Sa ngayon, akin ng napagtanto.
Nang iwanan niyay, nag iba ang mundo.
At pilit nililimot mga kahapong nangyari bawat minuto.
Na siyang magpapasakit sa kalooban lalo...Hindi mawari'y bakit nagkaganito,
Pag-iibigang kay saya bakit biglang nag laho?
Walang alinlangang pinutol, ating mga Pangako!
Na parang minamaliit itong aking puso..Kahit MAHAL ko siya, Wala na!
Iniwan niya na ko't tuluyan ng nawala!
Pinagpalit ako at iniwan ng mag isa!
Sayang lang ang mga luha ng pangungulila saking mga mata.Ngayong tangap ko na ang Panloloko mo sa akin.
Tanggap na lahat ng sakit na idiin.
Idiniin sa pusong tanging ikaw ang mithiin.
At pangako magsisisi ka ng pagmamahal ko sayo'y sayangin.Lumipas ang mga araw, Wala na talaga, Wala na!
Kahit pa man makita ko kayong magkasama.
Kahit pa pagnakita kita pilit mong binabalik, kahapon nating nawala.
ito nga ba ang Move-On na sinasabi nila? oh baka pa As If lang na wala na talaga?HIRAP PALA! hirap palang magmahal sa taong alam mo naman na walang gusto sayo.
Bakit pa kasi sarili'y pinagpipilitan sa kanya kahit alam kong ako'y mabibigo!
Kahit alam ko sa huli ay isang pinakamasakit na lilo.
Lilong hindi matutumbasan ang sakit kahit ilang piso.
YOU ARE READING
Tula, Talumpati, Nobela and etc. (Filipino)
Non-Fictionit's just a filipino project 👊👊😘😘