Chapter 20: Karma of a Playboy

76.7K 2.1K 195
                                    

Chapter 20

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng aming classroom habang nilalaro sa palad ko ang lapis na hawak ko at malalim ang aking iniisip.

"Sigurado ka talaga na hindi ka manunuod?" pangungulit sa akin ni Kaye habang nakaupo siya sa harapan ko at nakatingin sa akin.

Pang limang beses na niya yata ako kinukulit na manuod ng performance ng Heartless band na mabilis ko naman tinatanggihan.

Kung dati excited ako na mapanuod sila noon pero ngayon hindi na. Masakit parin e, sa tuwing nakikita ko siya mas lalo akong nasasaktan. Parang balewala lang sa kanya na may nasasaktan siyang tao.

Ang sakit na nararamdaman ko ay parang scar na hindi na maaalis sapagkat permanente na sa akin. Hindi ganun kadali ang kalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kung meron lang delete botton sa buhay ko nagawa ko ng pindutin para para lang makalimutan ko siya.

"Hindi ako manunuod, Kaye. 101% sure na hindi." sabi ko sa kanya kasabay ng pag ngiti ko para ipakita na okay lamang ako. Alam ko naman na hindi siya maniniwala sa ngiti ko pero pinakita ko pa din.

Muli akong umub-ob at narinig kong bumuntong hininga siya. Gusto kong mapag-isa sa ngayon lalo na ang mapalayo muna kay Xander.

Napagtanto ko na hindi talaga siya ang tamang tao para sa akin. Hindi niya deserve ang bawat butil ng likodo na tumutulo sa mata ko dahil wala naman siya pakealam na nasasaktan niya ako.

Mabuti nalang at hinayaan muna ako ni Caleb na mag-isa kaya wala siya dito ngayon. Hindi ko kayang makita ako ni Caleb na nasasaktan, wasak at umiiyak.

Mas mabuti kung mas bibigyan niya ng oras si Mindy. Oo, naninibago ako dahil palaging nasa tabi ko noon si Caleb. Nasanay ako na nasa tabi ko siya palagi. Pero kailangan ko talaga na sanayin ang sarili ko kasi hindi naman pwedeng dumepende ako sa kanya.

"Fine! Pain changes people kaya sana hindi ka maging isa dun gurl. Stay who you are and always think positive. Lahat ng nararanasan mo ngayon ay pagsubok lang ni God. Malay mo ng dahil sa pananakit niya sayo doon mo matatagpuan ang taong magmamahal at magpapahalaga sayo na hindi mo naranasan kay Xander. Nasasaktan ako dahil nakikita kitang nagkakaganyan. Yes! Walang bakas na luha ang mata mo pero alam kong deep inside durog na durog na ang puso mo na kahit sinabi mo kahapon na okay ka lang. Nandito lang ako sa tabi mo gurl. You're my bestfriend for life." mahaba niyang sabi at lumapit siya sa akin kasabay ng pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

Niyakap ko din siya ng mahigpit habang walang tumutulong luha sa mata ko. Siguro nga na isa lang 'tong pagsubok para matagpuan ko na ang right person para sa akin. Pero sa ngayon ayaw ko muna na mainlove.

Ayaw ko ng maranasan ang sakit na dulot ng pagmamahal na 'yan. Masayang ma-inlove pero sakit lang ang dulot ng pagmamahal.

"Thank you, Kaye." bulong ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"Gotta go na gurl, papanuodin ko si bebe you know. And oh, malapit mo ng makilala si Luke. Nabalitaan ko kina Tita na dito nila papasukin si Luke. Alam kong magiging close kaagad kayo. Ghad! Kinikilig ako." kinikilig niyang sabi habang namumula ang pisngi niya.

"Baliw."  natatawa kong sabi sa kanya.

Nang makaalis siya nilibot ko ang tingin ko sa loob ng silid na 'to. Napako ang tingin ko sa upuan ni Xander. Ngumiti ako ng mapait at pinipigilan ko ang sarili ko na huwag tumulo ang luha ko.

Akala ko hindi dadating sa punto na mapapagod ako na mahalin siya. Sa anim na taon, tatlong salita lang ang iniintay ko na marinig mula sa labi niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon