Chapter 2 Steps

8.7K 165 9
                                    

"George.." tawag sa akin ng aking bestfriend.

Huminto ako saglit at lumingon kay Althea. May mga butil ng luha akong nakikita sa sulok ng kanyang mga mata.

"Oo na, mag-iingat na ako," nakangiti kong sambit.

"Loka, baka sila ang mag-ingat sayo," nakatawang sagot ni Althea.

"Bruha! Ang bait ko kaya noh. O sya alis na ako, baka maiwan pa ako," Yinakap ko sya ng huling beses.

"Tawag ka ha!" sambit nito. Tumango ako at kinawayan siya habang papasok sa loob ng airport.

This is it George!

Tatlong buwan na ang nakalipas simula nung binigyan ako ni Mr. Delafuente ng calling card.

Ewan ko ba at bigla ko siyang tinext 1 week after nung araw ng Exhibit. Nagpasalamat lang ako sa kanyang kabaitan sa amin ng mga bata.

Hindi ko inaasahan na magrereply pala siya. Uso pala ang txt sa mga businessman? Take note, hindi lang ito basta-basta businessman.

Mukhang bilyonaryo ito ayon sa naresearch ko sa Google. Madami kasing konektadong kompanya na kilala ko ang AD Holdings Inc. Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong business yung sa kanila.

Simula noon, paminsan-minsan tumatawag si Mr. Delafuente at nangungumusta sa aking plano. OO, sineryosos nya talaga yung sinabi ko. Feeling close na agad ako sa kanya at naging madaldal. Habang akoy nagkukuwento ng kung anu-ano, siya naman ay nakikinig sa kabilang linya. Umaabot ng 30 minutes ang aming kuwentuhan.

Minsan, tinanong ko siya kung bakit may time siyang makipagchikahan sa akin kahit madami siyang trabaho.

"Alam mo iha, matanda na ako, kailangan may pahinga naman ako kahit papaano. Hindi na pwede yung subsub sa trabaho at wala ng time para makapaglibang." Aba, nalilibang sya sa pakikipagusap sa hindi nya kaanu-ano?

"Isa pa, nawawala ang pagod ko pag naririnig ko ang mga kuwento mo," hala naloko na, may gusto kaya sa akin tong matandan na to?

"Po?" bigla kong tanong na may halong pagdududa.

Tumawa si Mr. Delafuente.

"Para na kitang anak, iha. At talagang desidido akong tulungan ka sa iyong mga plano." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito.

Minsang may meeting siya sa Maynila ay nakipagkita siya sa akin. Doon niya ako nakumbinsi na gawin ang mga gusto kong gawin sa buhay.

"Life is short. Kung hindi mo pa ngayon gagawin ang mga gusto mo sa buhay, kelan pa?" sabay inom sa kanyang kape. Nandito kami sa isang coffee shop.

Hinigop ko naman ang aking blended Match Green Tea drink habang mataman na nakikinig sa kanya.

"It's okay to be scared iha. It just means that you are about to do something brave." Nakangiti nitong sabi.

May pera naman siyang naipon kaso baka di yun abutin ng dalawang buwan kung sakali aalis ako sa trabaho ko at makipagsapalaran sa ibang lugar.

"Just think of it as a vacation," dagdag pa nito.

"Naku, parang di po afford ng mga kagaya ko ang magbakasyon." tawa ko sa sinabi niya.

"Why don't you accept my offer, try farming in Bukidnon. I'll sponsor your training." Seryosong sabi nito.

"Naku nakakahiya po. Hindi niyo naman po ako kanu-ano para gumastos pa kayo." Nahihiya kong tugon.

Napatitig siy sa akin saglit at ngumisi.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon