"Baby, I'm Yours."

7.9K 279 14
                                    

"Baby, I'm Yours."

"Ahhhhh...mmm." Di ko napigilang mapaungol sa sarap ng sensasyong dulot ng magkalapat na labi namin ni Arix.

My world stopped...ang nararamdaman ko na lang ay ang malambot niyang mga labi sa mga labi ko. Ang mabango niyang hininga na nilalanghap ko ngayon. Ang init na mga palad niya na humahaplos sa balat ko. Lahat ng ito ay walang katumbas na saya ang ipinadarama sa akin.

I didn't stop him. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko kinontra ang mga kilos ni Arix. Buo sa sariling nagpaubaya ako. Hinayaan ko siyang gawin ang mga iyon. Ibang iba ito ngayon kumpara sa mga naranasan ko ng unang beses na ginawa sa akin ni Arix ang mga ito.

Hinayaan ko siya na maabot niya ang gusto niyang maabot. Alam kong masaya ako. Kung alam lang sana niya kung gaano ako kasaya.

Sa aking kuwarto ako nagising. Hindi ko alam kung paano kami napunta dito ni Arix? Buhat sa sala ay dito pala namin ginawa iyon. Wala na si Arix nang ako'y magising. Hindi muna ako kumilos. Inisip ko ang mga nangyari, pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sigurado ako, napakasaya ko. Napapangiti ako. I love him so much. At hindi ako nagsisising nagpaubaya ako sa gusto nya.

Ayaw ko pa sanang bumangon pero siguradong papasukin ako ni Mama para gisingin. Ayaw na ayaw niya kasing nalilate ako sa klase. At hindi pwedeng mapasukan niya akong walang saplot at tanging balot lang ng kumot ang aking katawan.

Napakunot ang nuo ko nang mapansin ko ang makapal na tupi ng lilibuhing pera sa ibabaw na lamesita ko. Bumagal ang aking paghinga bagamat ang bilis bilis naman nang kabog ng aking puso. Sunod sunod akong napalunok. Nanginginig ang aking mga kamay na kinuha iyon.

Fifty thousand pesos? Siguradong kay Arix galing ito. Iniwanan niya ako ng malaking halaga ng pera. Bayad sa nangyari sa amin kagabi? Binayaran ako ni Arix? Ganun ba kababaw ang tingin niya sa akin? Na kaya niyang bilhin nang paulit ulit? I was wrong! Ang buong akala ko'y parehas kami ng dahilan kung bakit niya ako inangkin kagabi. Na pareho ang aming nararamdaman. Ako lang pala ang nag-iisip ng ganun. Dahil siguro para kay Arix, isa akong bagay na kailangang bilhin.

Hindi ako umiyak. Ayaw kong umiyak kahit pa nga subrang sakit ng nararamdaman ko. Itinago ko ang pera. Kailangan ni Mama ng pera para sa gamutan niya.

Kung ito ang gusto ni Arix, wala akong magagawa.

...

Walang ganang pumasok ako ng school. Subrang sakit ng aking nararamdaman.

Ang masakalap pa ay may mas sasakit pa pala sa aking nararamdaman. I saw Arix, kasama niya si Rita at sigurado akong sa rooftop sila pupunta. Akala ko ba hiwalay na sila ni Rita?

Baka nagkabalikan sila? Pinilit kong alisin sa aking isip sina Arix at Rita. Pinilit kong magconcentrate sa pakikinig sa discussion ng klase kahit pa nga subrang sakit ng aking nararamdaman. Malapit nang maglunch break pero di pa rin bumabalik ang dalawa.

Nagulat ako nang kalabitin ako ni Renz. Iniabot niya ang kanyang cellphone sa akin. Nagtext si Arix...sabay tayong maglunch. Wait mo ko.

Hindi ako nagreply. Bahala siya sa buhay niya. Pero ang totoo, dinadasal ko na sanay totoo nga ang sinabi niya. Na gusto niyang sabay kaming kumain. Pero paano pala kung kasama namin si Rita? Kung magmukha lang akong asungot sa dalawa?

Bahala na.

Ilang minuto na ring mag-isa na lang ako sa loob ng aming classroom pero walang Arix na dumarating. Lahat ng mga kaklase ko ay siguradong kumakain na ng lunch. Ako, nandito naghihintay sa wala.

Mabigat ang mga hakbang ko na binuhat ko ang aking bag. Gusto kong sumigaw...nakakarami ka na sa akin, Arix! Nakakarami ka na! Pero di ko iyon ginawa.

