CHP29: Crush Kita

1.3K 64 20
                                    

"Mahal na mahal parin kita Dasuri. At dahil sa mga nangyayari sa atin, mas lalo kong napapatunayan na hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko. Kaya pasensya na pero.... I will do everything to get my wife back." -KAI

Dedicated to jancrisbhengbhen
--
/DASURI/

"Wifey? Wake up, nandito na tayo sa last stop ng bus." naalimpungatan ako nang may maramdaman akong bahagyang tumatapik sa pisngi ko.

Pagmulat ng aking mata, bumungad sa'kin ang mukha ni Kai na nakadikit sa aking mukha. Nakatitig sya sa akin dahilan para lalo kong magulantang.

"Y-Yah!" saad ko sabay tulak dito palayo. Takte! Ano bang nangyari?! N-Nakatulog na naman ako?!

Sinubukan kong i-analyze ang mga pangyayari. Nakatitig ako kay Kai na nakangiti pa habang pinagmamasdan ako.

"Finally you're awake. Akala ko bubuhatin pa kita hanggang sa bahay nyo. Hindi ko pa naman alam kung saan 'yon." Inabot ni Kai ang gilid ng labi ko para sana punasan 'yung tulo-laway sa pisngi ko. Napansin ko naman agad 'yon kaya hinawi ko agad yung kamay nya.

"A-ako na." pigil ko rito. Kahit naman sabihing 'asawa' ko sya. Nakakahiya paring ipapunas ko sa kanya yung left over ng pagtulog ko 'no! Eww.

Nakatitig lang sa'kin si Kai habang ginagawa ko 'yon. Naiilang naman ako sa ginagawa nya kaya pilit kong iniiwasan ang tingin nya.

"Ehemp, dito na po ang pinaka last na bus stop ng routine ko. Bababa po ba kayo?" Pahayag nung driver habang hinihintay ang sagot namin ni Kai.

Nilingon ko naman sya't sinagot. "Opo manong. Saglit lang."

I faced Kai and bow at him, "Salamat sa paghatid. Okay na ko dito. Bye." Saka nagmamadaling umalis sa pwesto ko. Dali-dali akong bumaba ng bus at hindi na muling lumingon pa. Binabatuk-batukan ko pa 'yung sarili ko dahil sa sobrang hiya habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ng mga magulang ko.

"Aissh, nakakahiya ka talaga Dasuri! Matutulog ka na nga lang. Nangtulo ka pa ng laway mo. Arrgh!" Sermon ko pa sa sarili ko.

Hindi naman nagtagal ay narinig ko na naman ang boses ni Kai sa gilid ko. "Okay lang 'yon. Sanay na naman ako." saad nito pagkalingon ko. Namilog naman ang mga mata ko nang makita 'to. Napahinto pa ako sa paglalakad dahil sa sobrang gulat.

"A-Anong ginagawa mo rito? D-Diba sabi ko okay na ko dito? Kaya ko na sarili ko." wika ko matapos kong maover come yung pagkagulat ko.

Nagkibit-balikat naman 'to sa harap ko, "Sabi ng professor ko dati, if you want to know the exact address of the girl that you like. Ihatid mo sya sa bahay nila. In that case, magagawa mo nang simulan ang panunuyo sa kanya." Kinindatan pa nya ko na kinatawa ko naman.

"So, ang ibig mong sabihin. Kaya mo ko sinusundan kasi gusto mong malaman kung saan ako nakatira ngayon? Tss. Para ka namang bata." saad ko sabay lakad na muli. Pilit kong pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Sumunod naman sya sa'kin.

"Yeah, para kong high school student na nanunuyo sa crush nya." Nilingon ko sya na nakataas ang isa kong kilay. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Nababaliw kana ba?" Ang weird naman kasi ng mga kinikilos nya. May nalalaman pa syang high school student na nanunuyo sa crush. Psh.

"Ang slow mo talaga. Sabi ko crush kita, pwede ba kong manligaw?"

Halos bumagsak sa sahig ang panga ko dahil sa sinabi ni Kai. Para bang nabingi pa ko ng marinig 'yon.

"A-Anong sabi mo? Ka-crush mo ko? Pffft." Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan ang tawa ko. Matapos kasing magsink-in sa utak ko ang kanyang sinabi. Hindi ko mapigilan ang tumawa.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon