Sa text, sa facebook unang nagkakilala
Taong tipong iibigin ko talaga.
Pero sarili ko'y aking pinigilan
Na di mahuhulog sa'yo kailanman.
Naging close tayo't, naging magkaibigan
Sa iyo ko lamang ito naramdaman
Na tumibok ng mabilis ang puso ko
Na nong una'y di alam kahulugan nito.
Nag-uusap tayo't nagkukumustahan
Na hanggang sa ako'y iyong niligawan,
Hindi kita sinagot noong una pa man
Pero nasunod parin sa puso'y laman.
Naging tayo sa dumaang dalawang buwan
At inisip ko tayo na, walang hanggan
Napagtanto ko nalang, na sayo'y nahulog na nang tuluyan
At ito ay ang tunay na kung ano ang puso'y nilalaman.
Minahal mo ako, iyan ba talaga ay totoo?
Hanggang isang araw nag-view ako sa facebook mo.
Lumabas ang napakagandang dalaga
Na'yon pala'y kasintahan mo sa persona.
Kay sakit ng aking naramdaman
Na kung baga'y parang ako'y sinaksak ng mataman.
Nararamdaman mo ba ang sakit, sinta?
Na kahit alam kong masakit na, ang katotohan'y MAHAL PARIN KITA, GAGO KA!