"Alam mo ba? Sabi nila maaari raw mahulog ang loob mo sa isang tao kapag nakipagtitigan ka sa kanya at ikaw ang unang umiwas."
Maybe this will be the last time na magpapanggap ako na 'bestfriend' lang talaga ang turing ko sayo.
"Saan mo naman nakuha yan?" Tanong mo sa 'kin na parang 'di mo nagustuhan ang sinabi ko.
"Nabasa ko lang." And I'm starting to lie again para lang malaman ko kung may nararamdaman ka rin ba sa akin. "Gusto mo subukan?"
I know I'm just making this worst. Alam ko namang isasampal mo lang sa akin ang mga salitang, "Bestfriend tayo at hindi magbabago yun". Wala eh. Desperada na ako. Sobra na akong nahihirapan na magpanggap sa harapan mo.
"Para saan pa?" Muli mong tanong.
"Bakit natatakot ka?"
"Baka pagsisihan mo lang."
Siguro tama ka. Baka pagsisihan ko lang. Ang totoo natatakot ako. Natatakot ako kahit simula pa lang alam ko na ang isasagot mo. Di ko lang kasi kayang marinig yun mismo mula sayo...
... mas lalo lang akong masasaktan.Pumayag ka sa kasinungalinang sinabi ko. Tinitigan mo ako na para bang hindi ka natutuwa na ako ang nasa harapan mo. Walang emosyon ang mukha mo. Napakalungkot ng mga mata mo. Naisip ko na lang, 'Hindi ba talaga ako sapat para makuha ang puso mo?'
Bumabagal ang takbo ng oras. Pakiramdam ko ilang sandali na lang susuko na ako. Pagdating ng oras na yun batid mo ng mahal kita hindi bilang isang kaibigan lang, kundi bilang isang lalaking gusto kong mahalin at makasama habang buhay. At sa mga oras ring yun, hindi ko na magagawa pang manatili sa tabi mo habang pinipigilan ang sarili ko sa pagmamahal ko sayo.
"Tama ka nga. Dapat hindi na natin 'to sinubukan."
Iniwas ko ang mga mata ko sayo. Tinalikuran kita habang pilit na tumatawa.
Ano ba kasi 'tong ginagawa ko? Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Teka Lyz..."
Sa pagbagsak ng mga luha ko, hinila mo ang braso ko dahilan para mapaharap ako sayo. Nakita mo akong umiiyak pero wala pa ring pagbabago sa reaksyon ng mukha mo.
"Bitawan mo ako Ren! Panalo ka na di ba?! Ngayong alam mo ng mahal kita, hihilingin mo pa rin bang manatili ako sa tabi mo bilang kaibigan mo?"
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng mga palad ko na parang isang bata. Pero laking gulat ko ng yakapin mo ako at dahang dahang hinaplos ang ulo ko.
"Hindi ko hahayaang ibaling mo ang paningin mo sa iba. Gusto sa 'kin lang. Alam kong baliw ka at laging gumagawa ng kung anu-anong bagay. Lagi naman kitang sinusuportahan dahil partners in crime tayo, di ba? But not this time. Paano kung gawain mo ito sa iba at mahulog ka sa kanya? Paano kung iwan mo ako ng dahil sa kanya? Lyz, hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari nasasaktan na ako ng sobra. Pero ngayong alam ko ng mahal mo ako, siguro naman pwede ko na sabihin sayong mahal rin kita?"
YOU ARE READING
Your Eyes on Me
Teen FictionONE SHOT --------------------------- © Credits to the owner of the photo