VII - The Controller

6.8K 148 5
                                    


(Author)

Maliwanag ang gabing iyon at puno ng kapayapaan. Kaysarap manatili sa kuwarto't matulog o di kaya ay magbasa ng libro habang umiinom ng mainit na tsokolate.

Pero malayong-malayo roon ang eksenang nagaganap sa isang liblib na lugar sa Bulacan. Puno ito ng kalagiman.

Nang pumasok si Earin sa hide out ng Balck Cheetah ay iisa lang ang itsura ng mga miyembro nito--nanlilisik ang kanilang mga mata na handang pumatay ano mang oras.

Kampanteng naglakad lang si Earin sa gitna ng mga ito na parang walang nakikita. Tumigil siya sa harapan ng isang matanda, ito ang namumuno sa mafia. Napapalibutan ito ng limang naglalakihang body guard na nakatutok na ang baril sa kaniya at nagiintay na lang ng utos mula sa matanda para paputukan siya.

"Huwag kang magkakamaling lumapit pa at sisiguraduhin kong sasabog ang utak mo ng di oras." maangas na sabi ng isa sa mga ito kay Earin.

Hindi natinag ang dalaga, ni hindi nga niya ito tinapunan ng tingin at hinawakan sa magkabilang balikat ang matandang naka-upo sa wheelchair. Mariin niya itong tinitigan sa mga mata .

Dahil sa ginawa niyang iyon ay nagsisuguran sa kaniya ang mga miyembro ng mafia pero hindi inalis ni Earin ang tingin sa matanda at ipinitik lang niya ang dalawang daliri sa kanang kamay, kasabay 'non ang pagtigil ng mga tauhan ng mafia sa pagkilos.

Samantalang ang limang body guard na nakapaligid sa kanila ay napasinghap sa nangyari. Hindi kasi ito dinamay ni Earin ng pinatigil niya ang iba kaya nahiwagaan ang mga ito sa nakita.

Nang makabawi sa pagkabigla ay pinaputok ng mga ito ang kanikanilang baril kay Earin, ngunit tumigil lang ang mga bala ng mga ito isang guhit ang layo mula sa mukha ng dalaga.

Tumayo ng tuwid si Earin habang nakatingin parin sa matanda. Miya miya ay dahan dahan niyang nilingon ang mga body guard na tanging leeg lang ang gumalaw. Bumuga siya ng hangin na naging sanhi para magliyab ang limang bala sa kaniyang harapan.

Mababakas ang pagkagulat sa mukha ng limang lalaki, samantalang walang emosyon ang pinuno ng mga ito. Nilingon ni Earin ang isa sa mga body guard, pinagpapawisan na ito sa kaba at takot, dahil doon ay muling ipinitik ni Earin ang mga daliri niya upang tapusin na ang paghihirap ng mga ito.

Isang iglap lang ay malakas na tumama ang mga bala sa katawan ng mga ito. Nagliyab ang kanilang katawan, kasabay niyon ang muling paggalaw ng mga miyembro ng Black Cheetah na nabalot ng kaguluhan ang mga mukha. Ngunit nang makita ang nangyari sa limang body guard ay hindi makapaniwala ang mga ito habang pinagmamasdan ang limang lalaki na tarantang gumugulong sa lupa upang patayin ang apoy.

Pero hindi sila nagtagumpay dahil ang apoy na 'yon ay walang kamatayan. Hinding hindi ito huhupa hangga't may hininga pa ang biktima.

Nang makuntento sa nakikita ay muling nilingon ni Earin ang matanda sa wheel chair na kasalukuyang may nakakalokong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kaniya.

"Magaling ka, bata... mukhang marami kang alam gamiting enerhiya" sabi ng matanda sabay tayo nito sa wheel chair.

Walang emosyon lang ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga kilos nito. Samantalang ang mga meyembro ng mafia ay may malalapad mapangisi sa mga mukha.

"Tiyak na ang kamatayan ng pangahas na 'yan." sabi ng isa sa mga ito.

"Sinabi mo pa. Ginalit niya ang pinuno kaya tiyak na hindi na ito makakalabas pa ng buhay dito." hirit pa ng isa.

Tiningnan ni Earin ang dalawang nagsalita na tanging ang kaniyang mga mata lang ang gumalaw at sa isang iglap ay naging abo ang mga ito na ikinagulat ng mga nakapaligid dito. Lahat ay nanghihinakot na tumingin kay Earin. May ilan na napaatras at may ilan na nagtatapang tapangan ngunit mababakas ang panginginig ng katawan.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon