Chapter 2

90.8K 2.1K 650
                                    


"Nakakainis naman. Wala pang one-week, reprimanded agad. Pauso masyado si Sir Dima, eh," pagmamaktol ko habang naglalakad kami pauwi ni Rafaela.

Tuwing pumapasok at umuuwi ay sabay kami ni Rafaela. Bukod sa magkababata ay magkapitbahay din kasi kami. Malapit lang naman ang eskwelahan sa bahay namin kaya pwedeng lakarin. Madalas naman ay gamit namin ang bike ni Rafaela. Nakaangkas ako sa likod niya, pero minsan ay siya naman ang nakaangkas sa likod ko. Kaso sa malas ay flat ang gulong nito kaya lakad kaming dalawa. Sabi ni Rafaela, baka raw sa kabilang Linggo pa ito maayos.

Kumakain ng ice cream si Rafaela kaya tahimik lang ito sa tabi ko.

"Hindi ko tuloy nakita man lang si Nikos bago umuwi. Kainis kasi, eh." Nanggigigil na hinawakan ko ang backpack ko at ni Rafaela. Dalawang backpacks kasi ang nakasukbit sa magkabilang-balikat niya. Tinatamad kasi akong dalhin ang bag ko. Idagdag pa na wala ako sa mood.  

"Sandali, Anton. Masakit sa balikat. Ano ba! Huwag ka ngang bumitin sa likod ko," reklamo nito. "Papahidan kita ng ice cream pag hindi ka tumigil."

"Eww." Nandiriri akong kumalas sa pagkakahawak sa mga bags. "Kadiri ka talaga!"

He just laughed. Kinuha nito ang panyo sa bulsa at pinunas sa kamay niya.

"Kahit kailan talaga, ang kalat mong kumain," puna ko.

He made a face. "Wow. Nagsalita ang hindi marunong kumain ng spaghetti gamit ang tinidor."

Sabay kaming lumiko sa may kanto papunta sa street namin.

Tiningnan ko ng masama si Rafaela. "Ano'ng sabi mo?" Babatukan ko sana siya nang may biglang bumati sa amin.

"Ulupongs!" Malakas na bati ni Riley. Kababata rin naman ito pero hindi siya pumapasok sa St. Peter's School gaya namin ni Rafaela. Sa isang eksklusibong paaralan sa San Pablo ito pumapasok ng high school.

Sabay kaming tumigil ni Rafaela sa paglalakad at ngumiti kay Riley.

"Pauwi na kayo?" Nakangiting tanong nito.

"Hindi, Rile. Papasok pa lang kami ngayong hapon," sagot ni Rafaela.

Sumimangot si Riley. "Kupal ka talaga kahit kailan, Raf."

Tumawa ako at inakbayan si Rafaela. "Ikaw? Saan ang lakad mo?"

Kumamot ito sa noo. "Sa palengke. Epal kasi ni Mama, eh. Ako na naman ang nakitang utusan." Tumingin ito sa relo niya. "O, sige pala. Una na ako ha." Ngumiti ito kay Rafaela. "Raf, DOTA mamaya ha?"

Ngumisi naman si Rafaela. "Wala kang kasawa-sawang matalo, Rile?"

Binatukan ko si Rafaela at hinila. "Tara na. Yabangan na ito, eh."

Bago pa makapagsalita ang isa sa kanila ay hinila ko na si Rafaela.

"Ang damit ko naman, Anton. Nagugusot na." Pilit itong kumakawala sa kapit ko sa manggas ng polo niya.

Ngumisi ako at tiningnan siya.

Diretso itong nakatingin sa daan habang nakasimangot.

Hinawi ko ang buhok ko. Maghapon nga pala akong hindi  nagsuklay. "Rafaela, may favor pala ako sa'yo. Balak ko sanang—"

"Kuya Karl!" Biglang sigaw ni Rafaela. Ngiting-ngiti ito habang kumakaway-kaway pa.

Tiningnan ko naman ang lalaking kinawayan niya. Namula ako bigla.

Ang isa sa mga naging pag-ibig ko—si Kuya Karl Jonathan Dominguez. Papasok na sana ito sa gate ng bahay nila ni Ate Astrid, ang asawa nito, pero bigla itong huminto nang tinawag ni Rafaela. First cousin ni Rafaela si Kuya Karl. Bunsong kapatid ng Papa ni Kuya Karl ang ama ni Rafaela.

The Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon