I choose you. <3

774 19 2
                                    

"Sorry Claire, May iba na akong gusto eh."

----------------------------------------------------------------

NAPAKASINUNGALING MO!

Sabi mo ako lang ang mamahalin mo.

Nakakita ka lang ng mas maganda sa akin. pinagpalit mo na agad ako!

Bakit ba lahat na lang ng lalaki parang hindi nakukuntento sa akin. 

Badtrip!

Huhuhu.

Ang gwapo mo pa naman. tapos college ka na. sayang.

heto naman ako, akala ko naman 'true love' na.

AHHHH. gusto ko ng mamatay!

Pag kaya namatay ako, makokonsensiya ba siya!??

mahal na mahal ko tlga siya!

Hmmmm. nasa rooftop ako ngayon ng school namin. ang taas ahh.. paano kaya kung mahulog ako dito... magaalala kaya siya para sa akin?

"WAG MONG GAWIN YAN! WAG KANG MAGMADALI!" 

biglang may yumakap sa likod ko. 

Sino tong lalakeng to?

"...muntikan na yun ah...ANO BANG GINAGAWA MO!? Papatayin mo ang sarili mo sa ganyang edad? Inisip mo ba kung anong mararamdaman ng magulang mo?!"

"anooo kasi. wala kc ako sa sarili kaya.. pati hindi naman ako tatal...."

"ANONG RASON MO? MAY UTANG KA? INAAWAY KA BA DITO?!"

"...tulad ng sinabi ko, nde ko naman tlaga...."

"WAG MONG SABIHING DAHIL SA LALAKE?!" 

bulls eye! Nahiya ako bigla! >.<

"WALA KA NANG PAKIALAM DUN!... ANO BANG PROBLEMA MO?! binibgyan mo ko ng lecture diyan ehhh hindi ko naman sinabing iligtas mo ako. nakakainis ka!"

"Ehhh... magpapakamatay ka kasi..."

"HINDI KO YUN GAGAWIN NOOOH! Oo. Totoong iniwan ako ng BF ko kahapon! at ang lungkot lungkot ko na gusto ko anng mamatay. Pero ginagawa ko ang lahat para makarecover. Sinasabi ko sa sarili kong dapat ko na siya kalimutan."

Hindi ko mapigilang umiyak. sobrang dami kong luha. 

Huhuhuhu...

"~~ ok ok. kuha ko na. Ipapakilala na lang kita sa isang lalakeng mas higit sa kanya!!!"

ANO DAW?! excuse me?! 

"Anong pangalan mo?!"

"... Claire Hernandez..."

"OK! Claire, Peram ng kamay mo."

HAHHHH? hindi ko maintindihan ang nangyayari.Nilagay niya ung number niya sa kamay ko. 

"Ako nga pala si Brandon Aguilar. Intayin mo ako pagkaawas sa may school gate. Ihahanap kita ng kadate. Yari ka sakin pag nagbackout ka!"

"tekaaaa. hindi ko naman sinabi sayong ihanap mo akooo..."

"Sabi nila ang new love daw ang best cure sa isang broken heart! Come on, wag ka nang umayaw, pang bawi ko to dahil na misunderstood ko yung kanina. Magiging maayos ka rin."

Bigla niyang nilagay ung kamay niya sa buhok ko. tapos ginulo. ano ako bata?. 

"Ihahanap ko ang best guy sa buong mundo para sayo." Ang gwapo niya pag nakangiti. cute pa. 

I choose you. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon