CHAPTER 6

117 17 0
                                    

Mo’s POV

Friday…

Sabay kaming pumasok ni Ain sa school.

Hassle nga lang kasi umambon nung makarating kami sa school.

Kasalukuyang naglalagay ng Christmas decoration yung mga classmates ko. November 28 palang that time. Tumulong nalang ako sa paglalagay.

Ngayon yung speech choir contest ng mga 2nd at 3rd year. Kaya pumunta kami sa grandstand para manuod. Ang saya! Walang pasok! Sana palagi lang ganito eh!

First time kong manuod ng speech choir, akala ko naman nung una exciting saka maganda. Hindi naman pala! Boring siya para sakin. Paulit ulit lang naman kasi yung mga binabanggit na piece. Ginutom tuloy ako.

“tara, alis na tayo! Boring dito! Saka gutom na ako” pagyayaya ko kay Me-an.

“di pa tapos!”

“wag mong sabihing ineenjoy mo manuod!! Babatukan kita!”

“sige tara na nga! Gutom narin naman ako!” tapos tumayo na kami sa kinauupuan namin.

Nasa pinakataas naman kasi kami na bleecher. dun kami umupo. Kaya pahirapan talaga sa pagbaba lalo na’t and dami ring nanunuod.

Nagpaalam kami sa president ng DOS. Kasama na namin si Jeb that time. Sinabi naming bibili lang kami ng pagkain. Ayaw kasi ng mga teachers na magpaalis ng students, buti nalang pinayagan kami ni president Jhon Paul!

(nung una, si Viejay ang president namin. Pero pinalitan siya ni Ma’am Lena kasi feel niyang mas deserve daw ni Jhon Paul ang maging class president. Lagi kasing mas maaga pumapasok si Jhon Paul kaya siya yung ipinalit)

“san tayo?” tanong ni Jeb

“bibili lang” sagot naman ni Me-an

“wag na nga lang tayong maglokohan dito! Yang itsura ng mga muka ninyo halatang wala nang balak bumalik duon!”

“haha! Pano mo nalaman? Alam mo, tama ka eh!”

“sabi na nga ba!”

“so san tayo ngayon?”

“libot libot muna”

“baka may makakita satin, wag tayo dito sa school mattoyang!”

“san then?”

“tara! Plasa tayo!”

“ano namang gagawin natin dun?”

“dih mattoyang!”

“ehz korni! Mainit!”

“may payong ako!”

“ayoko maglakad!”

“dih magtricy!”

“sayang pamasahe!”

“otso lang eh!”

Para matapos na yung usapan, nagtricy nalang kami. At nagpadiretso sa Paseo Realle Mall. No choice!

Nagliwaliw lang kami dun. Kumain at nagpalipas ng oras.

1pm na nung magkayayaan kaming magsiuwian. Wala narin naman kaming pera para makatoyang pa sana. Atsaka, wala na kaming pasok nang hapon. Naiba na kasi yung schedule namin ni Me-an. Tuesday at Thursday na yung whole day namin. Dahil kasali na kami sa laderize…

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon