Ikaw iyon, hindi ako.

10 0 0
                                    

Kumusta? Ako nga pala si Louie, isa akong mag aaral ng Holy Spirit. 9th grado ako sa taong ito. Nakatira ako sa probinsya, mapunong probinsya. Ako'y pinapalaki lamang ng aking lolo at lola, dahil matagal nang wala ang aking mga pamilya. Ang aking ama ay matagal na kaming iniwan at ang aking ina ay pumanaw na. Isa ako sa mga tinatawag niyong 'introvert.' Ayokong makisalamuha sa mga taong nakapaligid sa akin, mas nagugustuhan kong mapag-isa.

Noong Hunyo, nag-simula na ang aming unang klase, simula na naman nang kanilang pambubully sa akin. Kaya't mas pinili ko nalang mapag-isa, dito na ako nasanay at baka saktan lang din ng mga tao ako. Nag-simula na ang mga pagpapakilala ng bawat isa at noong pagkakataon ko na, pinagtawanan na naman nila ako at pinagsigawan. Nasanay naman na ako sa ganito, matagal na ito, mula pa noong grade 7 ako, hindi na sila nagsawa sa kanilang pang-aasar, nasanay na rin naman ako. May isang naka pag pansin saken ng atensyon nang ito ay nag pakilala na. Ang pangalan nya daw ay si Marco, dahil baguhan syang mag aaral sa aming eskwelahan, wala na siyang mapipiliang upuan, maliban sa tabi ko na nasa dulo.

Napakasayahin nyang tao, hindi sya dapat matabi saken na gaya kong weirdo at hindi marunong maka sama. Napaka daldal nya at maingay sa klase, pero ang pag kakainis ko sa kanya ay napalitan ng simulan na rin nya akong kausapen.

Naging maging kaibigan kame, madame kaming pinagsamahan. Mas madaling maging kaibigan ang tulad nya, napaka daldal nyang tao at kung ano ang nasa isip niya ay tiyak niyang sasabihin agad. Sa pag daan ng mga ilang buwan labis ko siyang nakilala ngunit may isa akong hindi makakakimutan tungkol sa kanya. I kekwento ko sa inyo kung anong nangyare sa loob ng ilang buwan nameng pag sasama.

Si Devin ay isa kong klasmeyt sa ameng kwarto, siya ang pinaka kakainisan ko sa mga kaklase ko, siya ang lage nag papahiya at nang aaway saken mula pa nuong grade 7 ako. Madalas ko siyang pag isipan ng masama, patayin siya, tanggalen ang isang mata nya at ihalo sa kanyang pagkaen na kakainin. Madalas ko siyang pag isipan nuon dahil siguro sa aking galit sa kanya sa mga pinag gagawa nya. Lahat ng mga ginawa saken ni Devin ay nakwento ko na ren lahat kay Marco na dahilan den para kagalitan sya ng aking kaibigan. Minsan ko na reng naisip na bat hindi ko nalang patayin kaya si Devin, ng mabawasan ang mga gaya niya dito sa mundo.

Si Marco nga pala ay mas matanda saken ng isang taon, dapat grade10 na sya ngayon ngunit napahinto siya ng isang taon sa pag aaral sa hindi malamang dahilan. Uwian na ng klase namen, at ang mga klasmeyt ko handang handa na umuwi at nag mamadale. Inaya ako ni Marco pumunta sa isang lugar.

"Marco san naman tayo pupunta? Mag gagabi na ah? " natanong 'ko.

"Louie, saglit lang naman tayo duon, hindi tayo mag tagagal may papa kita lang ako sa'yo" sambit ni Marco.

Mga mag aala sais na ng gabe nang kami ay makarating sa pupupuntahan namen. Dinala ako ni Marco sa isang mapunong lugar, nakaka pagod mag lakad dahil sa mahirap mag lakad dahil sa dinadaanan namen ay, lubak lubak pa. Nakarating kame sa Isang malakeng puno ng mangga, nung una ay nag tataka ako, nung kame ay pumalibot sa puno ng mangga, nakita ko si Devin! Naka tali ang kanyang buong katawan sa puno ng mangga at may elektrik teyp ang kanyang kanyang bibig na halata sa mukha nya ang pagod at sakit.

"Louie, *sabay bigay ng baseball bat* eto oh, bugbugin naten si Devin! Alam kong magiging masaya tayo duon at ito rin naman gusto mo diba? " sambit ni Marco.

Halata na sa mukha ni Devin ang sakit at pag makaka awa niya sa amin na gustong mag bago dahil sa lahat ng kanyang ginawa. Hindi ko kayang saktan si Devin kahit ganuon ang mga ginagawa nya sa akin, dahil pare pareho lang naman kameng mga tao na binigyan ng buhay ng panginoon. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko sa pinuntahan namen, kaya't tumakbo ako ng tumakbo papalayo sa mapunong lugar na iyon, habang umiiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw iyon, hindi ako.Where stories live. Discover now