Chapter 24

1.6K 46 4
                                    

YRRAH

Wtf! Ang sakit ng ulo ko.

Minulat ko ang mata ko at malakas kong tinawag si Kyle.

"KYLE!!" I shouted but didn't get any answer.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang paligid, and my eyes suddenly grew bigger when i didnt recognize this room!

Omg, where in the hell i am?

Mabilis akong tumayo at chineck ang katawan ko, wala naman akong marandaman na masakit bukod sa ulo ko at suot ko pa naman ang damit na suot ko kagabi.

"Nasaan ako?" Bulong na tanong ko sa sarili ko. Kinakabahan ako, tang ina.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at wala naman akong nakitang tao.

Naglakad ako palabas pagkakuha ko ng bag ko.

Hanggang sa makalabas na ko ay wala akong nakitang tao.

Ano bang nangyari kagabi??

Isang condo pala to, pamilyar pero hindi ko lang matandaan kung kanino dahil mas priority ko ang maka alis sa lugar na to.

Nang nasa labas na ko ng building ay agad akong nag para ng taxi at nagpahatid sa condominium ni Kyle.

At nang kalkalin ko na ang bag ko ay may nakita akong note na nakadikit sa phone ko.

"Good to see you again. - X.L"

X.L? Sino namang X.L to??

Xtra Large ganun?? Nailing na lang ako sa naiisip ko. May pumasok na idea sa utak ko pero hindi ko na lang pinansin.

Pagkauwi ko sa condo ni Kyle ay agad akong dumiretso sa kwarto nito.

"KYLE! ANONG NANGYARI SAKIN KAGABI??" agad kong tanong kay Kyle na nakahiga pa at natutulog, half naked pa ang gago. Wala man lang siyang pake kung nasaan ako kagabi? Hindi man lang ako hinanap at ang sarap pa ng tulog.

Lumapit ako at pinaghahampas ko siya ng unan.

"Kyle!!"

"What?" Gulat na tanong ni Kyle

"Im asking you, anong nangyari sakin kagabi?"

"Yrrah bakit sa akin mo tinatanong? Buhay mo yan"

Lalo akong nanggigil sa sagot niya, pinaghahampas ko ulit siya hanggang sa tuluyan na siyang magising.

"Yrrah tama na!"

"Just tell me Kyle!"

"Okay .. Okay.. Stop na"

Tumigil na ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Nakita ko lang na hinila ka ni Xian kagabi"

"W- What? Xian? Baliw ka ba Kyle?" Kinakabahan kong sabi.

Bakit naman ako kasama si Xian? Bakit niya ko hinila? Bakit wala akong maalala?

X.L. as in Xian Laxamana?

"Eh bakit ba hindi mo na lang siya tanungin?"

"Never!" Mabilis kong sabi at lumabas na sa kwarto ni Kyle.

Ako? Kakausapin ko si Xian? Hey never! Why would i?

***

After kong makaligo ay nadinig kong nag ring ang phone ko kaya sinagot ko muna

"Hello?"

"Yrrah!" Matinis na boses ng isang babae ang narinig ko.

"Huh? Sino to?"

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon