Paano pag nawala ka na?
Ngayon pa nga lang
Iba na
Hirap naKakayanin ko pa ba?
Kung ikaw lang
Ang gusto kong makasama
Ikaw lang sapat naPero hindi pwede eh
Paikot ikutin man
Walang tayo
Ikaw at AkoMay sarili kang direksyon
Kaiba sa tinatahak ko
Nagkasabay lang tayo
Sa maikling panahonIbang lakbayin ang para sayo
Ibang daan ang tutunguhin ko
Ngunit gusto kong tumakbo pabalik sayo
Para sa yakap at pagmamahal moMahal kita, aking mahal
Ikaw lang wala ng iba
Salamat sa lahat ng saya
Sa lungkot man o pagiisaSa hiram na sandali
Na ayaw ko ng mapatid
Pero alam natin
Ito man ay may hangganan rinMahal kita..
Ikaw..
Sayo ako at ikaw ay akin
Kahit sa sandaling ito..-January 16, 2017
(May 5, 2017)