Random- Friends :)

33 0 0
                                    

Hindi 'to story.. Uhmm random ideas ko lang 'to sa iba't ibang topics. This is the first topic na napagtripan ko xD So there.

Note: Ang mababasa niyo ay ang pananaw ko lang.. di ko nilalahat.. tingin kong tunay na nangyayari.. maybe in my own experience o sa mga na-oobserve at nakukwento sa'kin.. :)

Random- Friends

Friends.. usually sila ang mga taong higit pa nating nakakasama kesa sa family natin. Sila ang kasama sa kalokohan, kulitan, birun, kainan! iyakan, kantahan, galaan, at sa napakaraming bagay na hindi na makukompleto ng wala sila. Pero sa totoo lang napakahirap makahanap ng masasabi mong Tunay na kaibigan. Yun bang daig pa ang asawa na sa hirap at ginhawa ay nariyan pa rin siya. Yung hindi man laging pabor sa iyo pero hinding hindi yon magiging dahilan ng pang-iiwan niya sayo.

Sinasabi ng ilan na "Ang tunay na kaibigan, nagsasabi ng totoo sa isa kahit pang alam niyang makakasakit ito sa kanya". Tama nga namang sabihin ang totoo sa kaibigan, kahit pa nga sa kahit kanino diba, kahit pa masaktan siya kung alam mo namang ito ang makakabuti sa kaniya? Pero hindi to applicable sa lahat eh. May iba kasi na nariyan sa harap mo at nagbabalat-kayong kaibigan mo, sasabihin ang lahat ng bagay na mapansin niya, ipapamukha ang mga bagay na hindi maganda sayo at ang linyang ipantatakip sa lahat ng iyon? "Ganyan ang tunay na kaibigan sinasabi ang lahat sa kaibigan niya kahit makakasakit sa kaniya." Wow lang diba? 

May mga kaibigan din na "USER-FRIENDLY". Hahahaha eh pano ba naman kaibigan ka lang kapag may kailangan tapos kapag hayan na't gipit ka sa isang sitwasyon "Hu u ka!". Hahaha oo may mga ganyan talaga, mukang mean an eh ganyan talaga. Ano nga bang magagawa natin eh ganyan nila gusto.

May "WATEVER YAYA!" na kaibigan. Yung over makapang spoiled sayo, kaya ang labas eh "Yaya and Angelina" and peg niyo. Pano ikaw 'tong si gawa na ng kalokohan kahit sa kaniya eh ok lang sa kaniya. Not that ginagait mo lang siya, siguro nasobrahan ka lang sa pangungunsinti niya. :D

Meron ding "I DO". Shocks napakasarap po magkaroon ng kaibigang ganito. Yung tipong  "For better or for worse, for richer for poorer, in craziness and in health, to love and cherish" ang mga vow. Tapos kahit hindi kayo lagi magkasama eh hindi nawawala ung closeness, hindi yung nagkahiwalay lang ng 1 year ayun ilangan to the max na. And hinding hindi ka iiwan sa kahit na anong sitwasyon, kampi man siya sa desisyon mo o hindi, andiyan siya para umalalay. ika nga eh you already found your " TRUE FRIEND". Hindi man perpekto ang isa't isa eh love niyo pa rin. 

-------------------------

Wala lang. :D Maka paglabas lang ng saloobin. Next time dadagdagan ko 'to kpag may naisip. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random- Friends :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon