Chapter 1: Read

7 1 0
                                    

"What the heck! Bro! Obsessed na obsessed na talaga to sa'yo" sabay halakhak ni James. Ang ingay ingay nila letche. "Ang unique ng babaeng to bro, she gave you this love letter. Ubod ng kajejehan. Hindi ba uso sa kanila ang messenger o di kaya pagtetext man lang?" Kaya pala maingay tong mga mokong na to. "Di pa ba kayo sanay? Tsk" sabay smirk ko sa kanila. "Iba kasi to Kean, tignan mo to at basahin" sabay abot sa akin ng papel ni Joshua. Pagbukas ko pa lamang ng papel may mga heart heart and sucks. Nakakadiri tong papel na to leche.  Nakakadiri na nakakatawa. Nahulog ng husto ang puso ko sa'yo. Tumindig ang mga balahibo ko sa linya na yan. Kadiri letche. Ang jeje 2017 na bwiset. "Ano Kean are you excited to know her?" Pinanliitan ko ng mata si James. "Wala akong panahon sa mga bagay na basura at kailan man di ako magkakainteresado na malaman"  Tumalikod ako at I form the paper into a circle. "Stephen Curry for 3" at ayun shoot sa basurahan. Naglakad ako papunta sa basketball court. Malapit lang naman. Magpapawis muna ako ngayon at nang mas lalong mapalusog tung 8 pack abs ko. Ikaw ang nagsibing inspirasyon. What the hell! Pabalik balik sa utak ko yung mga linya ng putek na letter. "Bro, ano 1v1?" bungad ni Troy sa akin. "Lakas mo na ah! Pumapatol ka na sa mga All-Stars" tumawa siya at nagsimula na siyang nagdribble ng bola. Si Troy ay isa sa mga basketball player sa aming university. Palagi niya akong kinukumbinsi na sumali. Ayaw kong sumali kasi kapag ganon mas rarami ang hahanga sa akin. Once na sikat ka nasayo ang pressure at spotlight ng mga tao. "Sabi ko sa'yo Troy wag pumatol sa mga all stars!" sabay tawa ko at pahid ng aking pawis sa katawan. "Sumali ka na kasi!" Oh diba? Kakasabi ko pa lamang. Taga talo siya, yan ang sinasabi niya. "No need." sabi ko at tumawa siya. Nagpaalam na ako kay Troy bago pa gumabi. Habang naglalakad ako, may narinig akong yapak ng paa mula sa aking likuran. Lumingon ako at wala naman akong nakita. Biglang tumunog ang cellphone  na mula sa likuran. Hindi ko naman maaninag dahil sa dilim na rin ang paligid. Patuloy na lang ako sa paglakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

L E T T E RWhere stories live. Discover now