- Chapter 29 -

2.6K 206 76
                                    

Heaven Akira's POV

"Think what? Mahal mo na? Pano mo nasigurado? Sure katalaga? I mean, mahal mo na nga?" Tungunu san sa tanong nya ang una kong sasagutin?

"H-hindi ko alam kung mahal ko sya pero ang alam ko.."

"Gusto mo sya?" Gusto ko na nga ba si Jake? Diba nangako ako na hinding hindi nako magkakagusto? Nung maalala ko yung pinangako ko, umiling agad ako kay Cole. Never. Never nakong magmamahal ulit. Kahit sino pang lalaki yan.

Sapat na yung nasaktan ako ng isang beses. Parang di ko na kayang masaktan ulit, kontento nako sa kung anong meron ako ngayon.

"Mahal ko sya oo..." Di sya kumibo. "Mahal ko sya as bestfriend.." Tumango tango sya.

"Pero may chance ba na magustuhan mo sya?" May chance nga ba? Sa totoo lang meron. Malaki. Mas lamang lang yung takot, takot na baka pag nag take risk nanaman ako, masaktan ulit ako.

"Meron.."

"Ilang percent?" Elementary moments. Yung tatanungin ka kung sino crush mo tas tatanungin kung ilang percent -_-.

"Wag na nating pag-usapan." Ngumiti ako sakanya kaya ngumiti rin sya pabalik.

"Cutting?" Pumalakpak ang tenga ko sa sinabi nya. Ngiting ngiti akong tumango.

"Okieee! Cutting is life! Oy walang sisihan ha?" Tumawa lang ang loko.

Ewan ko lang kung masaya ba ang college at highschool life ni ate dahil di nya naranasan ang ma guidance, ma late, mag cutting, walang assignment/project, maparusahan at marami pa. Oo mali at hindi magandang tignan o pakinggan pero hindi ako nagsisisi dahil masaya naman.

"San tayo nyan?"

"Walang tayo." Bubuka nya dapat yung bibig nya pero sinara nya ulit. "Biro lang hahaha."

"Tss wilab ka," sya naman ang nambatok sakin. Di naman namin hobby ang magbatukan no? "Tulungan mo nalang ako.."

~*~

"Anong gagawin dito?" Stress na stress nyang sabi.

"Fill up mo na tapos ibigay mo yung pera." Parang taong bundok naman tong taong to. Asan kame? Sa LBC -_-. Papadalan nya daw kase ng chocolates at flowers si ate. Tss.. Sana mabulok yung bulaklak tsaka langgamin yung tsokolate.

"Thank you sir. Ang swerte nyo po dahil support kayo ng girlfriend nyo sa ganto." Nakangiting sabi nung babae sa cashier.

"Hindi kami / Hindi kami," sabay naming sabi. Nagulat ata yung cashier girl kaya naiilang na lang syang ngumiti.


"G-ganon po? Sayang naman.. Bagay pa naman kayo.. Sana sa susunod na pumunta kayo dito, kayo na."

"Bagay rin sayong mawalan ng trabaho no?" Agad na natikom nung babae yung bibig nya. Tss.

Pagkatapos nya magpadala ng pagmamahal nya kuno kay ate, hinatid nya nako sa bahay. Sabi na eh, kelangan lang ako neto kapag may kailangan sya.
Sanay naman ako. :)

~*~

~•~•KINABUKASAN•~•~

From: Cole
Ven, sunduin na kita ha? Sabay na tayong pumunta sa school.. Good day!

Agad ko ng inayos ang sarili ko at yung mga gamit na dadalhin ko. Sigurado akong magiging napakaboring ng araw nato. Lalo na kapag narinig ko nanaman yung mga lecheng banat ng Breeze nayon -_-.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon