THAT GUY.,

37 1 0
                                    

"THAT GUY”

SHANE’S POV

                One thing I know before I saw him, ay hindi ako naghahanap ng lovelife, I don’t even texting anybody in the school kahit pa may mga nanliligaw naman sa akin. Simple lang ang buhay ko, at ang alam ko, I want to focus first in our business na sinisimulan nang ipakilala sa akin ni Dada, or Dad, ang aming recording company, ang DREAM RECORDS.

                Kahit na high school palang ako ngayon ay inu-open na sa akin ng dad ko ang mga pasikot-sikot sa Dream, kung papaano kami makakahakot ng market at kung anu-ano ba dapat ang classification ng mga talent na dapat naming kunin sa kumpanya. At masasabi kong kailangan ko pang kumain ng maraming bigas para maabot ang mga naabot ni Dad.

                At dumating na nga ang sundo ko. Agad na akong lumakad sa tapat ng kotse, at si Manong Ernie lang ang inaasahan kong lalabas mula sa kotse, pero hindi, isang binata ang lulan ng kotse namin.

                “And who are you?” Agad kong tanong, gusto ko sana itong sungitan gaya ng palagi kong ginagawa pero hindi ko nagawa ngayon, paano ba naman, he’s simply handsome to be bullied by me. Beside’s ito ang may hawak ng susi ng kotse namin, baka kapag inaway ko ay iwan ako neto.

                “Erron po, anak po ako ng driver nyo.” Sagot nito. Parang nagkabaliktad, ito ata ang nagsusungit??

                “Ang why you’re here?” Muli kong tanong taas-kilay na.

                “For today, ako muna ang gagawa ng trabaho ng ama ko, ihahatid ko kayo at susunduin.” Iyon ang isinagot nito. At talagang nakakapantig ng tenga ang tono ng lalaking ito. Gusto ko ‘tong.. grrrr!!! At padabog nalang akong sumakay sa loob ng kotse.

                “Badtrip sya, ang ganda ng araw ko para badtrip-in nya ako!!!” Inis ko habang nakatingin ako sa kanya sa labas ng kotse. At bigla itong lumakad papunta sa pinto ng kotse kung saan ako pumasok. Bigla nyang binuksan ang pinto at ..

                “Naipit na ho ang palda nyo mahal na prinsesa.” Sabi nito sa tonong nang-aasar, saka muling isinara ang pinto ang kotse.

                My goodness!! How come na may arugante palang anak si Manong Ernie??

                At pinaharurot na nga nito ang kotse, at nagpatugtog pa ng napakalakas, kinda ‘Fresh like dougie’ na akala mo’y sasayaw pa while driving. Asar talaga!! Ang tahimik at peaceful kong buhay ay nilagyan ng dubious gleams ng ‘DOUGER’ na ito.

              Hmf!!My nerves, magyoyoga agad ako when i get into our house.

 ERRON’S POV

                Ang arte!! Kaya ayaw ko sa mayayaman e. Ang daeng arte sa buhay, mga simpleng bagay, piniproblema.

                Pabibilisin ko na nga.

                At ilang minuto lang ay narating na namin ang mansyon ng mga DELA CRUZ. Kung saan nakatira itong mahal na prinsesa.

                Mga ilang sigundo na akong nakahinto sa tapat ng bahay nila, pero hindi pa rin lumalabas ang prinsesa, bakit kaya??

                “Andito na po tayo, mahal na prinsesa.” Sabi ko, ‘di ko talaga mapigilang ‘di ito tawaging mahal na prinsesa, ‘yon kase ang tawag ko sa mga mayayaman kong kaklase sa University namin. Mayayamang buhay prinsesa.

“Hindi mo man lang ba ‘ko pagbubuksan ng pinto?” Aba’t nang-utos pa ang mahal na prinsesa??

At nilingon ko sya, nakita kong taas-kilay pa ito akala mo donya!! At wala na akong nagawa, sa itsurang iyon ng mahal na prinsesa, kahit tubuan sya ng ugat kaka-upo sa backseat ay ‘di ito magpapakahirap upang pagbuksan ang sarili.

THAT GUY.,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon