KANINA PA HINDI MAIPINTA ANG MUKHA NI GRAZZLE. Matapos siyang sigawan nang bipolar niyang boss sa loob nang opisina nito sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang itong pumasok sa kwarto nito nang walang paalam. At hindi siya nito tinawag kahit isang beses. Sa halip ay si Bettina ang tinatawag nito sa loob. Naiinis siya at hindi niya alam kung bakit.
Mali, alam niya pala. Naiinis siya dahil sinigawan siya nito nang hindi niya alam ang rason. Sinong maninigaw nalang bigla na alam niya sa sariling wala siyang nagawang mali? Asar! That green-eyed devil!
"Grazz, lukot na ang papel."
Kaagad na nabitawan niya ang hawak at nanlalaki ang matang nakatingin sa lukot na lukot na papel. "Oh, geez!" aniya't nasapo ang noo. "Pasensya ka na, Bettina. Ahm.. May kailangan ka?" Nagprint siya ulit ng isang pahina sa file na nilukumos niya.
"Are you sure you're okay? Simula nang lumabas ka kanina ay nakabusangot na iyang mukha mo. Idagdag pang ako ang tinatawag ni boss. May nangyari bang hindi maganda sa loob?" nag-aalalang tanong nito.
She heaved a sigh and shook her head. Inayos niya ang bagong print na file at inabot iyon kay Bettina. "Kakailanganin iyan ni boss. At wag kang mag-alala, may PMS lang ang boss natin." nakairap na saad niya.
Naiiling naman ito ngunit may ngiti sa mga labi. "Sige. Kayo ang bahala. Salamat dito." Paalam nito bago tinungo ang sariling mesa. Hinayaan niya narin ang sariling maging busy sa trabaho para sa araw na iyon.
Napasulyap si Grazzle sa orasan nang makaramdam nang gutom. Alas diyes y media na pala. Itinigil niya muna pansamantala ang ginagawa at nag-unat nang kamay. "Haaay. Nakakapagod."
"Grazz, I'm heading down to grab something to drink. Gusto kong uminom ng kape sa Starbucks. Gusto mong magpabili?" pag-aaya ni Bettina nang mapadaan sa area niya.
"Ahh, salamat. Pero sa pantry nalang ako kukuha." Saktong tumunog ang cellphone niya kaya't sinagot niya iyon. "Grazzle, speaking." Nakita niyang sumensyas si Bettina na aalis na kaya kumaway nalang siya dito.
"Ma'am, si Arleen po ito. Kamusta?"
"Arlene! Napatawag ka? Okay lang ako. Kayo ang kamusta diyan? How's the restaurant?" nakangiti niyang saad. Namimiss niya na ang trabaho at mga kasamahan doon.
"Okay naman po. Wag po kayong mag-alala, okay naman po ang restaurant. Mabait din po ang pansamantalang ipinalit sa inyo. At ma'am, ang gwapoooo!" Kinikilig na pahayag nito kaya hindi niya mapigilang matawa.
"Ano ba yan. So ipagpapalit niyo na ako? Ganon?" Kunwariy tampo niya.
"Ahy, si ma'am oh! Siyempre hindi. Ngayon lang po tutal wala naman po kayo dito." Hagikhik nito. "Ahy, siya nga po pala. Kaya ako tumawag kasi pinapasabi ni Sir Ed na baka gusto niyo daw po sumama sa yearly team building ng branch natin. Sa makalawa na po iyon."
BINABASA MO ANG
Calle Maganda Series: Grazzle Maila Rudero
Romance"I love you... That's all I know." Fourth installment for the series! Have fun. ☺