"Hey! Shinea, Saan tayo pupunta?" Sabi ni Agatha "Sa resort namin" sagot nito.. "Yay! Magswi-swimming na naman tayo?" Tuwang-tuwa na tanong ni Hannah "Oo kaya tumahimik ka na diyan at maghanda na!"Sabi ng mataray na si Farrah "Oo na po *pout*" Sabi ni Hannah at ngumuso. "Hayy nako! Lagi na lang kayo nagtatalo!" Sabi naman ni Dione. "Wag ka ng makialam sa kanila!" Epal naman ni Bonna. "Oy oy tumahimik na nga kayo! Tara na wag na kayong magtalo!" Sabi naman ni Lara bigla naman nagsalita ang kambal nito na si Mara "Oo nga hahahaha nagmumukha kayong asong ulol!" Sabat nito. "Isa ka pa ay nako!" Sabi naman ni Pia "Hahahahaha hayaan mo na sila" Sabi ni Zoey.
Kasalukuyan silang nasa condo ni Shinea at nagtatalo. Malaki ang condo ni Shinea, Meron itong dalawang palapag sa unang palabag makikita mo ang kusina na katabi ng c.r malapit naman ito sa sala at sa gilid ng sala ay hagdan papuntang pangalawang palapag. Doon mo matatagpuan ang 3 kwarto. Isa para kay Shinea at ang dalawa ay Guest Room.
*Boogshhh* "W-wait w-hat a-are yo-u d-doing h-here?" Tanong ni Bonna "W-who a-are y-you?" Tanong ni Agatha habang tinititigan nito ang isang lalaki na nakamaskara! Bigla na lang kasi nitong sinira ang pinto ng condo ni Shinea.
"Hahahaha nakalimutan niyo na agad ako? Pia,Agatha,Bonna at Lara?" Biglang nanginig sa takot ang apat na babae. At naalala nila ang nasaksihan nila noong isang linggo. "Girls umalis na kayo! Kami na nila Agatha Pia at Lara ang bahala dito!" Sigaw sa takot ni Bonna "P-pero a-anong g-gagawin n-niyo?" Tanong ni Hannah. "Labas na kayo sa problemang ito! Shinea ikaw na ang bahala sa kanila! Bilisan niyo umalis na kayo!" Sabi ni Pia At naglabas ng dagger at ibinato sa kalaban. "Pero paano kayo?" Tanong ni Shinea. "Umalis na kayo dali!"Sigaw ni Agatha. Tumakbo sina Farrah, Shinea,Mara,Hannah,Dione At Zoey sa pintuan pero bigla silang hinarangan ng lalaki! "Sh*t! Agatha tulungan mo silang makalabas"Sigaw ni Lara. Agad na tinulungan ni Agatha makalabas ang ibang babae. Bago makalabas sina Shinea ay nakita nila kung paano pagsa-saksakin ng lalaki ang kanilang mga kaibigan. Umiyak ang ibang babae at iisa lang ang nasa isip nila ngayon "We will be back" sa isip nila at biglang nawalan sila ng emosyon.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Six Girls
AcciónThey will be back and will get what they want.. So be ready for it!