Witch's kiss ( Soon )

30 1 1
                                    

 

Hatinggabi.

Maliwanag ang buwan.

May nakatayo na dalawang babae sa loob ng kweba malapit sa nagliliwanag na balon. Parehong may balabal na may takip sa ulo, ang isa ay itim at  ang isa ay pula. Lumapit nang kaunti ang babaeng pula ang balabal sa may balon at doon tinanaw nya ang kalaliman nito.

"Asha, sigurado kang gagawin mo ?"tanong ng babaeng may itim na balabal. Tinignan sya ng nakapula at huminga ito ng malalim.

"Oo sigurado ako, kailangan kong buuin ulit ang puso ko, kung hindi habang buhay akong magiging mortal." sagot nya.

"Wala na ba talagang makapagpipigil sayo ?Alalahanin mo ,mundo yan ng mga mortal at mortal ngayon katawan mo"

"Alam ko, pero ang isang tulad ko ay gagawin ang lahat , makuha ang gusto kaya kung ang hangarin mo man ay harangin ako mula sa pagtalon mula sa balon na 'yan, hiding-hindi kita mapapatawad." ani ng babaeng pula ang balabal at umakyat sa balon. Muli , ay tinginan neto ang kalaliman ng nag-iilaw na balon at huminga ng malalim. Alam nya  sa isip nya na pag tumalon sya dun ay may isang mabigat na konsikwensya ang sasalabung sa kanya sa oras na maitapak nya ang kanyang mga paa sa Menschenwelt, ang mundo ng mga mortal. 

Inihakbang nya ang isang paa sa bibig ng balon at sa isang sandali ay tuluyan nyang inihulog ang sarili. Ang tanging nasa isip nya bago sya tumalon ay ang paghihiganti nya sa taong nagwasak sa puso nya.

--

slaty's

SOON

Witch's kiss.

lol xD hahah XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Witch's kiss ( Soon )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon