Edward's POV:
"Edward! Edward! Sino yung kasama mo sa Baguio?"
*click* *click*
"Edward girlfriend mo ba yun? Siya ba dahilan ng pag atras mo sa movie nyo ni Heaven?"
*click*click*click*
"Aray"
Masyadong maraming reporter ang nagtutulakan, na kahit maraming guards ang nakabantay sa akin ay nasasaktan pa rin ako.
Nakahinga ako ng maluwag nung makapasok na ako sa studio, pinapunta ako deretso doon sa Nag mamanage sakin at napagalitan lang maman ako at sinasabing kailangan kong ayusin to.
"Tell me that it's not true! Who's that girl with you?"
Isa pa tong nakakasakit sa ulo ko ay si Heaven,
"Woah? Why do I need to explain things to you? Girlfriend ba kita?"
Bigla siyang napatahimik para bang hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin niya, nakakainis na eh.
"Edward, halika na"
Tinawag na ako ng manager ko para sa press conference. Dapat ayusin ko mga sagot ko, ayoko mapahamak si Kisses.Pagpasok ko pa lang sa conference room ay biglang magsitayuan yung mga nasa harap na reporters at isa isa nang kumuha ng litrato, sakit sa mata.
Umupo ako.
"Isa isa lang ang tanong"
Sabi ng manager ko, umupo silang lahat.
"Edward, sino yung babae na kasama mo sa Baguio?"
Tanong nung babaeng reporter,
"Let me clear things out that i came to Baguio and spent time hindi lang kasama ang babaeng yun kundi tatlo kami. That girl is one of my friends, i won't answer any personal questions regarding her."
"Edward, pero nakuhanan kayo na magkahawak ang kamay, siya rin ang palagi mong kasama sa pictures!"
Napatingin namab ako doon sa isang reporter,
"Uulitin ko, she's a friend. Hindi ko alam kung anong gusto palabasin nung nagkuha ng picture at ang ganda ng timing ng mga pictures niya, pero magkaibigan lang talaga kami"
"What about Heaven? Marami ang nagsabi na kaya ka umatras sa movie dahil sa nalilink na babae sayo? May nagsabi ring you and Heaven is not in good terms"
Gusto kong hilotin yung noo ko ngayon sa sakit ng ulo, ang dami nilang alam.
"Wag tayong makikinig sa sabi sabi, none of that is true!"
"Sino ba kasi talaga yung babae kasama mo sa baguio?"
"Let me repeat! Tatlo kami sa Baguio nun, and i won't answer personal questions regarding her. Thank you"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko dun para umalis na at bigla silang nag ingay, they keep on throwimg questions na paulit ulit nalang.
"Lets go straight home"
Sabi ko sa manager ko, pero nasa daan palang kami palabas ay bigla kaming hinarangan ni Heaven, napatingin ako sa paligid at marami ang nakatingin. Isa pa tong babaeng to, sarap niya isama doon sa mga reporters na ang iingay.
"Wait for me here, manager."
Hinila ko si Heaven papasok sa isang dressing room,
"Ano ba talaga problema mo?"
Naiinis kong tanong,
"You tell me who's that girl edward!"
Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to kung bakit ganito siya maka asta
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger (SEASON 1)
FantasíaEdward John Barber, a famous actor in the Philippines. He's a total package... Kung Hindi Lang siya.... Arrogante, walang modo, mahangin at masarap itapon sa ilog pasig. But inspite of all these negatives, ay maraming nagkakandarapa at nagmamahal sa...