A/N:
This chap is dedicated to @15
***********
JERICO's POV:
Napatigil si Marj sa pagsasalita ng makarinig kami ng sigaw.
Nanindig ang balahibo ko sa sigaw na yon..
Sigaw na sobrang nasasaktan.
Sigaw na sobrang nahihirapan..
Nagtinginan kaming lahat at walang anu anoy nagtakbuhan kami papuntang back stage at hinawi ang kurtina na naghahati sa backstage at mismong stage.
Paghawi namin ng kurtina ay bumulaga sa amin ang kaawa awang kalagayan ng aming mga kaklase.
Nagsimula nang ibaba ng mga classmates ko ang mga bangkay.
Wala nang nandidiri, o kaya ay sumusuka at humahagulgol.
Para nang usual lahat ng nangyayari.
Matapos lahat ay inayos na namin ang lahat ng dapat ayusin.
Kaming mga lalaki ang nagbuhat sa bangkay ni Larrie samantalang ang ibang babae ang nagligpit sa pira pirasong katawan ni Kaye ann.
Nilinis naman ng iba ang backstage na napuno ng dugo...
"Guys...."
NAPatingin kami kay Nicole dahil sa pagbasag niya ng katahimikan.
Hawak niya ang isang necklace na may pendant na infinity..
"Thats......mine."-
Napatingin kami sa nagsalita at gulat ang expresyon naming lahat ng malaman kung sino iyon.
"K-kyla...?."- Emely.
"W-wait guys let me explain...thats not what you think..."- iling na sabi ni kyla.
Pero parang walang narinig ang iba at bumalik nalang sa ginagawa nila.
Walang magawa si Kyla kundi umiyak.
" H-hiniram to kanina ni Cath sa akin."- garalgal ang boses na sabi nito.
"Oo hiniram ko yan..p-pero hindi ako ang k-killer..."- naluluhang sabi ni Cath.
"
Wag na kayong mag explain walang maniniwala..."- sabi ni Angge .
Walang expresyon ang mga mata nila at wala silang ginawa kundi tapunan si Cath ng nang uusig na tingin.
Pinagmasdan ko silang lahat at kung hindi ako namamalikmata may isang ngumisi sa akin...
Pero....
Bakit siya?
**************
CATH's POV:
Ang sakit...
Ang sakit sa pakiramdam na pagtulungan ka nila...
Ang sakit sa pakiramdam na yong mga tinuring mong kaibigan/kapatid ay nagawa kang pagbintangan.
Pinunasan ko ang mga luha ko na ayaw tumigil sa pagtulo.
"Okay ka lang?."- tanong niya.
Tumango naman ako at nakita ko siyang nalulungkot sa nangyari sa akin.
"Bat ka pa nandito? Diba dapat umalis kana rin? Diba dapat iniwan mo na rin ako gaya ng ginawa nilang lahat?"- umiiyak na tanong ko.
Napabuntong hininga naman siya at niyakap ako.
