CHAPTER 9

3.4K 148 34
                                    

CORAZON

Marahan niyang tinulak ang dibdib ni Donny upang ilayo ang sarili niya dito. Awtomatikong bumagsak ang kanyang paningin sa lupa. Ang buong akala niya ay wala nang irarahas ang tibok ng puso niyang mabilis na tuwing nariyan ito pero nagkamali siya.

Kung kanina ay naiiyak pa siya sa ginawa ng kanyang pinsan sa sapatos niya, ngayon ay masyado na siyang abala para sa ibang damdamin. And just like before, she can't explain why her heart has to beat this way for him. Hindi na nga siya magtataka pa kung marinig na ni Donny iyon sa sobrang lakas ng pagtibok.

"Corazon..." masuyong tawag ni Donny sa kanya. Malayo sa matalim nitong titig habang tinatanong kung sino at kung bakit siya umiiyak kanina.

"U-Uuwi na ako. May...gagawin pa pala ako sa bahay," aniya na hindi pa rin masalubong ang tingin nito.

But his hand on her arm didn't let her go easily. Hinila lang rin siya nito muli pabalik sa puwesto niya sa harapan nito. At dahil nanghihina pa rin ay basta na lamang sumusunod ang katawan niya rito.

"No. Not until you tell me the problem. Bakit ka umiiyak kanina? May nang-away ba sa'yo? Tell me..."

"W-Wala nga!" mabilis niyang sansala sa sinabi nito. "Napuwing lang ako."

"Ang luma naman ng excuse mo," walang bakas ng humor sa pagkakasabi nito no'n.

Pagbuntong-hininga niya ay nahagip niya ng tingin ang mga kaibigan nitong nasa tindahan pa rin kung saan galing si Donny na pinapanood silang dalawa. Kita niya ang pinipigil na tawa nina Marco at Edward. Ang mga babae naman ay matapang ang tingin sa kanya na para bang kahit ang kausapin man lang ni Donny ay hindi siya karapat-dapat.

Hinawakan niya ang braso ni Donny habang hinihila ang sariling braso mula dito, "Donny, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo. Huwag mo na ako'ng pansinin—"

Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kamay nito sa kanyang braso. At sa halip na makinig sa kanya at balikan ang mga kaibigan nito ay nagsimula ito'ng maglakad habang hila-hila siya palayo.

"Donny, ano ba! Sabi ko pabayaan mo na ako!" sigaw niya rito habang nagpupumiglas. Hindi niya maiwasang maalala ang gabi ng Sagala kung saan ay hatak-hatak din siya nito ng ganito!

"Dahil ayaw mo'ng magsalita, mag-date na lang tayo," he said as if he said something normal.

Date?! Ano?! "Hoy! Ano ba'ng date ang sinasabi mo? Huwag mo nga ako'ng pag-trip-an! Bitawan mo ako ngayon na nang masapak kita!"

He chuckled. May nakatakas na pagka-aliw doon ngunit kita niya pa rin sa mga mata nito ang bakas ng inis para siguro sa kanina. Why is he so affected, she doesn't know. Maybe he just hates seeing girls cry? After all, may nanay at kapatid ito'ng babae.

Ngunit sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaking ito ay imposible namang wala na ito'ng napaiyak na babae. He looked like he's born to break many hearts. At siguro karamihan doon ay basta na lang nahulog at nasaktan nang hindi naman nito sinasadya.

Natameme siya sa naisip. Naramdaman na lang niya ang paghinto nilang dalawa sa waiting shed sa gilid ng kalsada. Nakita niya sa harapan ang paaralan kung saan siya nagtapos ng elementarya. Lalong nangunot ang kanyang noo.

"Ano'ng—"

"Rodel," nakikipag-usap na pala si Donny sa kung sino'ng nasa kabilang linya ng cellphone nito. "Alam kong nakikita niyo kung nasaan ako ngayon. Lumapit kayo dito at isama niyo ang kotse."

Pinatay nito ang tawag matapos sabihin iyon sa pormal na tono. Nilingon siya ni Donny habang ibinabalik sa bulsa ng suot ang cellphone. His perfect brows were furrowed. Mamumula ang labi nitong halos mag-isang linya. He's still frustrated she can tell.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon