C h a p t e r E l e v e n
He has no idea how much I'm dying right now wishing to be in his place
~ * * ~
Hanggang makauwi kami ni Rem sa bahay, hindi mawala sa utak ko ang nangyari sa washroom ng mall kanina. Ito kasi ang pinakaunang pagkakataon na may nagtaray sa akin at inakusahan ako ng harap harapan. Sinabihan pa akong malandi na talaga namang nakakasakit. Although it's not true, di ko pa rin maiwasang di maapektuhan. Tao lang naman kasi ako.
Rem tried to cheer me up. Kinikwentuhan niya ako ng mga kung anu-anong kakornihan. Sorry to him. I'm not in the mood. Nag-offer siya na siya na ang magliligpit ng pinagkainan namin. Sabi ko sa kanya matutulog na ako. But that was a lie.
Instead of going to my room, I went to the rooftop. There, nakalanghap ako ng sariwang hangin. Umupo ako sa swing bench at tumingin sa malayo.
Sumi-senti na ako ng tumunog ang phone ko. Si Yna tumatawag. Agad ko itong sinagot.
"Kangji, are you OK? Where are you?"
"Nandito sa bahay. Bakit, anong meron?"
Nakarinig ako ng kaluskos. Hanggang sa umingay. Nag-aagawan ang tatlo sa phone. Tss.
"Kangji! Si Talia ito. Wag ka magpapaapekto mahal ka namin!"
"Talia, ako naman pakausap!" boses ni Iasha. "Kangji, di naman totoo yun diba?"
"Ang alin ba?" Nagsimula na akong kabahan. What's up? Parang may malaking issue ako. Heck.
"ANG GUGULO NIYO!" Nilayo ko ang phone sa tenga ko nang sumigaw na si Yna. "AKO YUNG TUMAWAG DIBA? LUMAYO MUNA KAYO! SA GROUP CHAT NALANG TAYO MAG-USAP USAP!"
Bumuntong hininga ako. Nakakamiss ang kaingayan nila. Miss ko nang matulog sa dorm kasama sila.
"Send ko sa GC ang link. Sige na."
Pagkababa ni Yna ng tawag, nakarecieve agad ako ng notification sa isang messaging app. Nag-message si Yna ng link. Nang buksan ko ang link, napanganga ako sa title na nabasa ko.
STYLE's Kangji is into Zico?
Nanginginig ang mga daliri ko habang ini-scroll down ko ang pahina. It was posted yesterday. Kaya naman pala galit na galit ang dalawa sa akin kanina sa mall kasi akala nila nilalandi ko si Zico at Rem nang sabay. Sa pinakahuli, may naka-post na GIF. The best nga ang gumawa ng GIF eh. Ang galing mag-edit. Pinamukha niya na ang clingy ko kay Zico at siya naman parang lumalayo. Pinapalabas ng article na ito na naghahabol ako kay Zico.
Napabuga ako ng hangin.
Kung alam niyo lang, mag-MU kami. At ano naman kung I'm into Zico? Bakit sinasabi nilang bini-betray ko daw si Rem. On-Screen couple lang naman kami. Hays! Nakakainis mag-isip ang ibang tao.
"Sino kayang paepal ang kumuha nito?" I wonder to myself. Paulit ulit kong pini-play ang GIF.
"Iniisip ko nga rin kung sino eh."
"AAHH!" Naihagis ko ang phone ko sa sobrang gulat.
Nasalo ito ni Rem ng isang kamay.
Tumingala ako sa kanya. Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na namalayang nasa harap ko pala siya.
"Ang hilig mong sumulpot, alam mo yun?"
Tumawa siya at inabot sa akin ang phone ko. Umupo siya sa tabi ko tapos tumingin sa malayo.
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya.
"Sa behavior mo kanina alam ko kung saan ka unang hahanapin."
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Cerita Pendek"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."