" jane halika maglaro tayo sa labas." sigaw ni beatrice sa babaeng nakaupo malapit sa bukana ng pintuan.
" trice baka pagalitan tayo ni mommy, sabi panaman niya na huwag daw tayong lalabas ng tayo tayo lang." nakangusong sabi naman ni heaven.
"hindi yan tara na, akong bahala kay auntie. Kanina kapa kasi nakabusangot, alam kong gusto mo rin maglaro." nakangusong sabi ni beatrice
" sige na nga, tara punta tayong court." pag aaya ni heaven sa pinsan.
Napangiti naman ang huli sa sinabi ng pinsan niya.
Habang naglalakad ang dalawang magpinsan hindi nila maiwasanang magtulakan at magkulitan sa daan.
Hindi nila alintana ang mga sasakyang paroon at parito, dahil hindi naman madami ang dumadaan sa bahagi nayun ng kalsada.
Dahil sa kakulitan nilang dalawa hindi sinasadyang matulak ni trice si heaven papuntang gitna ng daan.
Nagulat si heaven dahil sa nangyari kaya hindi agad siya nakatayo mula sa pagkakaupo sa kalsada.
" Jane!!" sigaw ni trice nang makita ang sasakyang papunta sa kinaroroonan ng pinsan
Biglang natakot si heaven at natulala nalang, hindi niya alam ang gagawin at hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan.
Parang bigla siyang nanghina kaya napapikit nalang siya at hinihintay na mabangga siya ng sasakyan.
Dahil sa biglaang nangyari hindi nakita ng driver ang batang nakasalampak sa daan at patuloy lang sa pagmamaneho.
Malapit na sana kay heaven ang sasakyan nang biglang may kung sino ang yumakap at tumulak sakanya paalis sa kinaroroonan.
Nagpagulong gulong siya sa gilid ng daan kasama ang taong nagligtas sakanya mula sa kapahamakan.
"ouch!" "aray!" sabay nilang sabi nang bigla silang mabangga sa poste.
Nakapikit na iniinda ni heaven ang hapdi sa galos na natamo.
"hey are you ok?" rinig niyang tanong ng isang boses.
Nanatiling nakapikit si heaven dahil medyo nahihilo pa sya sa nangyari.
Naramdaman niya na may humaplos sa mukha at pilit siyang ginigising
Iminulat niya ang kanyang mata ngunit nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya kaya napapikit ulit siya.
Pero isang mukha ang tumunghay sa harap niya na humarang sa sinag ng araw kaya inimulat niya ang kanyang mata.
"hey are you ok? Kayang mo bang tumayo?" tanong ng isang lalaki.
Napatulala si heaven dahil sa taong nakatunghay sakanya.
"hey." mahinahong sabi nito na nakapagpabalik sa sarili niya
Napatango nalang siya sa tanong nito.
Umupo ito at tinulungan siyang tumayo mula sa pagkakahiga.
Pagkatayo niya bigla naman itong lumuhod para tignan ang sugat sa tuhod niya.
" aray!" daing ni heaven nang aksidenteng mahawakan ng lalaki ang kanyang sugat.
"sorry, lalagyan ko muna to ng panyo para hindi ma infection, then kailangan mong hugasan muna bago mo gamutin." sabi ng lalaki sakanya.
Dumukot ang lalaki ng panyo sakanyang bulsa at ito ang ipinangtali niya sa sugat.
Matapos nitong itali ng mabuti ay tumayo ito at hindi sinasadyang mapalapit kay heaven.
Isang maling galaw lang ay may mangyayari na hindi niya talaga kakayanin.
Agad namang lumayo ang lalaki para magkaroon ng space sa pagitan nila.
Napatingin naman siya sa kabilang kalsada nang marinig ang boses ng mommy niya.
" baby anong nangyari?! Ok kalang ba?!" natatarantang tanong ng mommy niya habang sinusuri ang mga galos na nakuha niya.
" jane sorry! Sorry! Hindi ko na uulitin yung kanina. Hindi na kita aayain ulit na lumabas, sorry talaga!" umiiyak na sabi ni trice kaya niyakap niya ito.
" ok lang naman ako trice, tahan na." pagpapatahan niya sa huli.
napakalas si heaven ng makita niya ang lalaking tumulong sakanya na sumakay na sa sasakyang nakapark sa kabilang kalsada.
Nakalimutan niyang magpasalamat at hindi man lang niya natanong ang pangalan nito.
Nagtungo siya sa sasakyan pero bago niya pa ito maabutan ay humarurot na ito paalis.
Habang tinatanaw ang sasakyan ay iginayak na siya ng mommy at pinsan niya pauwi ng bahay.
Dahil hindi narin naman nila nakita ang sasakyang muntik ng pumatay sakanya.
Pero bago siya tumalikod ay tinanaw niya muna ang daang tinahak ng sasakyan.
" darating ang araw, magkikita muli tayo at sa panahon na yun magpapasalamat ako sa pagligtas mo sa buhay ko."
Sabi niya sa isip bago tumuloy sa paglalakad kasama ng mommy at pinsan niya.
" sa muli nating pagkikita." huling salitang binitawan niya habang naglalakad.IM INLOVE WITH THE MAFIA PRINCE
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Mafia Prince (On Hold)
Teen FictionHeaven Jane Dela Cruz Laurel,babaeng simple at may mataas na hangarin,pano kung siya'y biglang magbago sa pagdating ng mga tauhan na magsasawalat ng katutuhanan. Siya ba'y mananatili inosente o gagawin nya ang nararapat para ipaghigante ang nasasa...