3 Words 8 Letters and 1 Meaning

216 2 0
                                    

Ako si Bianca "Bea" Derosa.. 2nd year College student.. Pangit ako alam ko.. Pero di naman dapat pang ipamuka sakin yun.. kasi matagal ko nang tanggap..

CHAPTER 1:

Naglalakad ako sa Hallway ng school namin ng may sumigaw at tumawag sakin..

"Bea!!" sigaw sakin ng isang babae sa kabilang dulo ng hallway

"Baket?" nilapitan ko sya

"Natapos mo yung Project ni Prof" sabi nya.. nakakapag taka kasi parang ngayon ko lang naman sya nakita..

"Hah? oo.. bakit sino ka ba?" sabi ko

"Ako si Rhema Reyes.. Naninigurado lang.. kasi yung akin.. hindi pa ehh" sagot nya

"ahh.. ano kasi ehh.. papasok na ako sa klase ko hah.. mamaya na lang ulit.."

"ahh ako rin ehh.. sige hah.. sabay tayo umuwi mamaya.."

"o sige.."

Pumasok na ako sa klase ko..

Bago ako umuwi nag punta muna ako sa library para isoli ang librong hiniram ko..

Pagbaba ko..

"AAAYYYYY!!!!!!!!!!! anak ka ng Nanay mo!!" sigaw ko nang matisod ko yung gitara ng isang lalaking naka upo sa gilid ng hagdan..

"Ano ka ba? ang careless mo naman! kapag nawala sa tono yung gitara ko o kaya nag crack to! papalitan mo to! hinidi mo ba alam kung magkano to?!" sigaw sakin ng may ari ng gitara

"sorry hah kung natisod ko yang gitara mo.. hagdanan kasi to ehh.. hindi upuan o patungan.. at isa pa.. Kasalanan ko ba kung natisod ko yang pakalat kalat mong gitara?!"sabi ko sa kanya

"Anong pakalat kalat? ehh kung ikaw kaya ang gawin kong kalat at itapon kita dyan sa basurahan?!"sigaw nya saken

" O talaga? Di nga? Matatakot na ba ako hah? Ngayon na?"

Sa sobrang inis nya tinulak nya ako sa poste at umaktong susuntukin nya ako..

napahinto sya nang..

"Kuya wag!" sigaw ni Rhema.. Teka.. KUYA?! kuya nya tong Galunggong na to?!

"Oy Rhema.." kalma nyang sagot

"Kuya Andrei tumigil ka nga! kaibigan ko sya!!!" hila sakin ni Rhema

"Kuya mo sya?!" tanong ko

"Oo Bea.. 2nd Year na sya.. at 3rd section kaya ganyan ang ugali nya.. pag pasensyahan mo na hah.." sagot ni Rhema

"So? ano naman kung 3rd section ako?" sabi ni Andrei.. pangalan ng kuya nya

"Magbati na kayo please.." sabi ni Rhema

"No!!" sigaw namin parehas..

"Sinipa nya gitara ko" sabi ni Andrei

"Sinipa o Natisod.. Nakaharang sa daan at di ko naman sinasadya.." sabi ko

"Di nya naman pala sinasadya at nakaharang naman pala at bakit nga ba nasa hagdan ang gitara mo kuya?" sabi ni Rhema

"Pinatong ko lang saglit tapos pagbalik ko.. nasa baba na.. at kinakampihan mo pa hah?" sabi ni Andrei

"Nako Rhema ayoko makipag bati sa taong mataas ang pride.. Mabuti pang umuwi na lang ako.. Bye!" Alis ko.. pagod na kasi ako sa pakikipag talo ko sa kuya ni Rhema at ayoko din na may naiipit sa mga gulong sangkot ako..

Kasalanan ko ba kasing naka harang sa daan yung gitara nya.. Di ko naman nakita kaya di ko sinasadya.. Hay..

"Mama andito na ko.." sabi ko sabay pasok sa bahay..

"Naka handa ang Hapunan kumain ka na dito.." sabi ni Mama

"Opo Ma' mag bibihis muna ako saglit.."

"HAAAYYY!!!!" Higa ko sa kama.. napagod talaga ako

"Bea! Bilisan mo!" pag mamadali sakin ng Mama ko

"Opo Ma' andyan na.." sabi ko.. Maya maya.. May na recieve akong text galing kay Miko Valdez.. Boy Friend ko..

Pagtapos ko agad kumain ay biansa ko na yung text nya..

Miko:Babe sorry..(bakit sya nagsosori wala naman syang kasalanan..)

Ako:Why?(Gusto kong itanong kung bakit sya nagsosori.. medyo natagalan sya bago mag reply)

Miko:Break na tayo.. Hindi na kita mahal.. Sorry..(Ano?! Kaya sya nag sosori sakin dahil bebreakan nya ako.. Kakaiba rin to ehh noh..)

Pagtapos nun hindi ko na sya nireplayan o tinext ulit.. Binura ko na rin yung number nya sa phone book ng cellphone..

Nakakainis sya.. Makikipag break ng walang dahilan.. Alam ko naman na everything happens for a reason.. Pero bakit di nya sinabi? May bago na kaya sya? Bakit?!

Buong magdamag akong hindi naka tulog.. Pagka gising ko tuloy.. Muka na akong nabugbog na Zombie sa laki ng eyebags ko.. Pero ni isang patak ng luha hindi ko sya binigyan.. Ayokong isipin na nasasaktan nya ako.. Kase ayokong mgahabol sa kanya.. Bad Trip tuloy akong pumasok sa school..

Sa Canteen

Mag isa lang akong kumakain.. Nagiisip isip.. Nagulat ako ng may biglang tumabi sakin at binigyan ako ng Coke in Can..

"Ano na naman Andrei? Sisisihin mo ulit ako? Bad trip na nga ako.. Binreakan pa ako ng Boy Friend ko.. Ano pa bang gusto mo?" sabi ko.. Ewan ko kung bakit ang init ng dugo ko dito kay Andrei..

"Relax.. Bea.. Kalma.." kalma nya akong sinagot na para bang walang nangyari.. Gusto ko na syang sapakin kahit parang ang bait nya ngayon..

"O para san to?" kinuha ko yung binigay nyang coke

"Inumin mo.. Baka may menstration ka ngayon at dinidisminoriah ka na dyan.. Ang sungit mo ehh.." sabi nya

"Pano.. Nakipag break sakin ni Miko ng di ko alam ang dahilan.." binuksan ko yung coke

"Si Miko? Valdez? Asa ka namang seryoso yun sayo.. Ang pangit mo kaya.. Mag isip isip karin.. At isa pa.. Nagbibilang lang yun ng babae sa bilis nyang magpalet.." sermon nya.. Ang lakas ng loob nyang sermonan ako hah..

"Grabe ka naman.. Alam kong panget ako.. pero  di naman kelangan ipamuka diba? Sana nga may maka tanggap sa itsura ko kahit ganito ehh.."

"Ehh bakit hindi ka maghanap dyan.. Andaming ibang lalaki sa mundo.. Malay mo nasa tabi tabi lang.. Ehem.." Nung problema nitong lalaking to? Kanina.. Nilalait ako.. Tapos ngayon.. Kinokomfort ako.. Anu ba talaga?

"Kala mo ba gaun kadali yun?!"

"Yoko na nga! Dyan ka na panget!!" asar nya.. Bad trip..

"Che!!" Kala mo kung sinong kagwapuhan.. Kung sa bagay.. Pede na.. Hay Bea.. Tumigil ka na nga! kaka break mo lang.. Landi na naman.. Tsk.. Pahinga muna hah..

Naglalakad ako sa Hallway ng School nang may maka bangga ako..

Si Miko! Anong ginagawa nya dito..

"Bea.. Lets talk.." Ewan ko ba pero napatakbo na lang ako bigla.. Ayoko nang makipag usap ulit sa kanya noh.. Naka move on na ako.. Ayoko na hah..

Sa may bandang kanto ng Hallway ay may biglang lalaking lumabas at nauntog ako sa kanya sa pagkabigla ko..

"O Bea bakit ka tumatakbo? Alam mo bang bawal yun? Sino bang hahabol sa panget na gaya mo?" Asar nya.. Kahit kelan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak nito..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

3 Words 8 Letters and 1 MeaningWhere stories live. Discover now