Fall

1.5K 30 15
                                    

Dalawang mag bestfriend simula ng sampung taong gulang palang sila at siyempre katulad ng ibang Cliché na story hindi mawawala ang nag iisang sa salitang.



"Falling Inlove"

Isang araw narealize na lang ni Adi na sa matagal na panahon na silang magkaibigan ay hindi malabong nahulog na pala ang loob niya sa kaibigan niya, kaya kahit papa'ano naman ay ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalwa kung aamin nalang siya ng nararamdaman niya.

Puro ganon kase ang eksenang nagaganap pag may isang tao ang nahuhulog sa 'magkaibigan' masisira lang ang pingsamahan nila ng mahabang taon. At kahit sino naman ayaw na masira ang ilang  taon na pagsasamahan nila.


Pilit niyang kinukumbinsi sa puso't isipan niya ang nararamdaman niya sa Bestfriend niya, mahal niya. Sa araw araw na magkasama sila, lalong lumalala ang pagkagusto niya dito.  "Torture na torture to." Sa isip niya.

Lumipas naman ang ilang buwan ganon pa rin ang nararamdaman ni Adi para kay Dio pero tadhana na siguro ang may gawa kaya kinailangan nilang maghiwalay muna ng landas para sa mas makakabuti. Si Dio ay naging abala sa family business nila na ipinasa sakanya ng kanyang lolo, habang siya naman ay kinakailangan niyang alagaan ang kanyang kapatid na may sakit.

At dahil doon isinantabi muna nila ang pagkakaibigan at inuna muna nila ang mas importanteng bagay. Sang ayon naman siya para putulin muna ang koneksyon na naguugnay sa kanilang dalawa at sinabi niya sa sarili niya yun ang mas makakabuting paraan para makalimutan niya muna si Dio, Baka sakaling mabaling ang nararamdman niya.

Pero gabi-gabi halos hindi siya makatulog dahil sa iniisip niya ang sasabihin niya kay Dio. Kailangan niya ng sabihin na mahal niya ito at bago pa sila maghiwalay ng landas baka sakaling hindi na sila magkita, at least masabi man lang niya. Kahit sa huling pagkakataon. It's now or never ang peg niya ngayon .Kaya kinabukasan nung nasa airport na sila hindi na nagsayang ng pagkakataon para umamin ng saloobin.

'This is it!'

Huminga muna siya ng malalim at buoong tapang na siyang aamin. "Dio, may sasabihin sana ako." Buong lakas niyang sabi, kulang na lang himatayin siya sa lakas ng tibok ng puso niya

"May gusto din akong sabihin." At tulad niya, ganon din ang nararamdaman ni Dio. Handa na niyang sabihin pero inunahan din ito ng takot.

"Wala pala" Sabay pa nilang saad. Parang alam na nila na hindi pa ito amg tamang oras para aminin ang saloobin nila.

Kinakabahan sila sa magiging resulta pag nagkaaminan natatakot sila na baka ang isa ay  ireject at masasaktan lang ang feelings.

Lumipas na ang  anim na taon na pero hindi parin nagmahal ng iba si Adi. Kung gaano karami ang nanliligaw sakanya, ganon rin karami ang nabasted niya dahil may isang tao siyang hihintay hanggang ngayon.


Hinihintay niya ang pagbabalik ni Dio. Alam niya sa sarili niya na babalik at babalik pa din ito at sa pagdating niyang yun desidido na siyang aminin ang matagal niyang tinitiis na nararamdaman. At sa anim na taong yun na walang komunikasyon, sobra na ang pagsasakripisyo niya sa oras. Hanggang sa dumating ang araw na nakatanggap siya ng isang Email. Madaling madali niyanh Chineck ang email niya at nasorpresa siya dahil galing kay Dio ang email na yun. Bigla niyang namiss lalo ang bestftiend niya. Yung lalaking minahal niya mula ng bata palang sila. Pero ang mukha niya na masaya ay naging malungkot dahil sa dulo ng messag ay,

"Hi Adi,  I'll arrive tomorrow at 8:00 am. Excited na akong makita ka. Miss na miss na kita. Oo nga pala there's someone I'd like you to meet! See you at the airport."



'Someone I'd like you to meet.'


Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya Someone? Sino nga ba yung someone na yun? And all these years? Hindi man lang naramdaman ni Dio na mahal siya nito ng higit pa sa kaibigan? Buong akala niya, siya ang gusto nito, na pareho sila ng nararamdaman pero, ano to? May gusto pa siyang ipakilala. Pero hindi na mahalaga yon. Ang mahalaga ay magkikita na sila ng mahal niya ng hinintay niya ng sobrang tagal.

Mas maaga pa sa oras ng arrival ang pagpunta ni Adi sa airport. Masyado siyang excited sa pagkikita ulit ng bestfriend niya. Busy siyang nagpipindot sa cp niya para itext kung saan banda na ba ito. Pero napatigil siya ng maramdaman niyang may nakatayo sa harapan niya mismo. Taas kilay naman niya itong tinignan ng mapansin niyang nakangiti sa kanya ang sophisticated na babae. Sobrang ganda nito na tinalo pa ang ganda ni Liza, ang seksing katawan na tumalo pa kay Jennylyn. Kaya ka kahit anong yingin ang binibigay sakanya ng magandang babae ay wala siyang paki alam, dahil hindi naman niya ito kilala.

Iniwasan niya ang weirdong babae at sinipat pabalik balik ang orasan at phone niya. "Asan na ba 'yon?"

Muli na naman siyang nilapitan ng babae at ngiti ngiti ito na abot hanggang tenga.


"Miss, may problema kaba sakin?" Medyo irita na tanong niya. Hindi niya alam kung iniinis ba siya nito o ano. Pero nagkibit balikat lang ito at patuloy sa pag ngiti na akala mo ay pinipcturan.

'Ano bang nakakatawa?' Tanong niya sa sarili niya. Baka naman heto ang "Someone I'd like you to meet" ng taong hinihintay niyang dumating? Heto na siguro yon' sabi niya sa isip niya. No wonder kung bakit niya nasabe dahil sa itsura palang nito kitang kita mo na wala kang masasabe. Makinis at maputi niyang balat na parang yelo napakaganda niya gusto na nga niyang mainsecure dahil sa itsura niya ngayon feeling niya nanliliit siya.

"Are you Dio's girlfriend? Muling tanong niya na lalong ikina ngiti ng babae. Naiinis na siya dahil puro ngiti lang ang binibigay ng babae sakanya. 'Pipi ba 'to?' Inis na tanong niya sa sarili niya.


Pilit na lang din siyang  ngumiti pero sa kaloob-looban gusto niyang tanungin ang babae kung ano ang nangyari at nasaan nga ba yung lalaking yun? at kung ano pa ang pwedeng itanong.  Ang sabi lang naman ni Dion sakanya 'meet with someone' tapos kung anu'ano na ang pumapasok sa isip niya.


Pero laking gulat niya ng tumawa ng malakas ang babae. Naweweirdohan nga siya dahil hindi man lang sumasagot ang babae instead ngumingiti lang siya kanina pa at may pahampas hampas pa sa braso, feeling close. Gusto na nga niyang bigwasin ang babae eh kaya lang umiral ang pagiging good niya. Pero yung tawa niya napaka gaan talagang pakinggan. Parang yung boses na napakawarm sa puso.


Naalala na naman niya si Dio dahil sa ganda ng boses ng lalake. Bigla nalang siyang hinawakan ng babae sa kamay habang nagiisip siya ng kung anu'ano. Nabigla naman siya dahil finally nagsalita na ito.

"Adi" That voice! Tanda niya ang boses na yon', ang boses ng kanyang mahal na mahal. Liningon niya na lahat ng pwede niyang lingunin pero wala pa din kahit anino nung boses na yun. Hindi niya pansin ang babaeng nasa harapan niya dahil nadinig niya bigla ang boses na tumawag sa pangalan niya. Alam niyang si Dio yon dahil boses palang alam na alam na niya.



Yung lalaking yon pagkatapos ng ilang taon madidinig nalang ang boses niya out of nowhere. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya may kaba, lungkot, galit dahil sa kinatagal-tagal niyang naghintay eh bigla nalang may someone siyang ipapakilala. Pero nagulat siya ng bigla siyang hampasin ulit siya ng babae na ikinainis niya.




"Ya! It's me, Dio your Bestriend!"




At tuluyan ng nalaglag ang panga niya sa sinabi ng babaeng kanina pa pangiti ngiti sa kanya.











Itutuloy...

SHE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon