakap niya ako. Ang yakap niya feeling ko mahal niya pa din ako. Mararamdaman mo ang sinsiredad ng kanyang pagkayakap. "Wag kana umiyak Marj. Sorry naging gag* ako. Hindi kita binigyan ng palinawag kung bakit ako nagbago. Natatakot ako. Baka hindi mo matatanggap ang katotohanan at baka hindi mo ko susuportahan sa disisyon ko."

"Matatanggap ko naman kasi mahal kita Joven. Ano ba talaga ang dahilan? Kung may mahal ka ng ibang babae, ok lang." iyak pa din ako ng iyak. Natatakot sa kanyang isasagot kung may mahal na ba talaga siyang ibang babae.

"Oo Marj. May ibang mahal na ako. Hindi ko alam kung bakit at papaano pero bigla ko nalang talaga itong nararamdaman sa kanya. Pero."

Hindi nanaman siya nagsasalita. Natetense na ako. "Pero ano Joven? Ano? Sinong babae yan?"

"Hindi siya babae Marj. Lalake siya. Mahal ko ang kuya ng bestfriend mo. Matagal na. Hindi ko alam kung bakit ako na inlove sa kapwa ko lalake. Kaya natatakot ako! Kaya pumayag akong maging fake boyfriend mo para maitago ko ang tunay na pagkatao ko! BAKLA AKO MARJ! BAKLA AKO! HUHUHU!"

*-*) SPEECHLESS. BAKLA ANG MAHAL KO? SA KUYA PA NG BESTFRIEND KO? TAE! MATATAWA BA AKO O MAIIYAK?! EPIC FAIL!

"ANO?! BAKIT DI MO AGAD SINABI SAKIN? MATUTULUNGAN PA SANA KITANG SABIHIN SA IBANG TAO KUNG ANO KA. HAHAHAHAHHA TAE JHOVS! HAHAHAHHA! ANG TANGA KO UMIBIG AKO SA BAKLA. PERO , ok tanggap pa din naman kita. Mahal pa din kita kahit bakla ka. Hahaha." siya naman yung na speechless sa sinabi ko.

"Hindi ka galit? Tanggap mo ko Marj? Paano?"

"Kasi kahit ganyan ka, minahal pa din kita. Ngayon alam ko na ikaw pala ay isang kalahi ko, susupportahan kita girl :)"

Kahit hindi man naging kami sa huli, nagkaroon naman ako ng bagong sister na mas gwapo pa sa mga nanliligaw sakin. Hindi ko akalain na ang BOYFRIEND KO AY ISANG POGAY.

-WAKAS-

Author's Note

Sorry. Waley talaga ang story na ito. First time ko lang na ginawa toh eh. Pampalipas oras. Comment naman kung ok lang? Please? Para sa susunod, gagalingan ko na. Gagawa na ako ng havey na stories, para malaman ko kung ano yung dapat ko pang e improve. Hehe.. Thanks you sa nagtyagang bumasa!

XOXO:*

Boyfriend kong POGAY(One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon