Kezziah's POVNagising ako dahil sa hindi malaman na dahilan.
Nang makapa ko ang kabilang bahagi ng kama ay napansing kong walang tao.
Nasaan si Nathan?tanong ko sa sarili ko.Alas 5 palang kasi ng umaga at wala na siya sa tabi ko ang aga naman niyang nagising.
Naisip kong pumunta ng kusina at baka nandon lang siya.Hindi naman ako nagkamali.Nagluluto nga siya ng agahan.
Nasa pinto palang ako ay kitang kita ko na ang malulusog at malalaki niyang braso.Wala kasi siyang suot na pangtaas na damit at tanging ang apron lang ang tumatakip ng katawan niya.
Napalunok tuloy ako ng wala sa oras kasabay ng pagtulo ng mga pawis ko galing sa aking mukha.Umagang umaga pinapawisan ako.Ewan ko ba.Nakita ko na naman ang katawan ni Nathan pero kahit na ganon ay hindi parin nagbabago ang epekto niya sa akin.Ano bang meron sa lalaking tu.
Napatingin si Nathan sa direksyon ko.Nabigla pa nga siya ng makita ako pero mabilis naman siyang naka-recover at inalalayan ako patungo sa upuan sa kusina.
"Ang aga mo atang nagising,may masakit ba sayo?"nag-aalala niyang tanong.
"Ah...eh....napansin ko kasing wala ka sa tabi ko kaya pumunta ako dito nagbabasakaling nandito ka.At hindi naman ako nagkamali."pagpapaliwanag ko pero hindi ko malaman kung bakit titig na titig parin sa akin si Nathan.
"Bakit?"nagtataka kong tanong.
"Bakit parang namumutla ka?"hinawakan ni Nathan ang pisngi ko at napansing basa ang mukha ko.
"At bakit basa ang mukha mo?Pinagpapawisan ka ba?.Ang aga naman ata para pagpawisan ka?"tanong ni Nathan na may halong pagtataka.
Bigla tuloy akong namula.Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
"Ziah may hindi ka ba sinasabi sa akin?May problema ba?"
"Ha?...ah...eh...wala.Ano ka ba.Sintomas lang siguro ito ng mga buntis.Pinagpapawisan ng umaga."pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka.?"paninigurado niya.
"Oo nga.Ano ba yang niluluto mo?"pag-iiba ko sa topic.Baka kasi pilitin niya pa ako.Mahirap na malaman niya ang totoong dahilan kung bakit ako pinagpawisan.
"Ah ..ano Mushroom soup.Tamang tama luto na ito kumain kana."
"Ha?..eh pano silang tiyang at tiyong?..kumain na ba sila?"
"Ha?Nakalimutan mo ba na wala sila dito?.Pumunta silang Japan dahil sa bussiness."
"Ah..hehe..oo nga pala."napakamot ako ng ulo.
"Ganyan pala ang mga buntis.?Makakalimutin?"tanong niya na hindi ko alam kung ako ba ang sinasabihan niya o ang sarili niya.
"Siguro."sagot ko kahit hindi naman ako sigurado kung ako ba tinatanong niya.
Kumain na kami.Tahimik walang kibuan.Ang sarap sarap ng kain ko ngayong umaga.Sa katunayan nga pangatlong cup ng kanin ko na tu eh at gusto ko pang dagdagan.
Masarap palang magluto si Nathan ngayon ko lang nalaman.
Tumikhim si Nathan sa hindi ko malamang dahilan kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"halos hindi maintindihan kong sabi sa sobrang puno ng pagkain ang baba ko.
"Wa-wala.Sige kumain ka na."sabi ni Nathan at nagpatuloy ng kumain.
Nagpatuloy nalang rin akong kumain.Bumalik na naman ang katahimikan sa pagitan namin ni Nathan.Napapansin kong pasimple siyang lumilingon sa akin pero hindi ko na lang iyon pinansin.Ang sarap-sarap kasi ng pagkain.
YOU ARE READING
Until I Let You Go
Roman d'amourSometimes letting go is the best way on how to show your love to that person. Even if it hurts you so much.