•••••••••••••••••••
Maris’ POV[Now Playing: Say you won’t let go]
I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing upNakakatamad ngayong araw. Today is Saturday.
Nakahiga lang ako sa kama, nakatingin sa kisame at kinakabahan.Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some restKinakabahan ako dahil......
Flashback~~~
Kriing kriing!!
Nakapikit kong pinatay ang alarm clock. Sinubukan ko pa ring matulog ngunit nagigising ako sa halik ng araw sa aking pisngi mula sa bintanang may nakaawang na kurtina.
At dahil hindi ko na ito malabanan ay tumayo na lang ako at dumiretso sa banyo para maligo, para na rin mawala ang antok ko.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para mag-almusal.
Nagsusuklay ako habang pababa ng hagdan. At mayroon akong naririnig na mga tawanan.
Papalakas ito nang papalakas na animo’y sila lang ang tao rito sa bahay.
Nagmumula ang mga tawanan sa aming dining area.
Nang makarating na ako rito ay natigil ng tawanan at nakatingin silang lahat sa akin. Mga kaibigan pala ni Kuya.
Marami sila pero isang tao lang nakapukaw sa akin. Matamis itong nakangiti sa akin habang ako hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Nawala ang malalim kong pag-iisip nang...
“Maris, halika rito at kumain ka na.” magsalita si Kuya Jon.
Wala rito si Kuya Luke dahil nag-overtime siya. May kuwarto naman siya sa office niya kaya hindi na siya umuuwi kapag nag-oovertime siya.
Umupo ako sa dulo ng mesa kung saan sa gilid nito ay nakaupo si Jimboy.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang sumaging muli sa isip ko ang nangyari kahapon.
Bumalik ako sa katinuan nang ilapag ni Kuya ang mangkok na may lamang oatmeal na may topping na berries. At isang basong gatas.
Nakatingin lang ako sa pagkain sa harapan ko.
“Bakit tinititigan mo lang yang pagkain? Ayaw mo ba? Gusto mo bang lutuan kita ng iba?”
Umiling lang ako at nagsimula nang kumain.
Kinakabahan. Naguguluhan. Masakit ang puson. Kinakabahan..... Kinakabahan... Kinakabahan..... At sobrang kinakabahan.....
Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin.
End of Flashback~~~
Sinabayan pa ng sakit ng puson ko yung pagiging kabado ko. Tsk! Napahawak ako sa puson ko ng makaramdam ako ng kirot.
Tumagilid ako para maibsan ng kaunti ang sakit. Nakakaramdam na ako ng malamig na pawis.
Tumulo na ang luha ko dahil sa sobrang sakit. Napabangon ako nang maramdaman ko na may umaangat sa lalamunan ko. Dumiretso ako sa banyo at sumuka nang sumuka.
Pagkatapos ay pagapang akong bumalik sa kama. Doon ko lang napansin na may dugo na yung bed sheet ko at para bang sinaksak ako. At dahil hindi ko na talaga kaya ay nahiga na lang ako sa kama at namilipit sa sakit.
Inabot ko ang phone ko at tinawagan si Kuya Jon kahit pa nasa baba lang siya.
Dalawa beses lang itong nagring at sinagot niya na.
[ “Hello?” ]
“K-kuya *sob* a-ang s-sakit *sob*”
[ “Ang alin? Ano bang nangyari sa’yo?.” ]
“B-basta u-makyat k-a n-na lang dito.”
And then, binaba ko na.
Maya-maya ay narinig ko na ang yabag ni Kuya papalapit sa kuwarto ko.
Tok tok~~~
At saka na siya pumasok. Sinara niya ang pinto. Hindi na siya nagulat dahil halos buwan-buwan ay ganito ang kalagayan ko.
Pumunta siya sa banyo ko. At maya-maya ay lumabas na siya at binuhat ako papunta sa banyo. Iniwan niya ako at sinarado ang pinto. I take off my clothes. Tapos ay nagbabad sa bath tub na may mainit na tubig pero hindi nakapapaso sa balat.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik si Kuya na may dalang underwear, short, t-shirt at napkin. Pagkatapos ay lumabas na ulit siya. Nagbihis na ako para makahiga na rin. Pagkatapos ay lumabas na ako, naabutan ko naman si Kuya na pinapalitan yung bed sheets.
Humiga muna ako sa sofa at inilagay sa puson ko ang heating pad. Ang hirap talagang maging babae. Nang matapos si Kuya ay binuhat niya na ako sa kama at pinainom ng gamot.
Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok..
••••••••••••••••••••••
To be continued......
BINABASA MO ANG
If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)
FanfictionHave you ever felt like you don't know what's going on anymore? You've lost your motivations to do anything. You are confused about your past and you have that feeling of emptiness and the feeling that no one is there for you. That feeling that no...