[one shot let...sana po supportahan nyo.hehe..sana maenjoy nyo po :) ]
Status: Heaven na naman ang smile nya, girl with the blue ribbon. :'')
56 likes,34comments,1share
Sige Russell antipatiko,ipaglandakan mo pa sa buong mundo na mahal na mahal mo yang si girl with the blue ribbon na si Sharla! Sarap kayang maglaro ng tagu-taguan,tagu-taguan ng feelings tapos ako lang ang player.Grabe,swabe the best! Ako na ang panalo dahil naitago ko ng mabuti ang nararamdaman ko para sa'yo, ako pa din ang talo dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong nahulog ka na sa akin kahit paano dahil sa mga asaran moments natin.Akala ko may something na dun,bwiset NOTHING pala ang meron!PESTENG puso to! Bakit sa'yo pa tumibok?!
Siomai na yan, si Russell James Trinidad, ang pinakapa fall na tao sa balat ng mundo! Isang araw kasi nagising na lang ako na laging hinahanap hanap ang mga pang-aasar nya sa akin.Umaga,pag nakita ako nyan,agad nyang hihigitin ang aking buhok,nasabit daw sa kamay nya.Tanghali,aagawan nyan ako ng upuan sa cafeteria,pag-uwian nama'y lagi nyang itinatago ang bag ko.May mga instances pang lagi nya akong hinaharangan sa daan bago ako makapasok sa pinto ng classroom sabay hihipan nya ng hangin ang tenga ko.Sa twing nakikita ako ng Russell na yan,wala syang ibang ginagawa kundi maghasik ng lagim sa buhay ko!Minsan pati mga notebook ko tinatago nyan,kung anu-ano pang kagagaguhan ang pinagpopopost nyan sa wall ko.Asar talaga,parang hindi nya kayang mabuhay ng hindi nya ako inaasar.Takte na yan, hanggang sa hanap hanapin ko na nga ang mga kalokohan nya, at ako na ang tangang inakalang kaya nya yun ginagawa kasi may gusto sya sa akin. Assuming ko kasi. Wapak na wapak lang ang mga naiiisip ko! Sablay!
Akala ko may meaning na ang mga pangungulit nya,yun pala wala! Ako naman si tangang nagbigay ng kulay sa mga gawain nya. Ako na ang may kasalanan.
Makapag log-out na nga lang, hinahigh blood ako sa aking mga nababasang kung anu-anong landiang kumakalat sa mundo!
Magtutumblr na lang ako!
At pagkalog in ko.
The F! Hanggang sa tumblr ba naman,sinusundan ako ng masaklap na katotohanang iba ang gusto nya!
Post ni Russell : Isang ngiti mo lang at ako'y napaibig mo, T.L na ata ako sa'yo...Miss S <3.
Obviously hindi na ''S'' nagsisimula ang pangalan ko,kaya alam ko ng hindi ako ang tinutukoy nyan. I'm Taylor Louis Ann Ferrer for crying out loud, kahit anong gawin ko hindi manganganak ng ''S'' ang pangalan ko!
Sa halip na mainis, natripan ko na lang sakyan ang mga kalandian ng Russell na 'to. Log-in na lang ulit sa fb. Diretsong post sa wall nya.
Louis->Russell
Yiee,marunong ka ba namang magmahal?
Agad naman syang nagreply.
Russell: Oo naman! Ikaw ata ang hindi, bruha ka kasi :P
Louis: KUNG MAKABRUHA KA NAMAN DYAN! AKALA MO KUNG SINO KANG ANGHEL?!
(wag kayong mag alala,hindi ako galit nyan sa kanya,mas kinikilig pa nga ako kapag tinutukso nya ako eh,atleast sa ganitong paraan,nakakausap ko pa rin sya...may kilig factor pa din.)
Russell: Anghel naman talaga ako :)
Louis: Eh di ikaw na! Porket inlab ka...
Russell: Selos ka?
Shete,Otso,Nuebe! Nagulantang ang mundo ko sa comment na yun ah. Ang malala pa,bigla bigla pa syang nagpost sa wall ko!
BINABASA MO ANG
KUNWARI (ONE SHOT)
Short StoryLaro tayo,kunwakunwarian...kunwari hindi kita crush,pero deep inside patay na patay talaga ako sa'yo! Kunwari pa syang si Sharla ang gusto nya,yun pala ako na?And what's worst,ako na lang pala ang hindi nakakaalam na ako talaga ang gusto nya! THE FU...