Alam ko na kung saan ako pupunta...kay Renz. Sa kanyang tambayan. Nadatnan ko siyang halos patapos nang kumain.

"Cejs, bat ngayon ka lang? Patapos na ko pero abot ka pa rin. " Umusod si Renz at binigyan ako ng pwesto.

"May tinapos lang ako." Walang siglang dahilan ko. Inilabas ko ang baon ko na hinanda ni Mama.

Sumabay na ako kay Renz pagkain. Tumunog ulit ang cellphone ni Renz. Tumatawag si Arix. Ibinigay sa akin ni Renz ang cellphone niya para ako na lang ang sumagot pero isinilent mode ko lang iyon. Wala akong planong kausapin si Arix.

49 missed calls. Halos malobat na ang battery ng cellphone ni Renz. Sunod sunod din ang texts niya as akin. Hindi na niya mapigilan ang galit sa mga texts niya at wala akong pakialam kahit magalit pa siya.

Hindi kami pareho ng subject ni Arix after ng lunchbreak. Magkaiba rin ng building ang mga klase namin. Mabuti na lang dahil ayaw ko siyang harapin.

Nagkaroon ng emergency faculty meeting kaya naman maagang pinauwi ang mga styudante. Inaya ko kaagad si Renz na umuwi. Gusto ko nang magpahinga o magkulong lang sa kwarto ko.

Nagkulong lang ako sa kuwarto ko pagdating ko ng bahay. Nahiga at nagbalot ng kumot. Subrang hindi okay ang pakiramdam ko.

"Kanina pa nga siya nakauwi. Ni hindi na nga nagmeryenda. Nagkulong lang sa kuwarto niya..." Narinig kong sabi ni Mama. Pumasok siya ng kuwarto ko. "Cj anak, may sakit ka ba?" Hinaplos ni Mama ang nuo ko. "Kausapin mo na nga lang Arix anak itong bestfriend mo, may lagnat laki ata." At inabot ni Mama ang cellphone sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang kunin kay Mama ang cellphone niya.

"Sige po mama, pakausap nga dyan kay Cejs." Hindi ako kaagad nagsalita. At wala akong balak magsalita. "Hello...hello...hello..hello..." Paulit ulit na sabi ni Arix nang wala nang sumasagot sa kanya.

"Ma, labas lang po ako, mahina ang signal dito." Dahilan ko kay Mama. Ayaw ko kasing makita niya ang gagawin ko. "Hello di kita marinig, mahina kasi ang signal dito." Sabi ko kay Arix.

"Hello...kausapin mo ko, Cejs ano ba?" Galit na si Arix.

"Sorry hindi kita marinig." At pinindot ko ang end call button. Inioff ko muna ang cellphone ni Mama para kung sakaling tumawag siya ulit ay unattended na ito. Hindi muna ako bumalik kaagad sa loob ng bahay namin. Nagpatagal muna ako ng konti. Para isipin ni Mama na nagkausap talaga kami ni Arix.

"Ma, charge ko lang po muna 'to. Dedbat na ho," sabi ko kay Mama.

"Oh, eh nagkausap ba kayo ni Arix?" Si Mama.

"Oho, nagtatanong lang ho ng tungkol sa homework namin." Pagsisinunghaling ko.

Nagpaalam na ko kay Mama na maaga akong matutulog. Hindi ko ichinarge ang cellphone kasi hindi naman talaga ito dedbat. Mamaya ko na lang ito io-on at ibabalik kay Mama.

Wala pang ten minutes ata nang marinig kong may kausap si Mama sa labas ng kuwarto ko.

"Kaawaan ka ng Dyos anak, Nanghapunan ka na ba? Aba eh tapos na kamimg kumain ni Cj." Sabi ni Mama.

"Hindi pa nga po ako kumakain Mama, si Cejs po?" Boses ni Arix iyon.

"Aba eh matutulog na raw siya. Alam ba niyang pupunta ka? Aba eh loko talaga yang batang iyan, mano ba gang hinintay ka. Sandali at ipaghahain kita anak." Sabi ni Mama.

"Mamaya na lang Ma. Si Cejs na bahala sakin. Pipilitin ko siyang sabayan akong kumain. Hindi niya ko hinintay eh." Biro pa ni Arix.

Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kailangang galingan kong matulog tulugan...ayaw kong kausapin si Arix.

Naiinis ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Rita....lalo na sa kanya.

Unedited:

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon